Andy's POV
Kinukulit ako ngayon ni Drex na sumama sa kanila ng Mama niya bukas na lumabas. Kasi daw birthday ni Mama niya at gusto daw akong isama nito. Pero hindi ko pa nirereplyan ni isang text sa akin ni Drex. Kahit tawag niya. Hehe. Di ko pa alam isasagot ko eh. Parang di pa ako ready magpakita ulit si Mama niya after nung huling punta ko sa kanila. Nakakahiya talaga as in. Huhu.
Ilang minuto akong walang natanggap na text or tawag ulit ni Drex kaya nakahinga akong maluwag. Dibale, idadahilan ko na lang bukas na nakatulog akong maaga. Hehe.
"Anak? Andy. Nasa sala si Drex hinahanap ka." sabi ni Mama sa labas ng kwarto ko pagkakatok sa pinto ko. Nanlaki naman ang mata ko nang marinig ang sinabi niya. Hala? Bakit nandito siya? Waah! Baka tanungin niya ako. Di pa ako ready. Noooo!
"Mama, pakisabi tulog ako!" sigaw ko. Pero hindi sumagot si Mama. Patuloy itong kumatok sa pinto ko. Kaya nga tumayo na ako sa kama ko at binuksan ang pinto.
"Pasabi po tulog ak--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang makitang si Drex ang nasa harapan ko ngayon at hindi si Mama.
"Hehe. Hi, Drex. Musta?" sabi ko between his stares.
"You're ignoring me." sagot niya.
"Uy, hindi ah. Grabe ka." palusot ko. Napabuntong hininga naman siya.
"Why? Did I do something wrong to make you mad?" tanong niya. Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot kaya parang nakonsensya ako.
"Wala, Drex. Hindi ako galit sa iyo." sagot ko.
"Then, why are you not answering my messages and calls?" tanong niya. Napakamot naman ako sa ulo ko.
"Ah, eh. Hehe. Kasi ano nakatulog ako." palusot ko ulit.
"Bakit nagpapakunwari kang tulog nang dumating ako?" tanong niya ulit. Bakit ba ang hilig nitong mang-corner?
"Ah, kasi ano. Hehe. Wala. Trip ko lang." palusot ko ulit. Pero parang hindi siya naniwala. Tumango lang siya ng marahan.
"Okay then, mukhang pagod ka. Magpahinga ka na lang muna. Aalis na din ako. Chineck ko lang kung okay ka kasi pinag-alala mo ako dahil di ka sumasagot kanina." sabi niya at hinaplos ang buhok ko then tumalikod na siya sa akin para umalis. Lalo akong nakonsensya bigla. Tono pa lang ng pananalita niya halatang nagtatampo eh.
"Drex! Wait." tawag ko kaya napatigil siya at lumingon sa akin.
"Kasi ano eh. Ang totoo niyan." simula ko. Hindi niya inaalis ang titig niya sa akin.
"Kasi nahihiya ako." sagot ko. Dahan-dahan naman ulit siyang lumapit sa akin.
"Nahihiya saan?" tanong niya. Hindi niya pa kasi alam yung nangyari nung unang punta ko sa kanila.
"Kay Mama mo at sa iyo." sabi ko.
"Why?"
"Eh kasi may nangyaring nakakahiya nung nagpunta ako sa inyo."
"What is it?" tanong niya. Nagdalawang isip naman ako kung sasabihin ko. Kasi baka mamaya magalit siya sa akin dahil napagkamalan kong katulong ang Mama niya.
"Nung gabing pinakilala mo ako kay Mama mo? Napagkamalan ko siyang isa sa mga maid niyo. Umalis ka kasi non para hanapin Mama mo kaya akala ko hindi siya iyon. Eh gutom na ako non, natatakam na ako sa mga pagkaing nakahain. Kaya tinanong ko yung Mama mo na akala ko maid kung pwedeng kumuwit ng onting pagkain. Hehe." pagpapaliwanag ko. Ilang saglit lang ay bigla siyang natawa na kinakunot ng noo ko.
"Anong nakakatawa?" tanong ko.
"Alam mo? You're hilarious. You never failed to make me laugh." sabi niya. Hala? Anong nakakatawa doon? Nakakahiya kaya. Ang inaakala ko magagalit siya. Pero kabaligtaran pala.
"Bakit ka tumatawa? Di ba dapat magalit ka kasi napagkamalan kong maid ang Mama mo?" tanong ko.
"Bakit naman ako magagalit sa iyo? I know you didn't mean it anyway. Masyado ka lang talagang inosente sa mga bagay-bagay kaya naiintindihan ko." sabi niya at saka binigyan ako ng ngiti.
"Hindi ba nagagalit sa akin si Mama mo after non?" tanong ko.
"Hindi. Actually parang naging interesado siya sa iyo. Kaya nga sinasama ka niya bukas sa pagcecelebrate namin sa birthday niya." sabi niya.
"It's a good thing right?" tanong ko. Tumango naman siya.
"Yes, because ngayon lang siya nagsama ng plus one sa birthday niya. Kasi usually gusto niya kaming dalawa lang lagi sa birthday niya." sabi niya. Bigla akong natuwa nung marinig iyon. Hehe. So, it means welcome na ako sa pamilya nila?
