CHAPTER SEVENTEEN

2363 Words
Foundation has come at nasa school kami ngayon kakatapos lang ng parade, every department has their own float and each of their representative escorts and muses is on there. We are here now sa school gymnasium to be specific dahil the next event will be the mass first and then the opening program para sa foundation. We are required to attend. Kaya malulula ka sa sobrang daming tao sa gymnasium ngayon. I’m with Cathy, Dale and of course the other two which are Dawn and Viel. Mika is busy running some errands dahil nga SSC officer siya they are the one who organize this event. We saw each other naman kanina sa parade but as usual hindi kami nagpansinan. He reminded us somethings na kailangan namin mag-attend mamaya. “Ang tagal mag-start nagugutom na ko” Cathy said na nasa tabi ko. “Parang di nakapag-breakfast” Dale said naman, nakagitna ako sa kanilang dalawa ang sarap pag-untugin. “Hello? Ang haba ng nilakad natin kanina sa parade?” ayaw talaga patalo. I frowned at them, and they laugh naman. I saw Mika paakayat sa pwesto namin he’s holding a bag plastic of water and my kasamang snacks na rin but he’s still looking for us maybe he doesn’t know where exactly we are. Ang mga nasa tabihan naman namin ay napatingin sa kanya, watching where he will go. Cathy raised her hands when he also saw Mika para malaman kung saan kami nakaupo. Nasa baba siya at nasa may pinakamaatas na bleachers kami ng gymnasium. He smiles ng makita kami at dumertso na ito sa amin. “Nice Miks! Di kami makababa baka mawalan kami ng pwesto” sabi ni Cathy at saka kinuha ang isang bottled water kay Mika. Pinagkuha naman niya sila Dawn at ako na katabi niya ay hindi man lang naisipan na abutan. They fist bump naman ng makita sila Dawn they talk to each other pero hindi ko marinig dahil medyo maingay sa gym. Nakatanaw ako sa stage ng may malamig na tumama sa mukha ko kaya nagulat ako at napatingin sa taong nasa harapan ko na may hawak na bottled water. Natawa naman siya ng makita ang iritang mukha ko. Seriously? and then he sat beside me. Hindi ko napansing umalis pala si Dale sa tabi ko at lumipat sa kabilang dulo na sa tabi naman ni Viel. kinuha ko naman ang tubig na inaabot niya sa akin. thank God akala ko madedehydrate na ako eh. Nagbubulungan ang mga nasa harap at likuran namin dahil malamang nandito si Mika artista ‘yarn? They will probably assume there is something going on between us. Rumors everywhere. “Mukha mas pagod ka pa sakin ha?” saka niya ako tinignan, wala nanaman ba itong magawa at aasarin na naman ako? Mas lalong sumimangot naman ang mukha ko “What time ba mag-start,” almost one-hour na kaming naghihintay. “nagugutom na ako” kung hindi talaga hassle bumaba at kung may babalikan pa kaming pwesto kung aalis kami, baka kanina pa ako lumabas ng gymnasium at bumili ng snacks. “Eat this” saka naman niya ako inabutan ng biscuit. “Thanks” kahit na mas lalo lang ako magugutom dito sana naman ay mag-start na Someone is on the court waving probably getting the attention of Mika dahil pareho sila ng shirt which I assume para sa mga officer. Kinalabit ko naman itong katabi to let him know “Tawag ka” saka ko itinuro ang taong nasa baba. He looks at me bago siya tumayo. “Mamaya na lang” and then he pats my head “Enjoy the events” saka binigyan ako ng isang matipid na ngiti. I just nod at him as he walks away habang nakasunod pa rin ako ng tingin sa kanya. Kita kong nagpaalam na rin siya sa iba at bumaba na para bumalik sa pag-aasist sa mga guests. Siguro break time lang nila kanina kaya nakapunta siya sa amin. Ilang minuto pa ang hinintay namin bago magsimula ang program. Proclamation lang naman the President gave speech and all. Dalawang oras din nagtagal ang program pasado ala una na ng tanghali sa totoo lang at hindi pa kami nanananghalian. Umalis na kami ng gymnasium at naghanap ng pwedeng kainan. Gusto ko sanang itanong kung sasama ba si Mika pero sa tingin ko ay hindi kaya ipinag walang bahala ko na lang. As we go walk palabas there are a lot of booths sa tabi ng halfway parang kanina lang wala pa itong mga ‘to ngayon meron na. We have actually a booth sa department namin. Kinuha namin ang Photobooth sa Engineering sa Civil naman ata ay wala they were just selling some corn dogs and other street foods. Wala naman kasing may gustong mag-volunteer sa pagluluto kaya nagdecide na lang kami na why not photobooth. Mamayang after lunch saka pa lang magbubukas ang booth namin kaya we are still free to go around to enjoy the opening of foundation dahil mamaya may schedule na kaming dapat sundan kung sino ang mga naka-assign sa booth. We ended up eating sa karinderya na ilang blocks din ang layo sa university. Pare-pareho naman naming ayaw kumain sa City walk dahil nakakasawa na daw. “Asan pala si Mika?” ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko habang naghihintay din ng sagot sa tanong ni Cathy “Hindi ko alam” Dawn said “basta sabi lang niya before huwag na natin siya hinatayin” baka madami pa rin silang ginagawa. “Nagbabalak pa humabol ng president yan sa PICE” naaalala kong nabanggit niya nga sa akin ‘yon “Seryoso ba?” di makapaniwalang sabi naman ni Cathy “Ewan ko ba sa kanya, gusto lagi may responsibilidad” “’di na niya kinakaya yung responsibilidad kaya ghinost na yung iba noh?” nabalikwas ang tingin ko kay Cathy ng banggitin niya iyon. Inilibot ko naman ang aking tingin sa iba at kung gaano ako kagulat ay ganoon din naman sila. When they recovered from that tumawa naman ng malakas si Viel na halos lahat na kasama naming kumakain ay napatingin na sa table namin. She really that close to them para mabanggit niya ang ganon. “What?” I don’t know if she really wants to said it or talagang nagiging sarcastic lang siya towards Mika. “I knew it pati kayo alam ang rumor na ‘yon about sa aming mga Civil.” “Actually no, it’s just we accidentally heard it nung nasa comfort room kami ng EB,” pagkukwento ni Cathy “na may ghinost ka from Industrial major” duro pa niya kay Dawn na siyang ikinagulat naman nito. Dawn laughs on that “Seryoso ba?” “Mika is truly the ghoster between the three of us” are they really going to talk about this stuff? On here? Sa karinderya? “halata nga, binomba nga si Dan noong una palang sila nagkita ni Mika eh” walang ganang ani ni Dale. And now nasali na rin ako sa usapan? “Mika didn’t mention it” Viel is laughing “ang tindi talaga” dagdag pa nito. They continue talking about it. Hindi ko alam kung ilang customer na ang napaalis namin dahil ang tagal nilang nag-uusap nakikinig lang naman ako sa kanila. Kung hindi pa nag-chat si Jae sa akin to tell us na it is our turn na para sa pagbabantay sa photobooth baka hanggang mamaya pa sila doon. We go back to university, mas lalong dumami ang mga tao compared kanina. “Are you sure ayaw mo sumamasa amin?” Tanong ko kay Dale, he mentioned kanina kung anong gagawin niya mamayang tanghali why not join us na lang sa pagbabantay. “Nah, kila Viel na lang ako sasama” tumango na lang ako sa kanya. Okay na rin ‘yun kesa mag-isa siya sa boarding house. Pare-pareho naman silang Civil nila Viel. Dumeretso na kami sa room kung saan naka set up ang photobooth. Madami-dami rin ang nakapila. Kahit siguro ako ay makikipila for the pictures memories din kasi. Sabi ko kay Cathy ay siya na ang mag-asikaso sa photograph at ako na ang bahala sa pagla-layout and printing. We are also have a little stall para sa siomai and drinks habang naghihintay they can buy their foods. I saw Jae na naka-aasign doon kaya nilapitan ko siya. “Sipag naman” puring sabi ko saka kinuha ang plastic ng calamansi para makapaghiwa para may gawin ako habang wala pang ginagawa. “Dito na pala kayo” sandali lang niya ako tinapunan ng tingin dahil medyo busy pa siya sa pagtitinda ng siomai. It’s so good na siya ang pinagtinda at in-assign sa stall para makahakot ng buyers because of he’s look. Nice marketing. “Kanina pa…” kahit na kakadating lang namin, saka ko inabot sa kanya ang calamansi para sa siomai. I help him sa pagtitinda until tinawag ako ng isa kong classmate na it’s my turn para mag layout. I pat Jae’s shoulder at nagpaalam ng pumunta roon. Hopefully in the whole week ganito pa rin kadami ang pumupunta sa booth namin. For funds din kasi ng organization namin ito. “Jae! Can you please take a picture of us.” Saka ako hinigot ni Cathy para pumunta sa harap kung saan nagpapapicture for