Maddie's POV A few weeks later... "Anong balak mo Andy? Hindi mo sasabihin kay Drex iyang tungkol sa kalagayan mo?" tanong ko. Nandito kami ngayon sa rooftop. Nag-uusap kaming tatlo. Nagpapatulong na naman kasi si Andy para iwasan si Drex. Gusto niyang isekreto kay Drex ang tungkol sa sakit niya dahil daw ayaw niyang mahirapan si Drex dahil lang sa lagay niya. Iba din mag-isip ito eh. Minsan di ko maintindihan. "Sis, boyfriend mo siya. May karapatan siyang malaman ang about sa sakit mo." sagot ni Louise. "Hindi guys. Ayoko. Ayokong mahirapan si Drex. Ayokong malungkot siya. Ayokong mag-alala siya dahil lang sa lagay ko. Kilala ko si Drex kaya ko ginagawa ito. Mahal ko siya kaya mas gugustuhin ko na lang masaktan ako kaysa siya." sabi ni Andy. "Hindi mo naman siya pwedeng iwasan na lan

