Sebastian Hindi na inaasahan ni Sebastian ang pagtawag sa kanya ni Red. Nagsawa na rin kasi siya sa kakahintay ng tawag mula rito upang mapakinggan naman sana niya ang dahilan nito kung bakit mayroon itong kasama sa isang park sa Angeles. Sa unang pagkakataon ay na-stress siya sa balita na kumakalat. Marami siyang negatibong komento na nabasa tungkol sa relasyon nila ni Red. Bagamat inaasahan na niya iyon lalo pa at siguradong may mamumulitika at sasamantalahin ang pagkakataon ay hindi pa rin siya sanay. May mga bulgar kasi na komento sa post. Pilitin man niyang ipagwalang bahala ang lahat ay hindi pa rin niya maiwasan na isipin. Pakiramdam niya ngayon ay siya na lamang ang pinag-uusapan sa buong Batangas. Narinig kasi niya si Mang Pedring na kausap ang asawa nito. Usap-usapan daw talaga