photobooth. Jae smiles naman saka lumapit kay Cathy para kunin ang camera. “May bayad ‘to ha?” sabi pa niya sa amin. Kinuha ko ang sign na may nakasulat na ‘sir kahit tres lang po’ to hold it. Cathy put a wig saka shades naman para sa costumes and we do some pose as Jae captures us. Until 5 pm kami nag-stay doon though mga bandang 4 pm ay wala ng customer pero naglipit pa kami for closing. We are also waiting kila Dawn and Viel saka Dale na naglilinis daw sa kanilang room dahil sila ang in-assign doon. Nang matanaw namin sila Dale na pababa na from the stairs ng 2nd floor ng EB tumayo na kami para salubungin sila. I don’t know why I am so disappoint na hindi nila kasama si Mika, I’m not surprise though. Umuwi na kami katapos nun, no one dare to ask kung may gusto bang magmiryenda or kumain sa lahat because we are all exhausted kahit na half day lang naman kami nagtrabaho. Also gusto ko na rin maligo dahil lagkit na lagkit na ako sa sarili ko magsimula pa kaninang umaga. Tomorrow’s event will be the Ms. And Mr. MSU it’s a pageant ayaw ko sana manuod but Cathy keep asking me na samahan siya dahil hindi kami masasamahan nila Dawn because naka-aasign sila magtinda. Kaya kaming dalawa na lang manunuod. This girl is a Pageant addict. Sabi ko nga sa kanya siya na ang susunod na representative namin but she doesn’t want daw. Kinabukasan pumunta na kami sa university to attend events obviously, kasama namin si Dale ngayon dahil gustuhin man niya mag-stay na lang sa bahay ay hindi pwede kinakailangan nilang magtinda for their department with Dawn and Viel. Gusto pa nga ni Dawn na sunduin kami kaya lang ay kadating pa lang daw niya sa university ay inutusan na siya ng mga seniors nito. It’s okay though we usually riding a jeep naman papasok at pauwi ng university. Dale go to EB kami naman ni Cathy ay dumeretso na sa gymnasium for the pageant. Akala namin ay maaga kami but we are wrong because isang oras bago magsimula ang program wala ng vacant seats maliban na lang sa loob ng court where in only organizers and family of the candidates ang pwedeng makapasok. Akala ko mag-aaya na si Cathy umuwi because wala na kami maupuan but instead pumasok pa kami at nakipagsiksikan kahit na nakatayo kami. We saw the stage clearly naman but the problem is that we are only standing and we don’t know how long we will lasts. We are standing for an half hour at nangangawit na ang paa ko nang makita ko si Mika walking towards us na naghawi ng crowd sa harap namin. “Come with me” nang makalapit siya sa amin. Cathy held my hand and sumunod naman kay Mika. I don’t know what the hell is going on pero nakakahiya lahat ng taong nasa tabi at madadaan namin ay nakatingin sa amin. Natigil kami sa paglalakad kaya itinaas ko na ang ulo ko sa pagkakayuko saka ko napansin na nasa entrance na kami ng court where all the VIP’s are seating. Mika talk to someone na nakabantay dito at saka naman nito binuksan ang gate at pumasok kami. “You can seat here” sabi niya noong nasa tapat na kami ng mga vacant seats. “Are you sure there was no one seating here?” tanong pa ni Cathy saka inayos ang upuan at saka umupo. “Wala, those are extras” sabi niya and he gave us an assuring smile. Inayos niya ang upuan na nasa harap ko para makaupo ako. “Thank you” saka na ako umupo. Hindi ko alam kung may mga nakatingin ba sa amin but I am literally shy right now parang gusto ko na magpalamon sa lupa. I saw some people who are near with us na nakaupo sa VIPs seats na nakatingin sa amin. “Seat comfortably,” I look up at him naman “and happy watching” he bid us goodbye dahil may gagawin pa daw sila. Hindi ko alam kung nakita niya ba kanina or Cathy let him do us a favor? Not minding the surroundings at umupo na lang ako ng komportable like Mika told to us. “Damn the privilege” rinig kong sabi ni Cathy habang naka ngisi “What do you mean” I said with my confuse face. She look at me and laugh “The privilege ka ko, na maging kaibigan si Mika” na mas lalong nagpa ngisi sa kanya “ikaw ano na naman ang iniisip mo eh” dagdag na sabi pa. habang ako gulong-gulo pa rin kung ano ang gusto niyang iparating. “Labo mo” pailing-ili na banggit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD