Hindi ko alam kung anong oras na noong nag-aya na silang umuwi. But the clearest is Viel is sleeping, Mika is drunk. Cathy is a mess. Dawn is tipsy ganoon din si Dale kaming tatlo na lang ang nakakatayong maayos. Lumabas na kami ng pub. Cathy is throwing a tantrum over Dawn dahil gusto nitong magpa-piggy bank sa kanya. Inalalayan naman ni Dale si Viel papunta sa kotse ni Mika, siya ang magddrive dito obviously Mika can’t drive because he's so drunk.
“Mika stand up, we’re going home na” sabi ko habang chinecheck ang table kung may nalimot kami.
Nang mapansin kong hindi pa rin siya kumikilos tumingin na ako sa pwesto niya at sumalubong sa akin ang mapupungay niyang mga mata. He’s sleepy.
He gestures on his hand na lumapit ako sa kanya, nagdalawang isip naman ako kung susundan ko ba siya o hindi but in the end lumapit pa rin ako.
“What?” tanong ko sa kanya nakatingala siya ngayon sa akin because he still seated on the chair even though sinabi kong tumayo na siya.
But instead of standing up he hug my waist na siyang ikinagulat ko.
Pinilit ko pang tanggalin ang kamay niyang nakapalupot sa akin “Tumayo ka na diyan, iiwanan na nila tayo” habang nakatanaw kila Dawn na papalit na sa kanilang sasakyan.
“Are you still mad at me?” he asked he's still looking straight at my eyes. Umiwas ako ng tingin
“I’m not” paano ako magagalit kung hindi naman talaga ako nagalit in the first place?
“You are” nanlulumong sagot niya saka ibinaon ang mukha sa tiyan ko.
Ang kulit. “Kung hindi ka pa tatayo diyan iiwan na kita” pananakot kong sagot habang pinipilit pa rin tanggalin ang pagkakapalupot ng kamay niya on my waist.
He obediently stands up naman. We started walking palabas ng pub, but he didn’t let go of my hand. Kanina pa siya nakahawak sa totoo lang, namawis na nga ‘to. may sarili naman siyang kamay bakit hindi ito ang kaniyang hawakan.
Dale is driving, Viel is on the passenger seat buti na lang at hindi ito mahirap pakiusapan katulad netong nasa tabi ko. We are on the backseat of his car right now. Dapat silang dalawa ni Viel dito and ako ang nasa passenger seat pero nagsabi itong hindi iibigay ang susi kapag hindi ako ang katabi nito. He's really like a child. Sa susunod talaga hindi na ako sasama kapag nag-aya silang uminom.
Cathy and Dawn on the other car. Yung pagod na lang namin nina Dawn sa kanila.
Buti na lang at nabalik si Dale sa wisyo kanina bago kami umuwi dahil kung sakali walang magd-drive sa sasakyan ni Mika at mapipilitan kaming iwanan ito dito. I decided na rin na sa boarding house na lang sila patulugin, bahala silang maging sardinas sa loob ng kwarto ni Dale.
“Mika where’s my phone” I’m gently tapping his face right now para magising siya. Dahil magsimula kaninang kinuha niya ito hindi pa rin niya ibinibigay.
“No!” sagot naman niya habang nakahawak sa bulsa nito, and create a distance between us, nasa pinakagilid siya ngayon. akala ata niya kukuhanin ko ito sa kanya ng sapilitan.
“I’m going to text my Mom!” irita kong sagot sa kanya. Palusot ko dahil hindi ko alam kung may ibang nag-message na ba sa akin and I already opened the chat of Jae baka akalain nito I purposely leave him na naka-seen.
Dale is silently driving I saw him smirking habang pasimpleng tumitingin sa amin.
“You’re not! Rereplyan mo lang yung classmate mong mukhang koreanong hilaw” my jaw dropped nang marinig ko ang sinabi niya, hindi rin naman napigilan ni Dale ang kanyang tawa kaya napatawa na lang ito ng malakas. How dare him call Jae like that. Ang gwapo kaya ni Jae.
“I’m not!” pasigaw ko namang sagot, I didn’t mind defending Jae dahil alam kong mangungulit lang siya kapag binanggit ko pa siya.
“Use my phone then” he said saka niya kinuha ang phone sa kabilang bulsa niya at inabot ito sa akin.
Natulala na lang ako sa phone niyang nasa palad ko ngayon. He really doesn’t have any intention of giving back my phone huh? Ang sarap niyang sapakin sa totoo lang dapat talaga iniwanan ko na lang siya kanina doon.
I gave up bukas na lang ng umaga kung kailan matino na siya.
