Maddie's POV Nang makauwi ako ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Hindi ko napigilang maiyak kanina dahil nadala ako masyado ng emosyon ko sa sinabi ni Andy. Yung tipong malungkot na nga ako dahil kay Eirol tapos dumagdag pa sa lungkot ko yung nalaman ko about kay Andy. Kaya hindi ko nakaya at nag-breakdown na lang. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang convo namin ni Eirol. Hindi niya na ako binlock pa ulit. Pero magmula ng huli naming usap ay hindi niya na talaga ako kinakausap. Talagang pinutol niya na ang koneksyon namin sa isa't-isa ng ganon-ganon lang dahil sa may nakilala siyang bago. Pinipilit kong intindihin siya kasi nga nagkaamnesia siya. Pero bakit ganito? Bakit ang sakit Eirol? Ang sakit sakit. Hindi naman kita masisisi kung nakalimutan mo ako. Pero ang t