Napansin kong lumalapit siya sa pwesto ko and when he’s ready to lean on his head on my shoulder I stop it with my hand.
“Give me back my phone first” nakahawak pa rin ako sa ulo niya.
“Nah…” saka lumayo ulit sa akin at isinandal na lang ang ulo sa may window. Mababaliw ako sa lalaking 'to, parang nagkaroon ako ng batang lalaking kapatid. He’s so stubborn.
We stayed quiet hanggang sa makadating sa boarding house, pagkaparada ni Dale sa sasakyan nauna na akong lumabas to open the door at para magbukas na rin ng ilaw, nakauwi rin.
Ibinaba ko ang gamit ko sa may sofa at saka lumabas ulit para alalayan ang mga lasing. I saw Mika pababa ng saksakyan and he’s struggling sa paglalakad mukha pa siyang masusubsob dahil sa kalasingan kaya bago pa siya tuluyang matomba nagmadali na akong tumakbo papunta sa kanya.
Sakto naman ang timing ko at naalalayan ko siya. Kotang-kota na ako sa’yo ngayon Mikaela Vasquez.
“Iniwan mo na naman ako ulit” the first thing that he will said to me habang inaalalayan ko siya maglakad papasok ng bahay.
Napatigil ako “Gago ka ba?” iritang sagot ko sa kanya at tinanggal ang pagkakaakbay niya sakin bilang alalay sana at saka iniwan siya doon bahala siya maglakad mag-isa niya. nakakairita.
Dumeretso ako sa kwarto ni Dale at inayos ang kama niya at saka kumuha na rin ng extra comforter sa kwarto namin para higaan nila Dawn. Cathy is already on the couch Dawn massaging his shoulder napagod ata kay Catherine. Si Viel naman ay gising na pero wala pa rin sa wisyo.
Kaming dalawa ni Dale ang nag-aayos ng kwarto niya ngayon buti na lang at maayos ito. Mas malinis pa nga ata kwarto niya kesa sa amin ni Cathy eh.
Lumabas ako para papasukin na si Viel doon at makapagpahinga na siya.
Deretso naman itong naglakad papasok natawa ako sa kanya dahil napakamasunurin kapag lasing siya.
“Dawn pasok na kayo 'don ako na bahala kay Cathy” hinarap ko siya dahil kita kong pati siya ay pinipigilan na rin ang antok.
He yawned naman “Thanks Dan” and he pats my shoulder.
Tumingin naman ako kay Mika na nasa may pintuan he’s sitting there struggling the way he takes off his shoes. Hindi ko alam kung he’s doing it on purpose or talagang ganito lang siya kapag lasing.
Huminga muna ako ng malalim at saka padabog akong nagmarsta papunta sa kanya.
“Ako na” as I kneel in front of him at saka tinatanggal ang sapatos nito. Para magtanggal lang napakatagal aabutin pa ng siyam-siyam.
When I successfully remove his shoes tumayo na ako and he looks up naman sa akin with his sleepy eyes. Hope you know how cute you are. Kinapa ko ang phone ko na nasa bulsa ko but I remember it his phone nga pala ang sa akin ay nasa kanya pa rin.
I offer my hand naman pala makatayo siya at kinuha naman niya ito saka naglakad na ako papasok sa kwarto ni Dale. When we are already there kita kong nasa lapag sila Viel and Dawn. No choice naman siya kung hindi ang tumabi kay Dale. Malaki naman ang kama neto kaya sakto lang sila.
He let go of my hands akala ko dederetso na siyang humiga but he face me at saka niyakap ako ng mahigpit.
I literally flinched.
“Good night,” sabi pa niya as he kissed me on my forehead. Pagkatapos non ay dumeretso na siyang humiga sa tabi ni Dale.
Nang makita nasa komportableng pwesto na sila I switched off the light and before I leave their room I murmured ‘good night Mika’ which I doubt think he heard it.
Si Cathy naman ang inalalayan ko papasok sa kwarto namin. I let her sleep on my bed because obviously I can’t carry her sa double deck kaya tabi na lang kami matutulog. Inayos ko siya at inuring sa dulo malapit sa pader.
Kumuha ako ng damit para makapagpalit. Lumabas ako to check if the cars are on locked ganoon din sa gate and sa pintuan at saka dumeretso na sa banyo para makapaghilamos.
If they will going to plan again na uminom magpapakalasing na rin ako para sila naman ang mag-alaga sa akin at mahirapan. Damn these guys.
I turned off all the lights saka humiga na. Mika’s phone keeps vibrating sa ilalim ng unan ko kaya kinuha ko ito just to see Trinity’s message him.
Trinity:
‘Mika where are you?’
‘Hey?’
‘Viel is not also answering my call.’
Ang ilan sa mga ito ay kanina pa na-send, some are from their group chats
I intend to reply her sana but naka-lock ang phone nito kailangan ng passcode para mabuksan and I don’t know what it is kaya gustuhin ko ‘mang replyan I can’t. hopefully wag siya masyadong mag-alala sa kanila because they are sleeping comfortable naman.
Nang ma-relax at nahanap ang pwesto sa pagtulog doon ko palang naramdaman ang pagod they better treat me bukas sa pag-aalaga ko sa kanila. At hinila na ako ng antok pagkapikit ko ng aking mga mata.
I woke up naman mag-isa na lang sa kama, I’m guessing na they are all awake at nasa kusina na. I did my morning routine at saka itinali ang buhok ko into a bun. Dala ang phone ni Mika pumunta na rin ako sa kusina at nandoon na nga silang lahat. Dale and Mika are cooking ang tatlo naman ay nasa dining table nagkukwentuhan.
“Good morning Dan!” Viel greeted me as soon as nakita niya akong papalapit sakanila. Kinuha ko naman ang upuan na nasa tabi niya at doon ako umupo.
When I remember na nasa akin pala ang phone ko I walk towards Mika na busy’ng nagluluto. I poke him sa may braso.
“Phone mo” habang nakahawak sa phone niya.
Kinuha naman niya ito at ibinulsa. Akala ko ay hindi pa niya ibibigay ang phone ko at mapipilitan akong sapakin niya. pero kinuha niya ito sa kabilang bulsa ng short niya at iniabot sa akin.
“Chat Trinity kagabi pa nag-aalala sayo” saka ako tumalikod sa kanya at naglakad papuntang lamesa. I open my phone praying that Dad didn’t text me.
Kita ko naman ang seryosong tingin ni Cathy at Dawn nang makalapit ako sa kanila tinaasan ko na lang sila ng kilay. Ano na naman ba ang ginawa ko?
I saw Jae messages, he greeted me good morning already at nakita kong naka-seen na ito. Damn you Mikaela. He definitely opened it dahil wala namang passcode ang phone ko.
Late man ay ni-replyan ko pa rin siya. Nag-sorry din ako about kagabi that it’s not my intention. I also text Dad na sunduin ako mamaya dahil wala na rin naman kaming pasok and next week ay foundation na.
“Sabihin nyo Salamat Daniel” sabi ko sa kanila hang kumakain.
Viel just laughed at me, si Cathy ay seryoso, Mika is expressionless, umagang-umaga.
“Hindi naman ako yung inalalayan mo paano ako magpapasalamat?” Viel said.
“Oo nga?” dagdag pa ni Cathy.
Muntik pa akong mabulunan sa kinakain ko.
“Dapat pala hinayaan ko na lang kayo matulog sa lapag ano?” mataray na sabi ko naman sa kanila.
They tease me more until sa mainis ako and in that nagpasalamat na sila sa akin. Iisa lang talaga ang braincells ng mga ‘to pinapangunahan ni Cathy at Viel ang pang-aasar. Syempre ay hindi ako nagpatalo.
“You mentioned your crush nga sa akin kagabing lasing ka” sabi ko kay Viel.
Saying some stuffs na hindi naman talaga nangyari para lang ma-stress si Viel kakaisip.
“Are you serious?” his face immediately turns red. So, he does have a crush who is it?
Isang ngisi lang isinagot ko sa kanya. And he keeps bothering me kung totoo ba ang sinasabi ko. Asarin nyo pa ako ha?
Nag-stay sila doon hanggang tanghalian. Mika and I didn’t talk to each other pero sa iba nakikipag-usap kami. Lasing lang talaga siya kagabi at sobrang lakas ng loob niyang kausapin ako.
Pero ngayon wala siyang imik. Hindi ko alam kung naaalala niya kung gaano niya ako pinahirapan kagabi dahil sa kakulitan niya. I stared at him he’s only using his phone probably talking to Trinity it’s good naman. Labas na ako kung ano man ang isyu sa kanila I had enough at ayaw ko na makisali.
Kung makikipag-ayos siya sa akin then I will take it. To him he thinks na may galit ako sa kanya.
I don’t have any problems naman kung kakausapin niya ako I’ll talk to him then hindi ako ganoon kabastos. But to be clear I don’t have any intention to take the first move para lang makausap siya kung iyon ang inaakala niya. They also tease us pero hindi na lang ako nag-react the wound is still fresh masakit pa rin.