"So, ano? Sasama ka ba bukas?" tanong niya. Agad naman akong napatango. Makakatanggi ba ako? Kung si Tita na pala nag-invite sa akin. Mwahaha!
"That's good. I'll fetch you up tomorrow at 9am." sabi niya tapos nagpaalam na din siya dahil hindi daw siya nakapagsabi sa Mama niya na aalis siya. Baka hanapin daw siya.
_
Kinabukasan 8am pa lang nagprepare na ako. Hindi ko na tinawagan sila Louise para humingi ng tulong. Gaya nga ng sabi ni Drex maging proud daw ako sa sarili ko. Kaya ito, nakasuot lang ako ng simpleng bestida. At nakalugay ang kulay pink kong buhok. Ito na iyon. Hindi ko na siya tatakpan ng wig. Kasi ito naman talaga ang buhok ko. Hindi ko ito dapat ikahiya. At kung hindi man ako magugustuhan ng Mama ni Drex dahil dito, okay lang. The color of my hair doesn't define my personality naman.
Nang matanggap ko na ang message ni Drex na nasa labas na ng bahay ang sasakyan nila ay dali-dali na akong lumabas ng kwarto ko. Nang makababa ako sa sala ay naabutan ko siya doon na kausap si Mama.
"O, iyan na pala." sabi ni Mama. Napatingin naman si Drex sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspreksyon niya. Hindi ko tuloy malaman kung okay lang ba itong suot ko or hindi.
"Mag-iingat kayo ha?" sabi ni Mama.
"Yes, Tita. Iuuwi ko po si Andy on time." nakangiting sagot ni Drex.
"Sige. Enjoy." sagot ni Mama sabay lumabas na kami ni Drex. Sa bawat hakbang namin palabas ay parang sumasabay ang dagundong ng dibdib ko. Kasi nasa loob na ng sasakyan ang Mama niya. Nagpadrive kasi sila. Ayaw kasi ng Mama ni Drex na nagddrive siya mag-isa. Minsan lang siya payagan.
Pinagbuksan ako ni Drex ng pinto kaya agad akong pumasok doon sa may backseat saka sumunod si Drex at tumabi sa akin. Nakita ko ang Mama niya na nakaupo sa frontseat katabi ng driver. Lumingon siya sa amin nang parehas na kaming nakaayos ni Drex.
"Hi, hija. Kamusta?" bati nito sa akin. Feeling ko bigla akong pinagpawisan dahil doon.
"H-Hello po. Okay lang po. H-Happy Birthday nga po pala." sagot ko. Ngumiti lang siya sa akin at saka lumingon ulit doon sa harapan nang inistart na ng driver ang sasakyan. Bigla namang inilapit ni Drex ang bibig niya sa tenga ko at bumulong.
"You look pretty without the wig and make up." bulong niya. Nginitian ko na lang siya. Hindi ako makasagot kasi feeling ko bawat sasabihin ko ngayon ay kailangan maingat. Dahil baka kung ano na namang kagagahan magawa ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinatong sa lap niya kaya napakagat na lang ako sa labi ko upang magpigil ng ngiti. Gustong-gusto ko talagang hinahawakan niya ang kamay ko. Feeling ko kapag hinahawakan niya iyon ay secured ako.
Nang makarating kami sa restaurant ay agad kaming pinagbuksan ng driver nila ng pinto. Kaya nga agad kaming bumaba. Doon ko lang napansin na medyo may katandaan na pala ang driver nila. Mga nasa 70 siguro?
Nauna maglakad sa amin ang Mama niya kaya kami ang magkasabay ni Drex sa paglalakad habang hindi niya pa din inaalis ang kamay niya sa kamay ko.
"Medyo matanda na pala driver niyo?" tanong ko. Napalingon naman siya sa akin.
"Yep. Matagal na siyang naninilbihan sa family namin. Dalaga pa si Mama siya na ang katiwalang driver." sagot niya. Napalingon naman ako sa likod ko kung saan iniwan namin ang driver.
"Hindi ba natin siya isasama sa atin?" tanong ko.
"Hmm. Hindi eh. Usually naghihintay lang siya sa amin hanggang sa matapos kami kumain ni Mama." sagot ni Drex. Bigla tuloy akong nalungkot para kay kuyang driver.
Nang makapasok kami sa loob ng resto ay napansin kong mukhang mamahalin ito. Buti na lang at naisipan kong magbestida.
Pinaupo kami ng waiter sa isang bakanteng table. Dibale, magkatabi kami ni Drex tapos katapat namin ang Mama niya. Inabutan na kami ng menu kaya nagsimula na kaming umorder. Feeling ko naglaway ako nang mabasa ang mga nakasulat sa menu. Pangalan pa lang masarap na. Hehe. Gusto ko orderin lahat. Kaso nakakahiya sa Mama ni Drex kaya isa lang pipiliin ko.
"Monté Cristo po akin. Hehe." sagot ko. Kaya nilista agad ito ng waiter.
"Please add double chocolate cake and clubhouse fries in her order." sabi ni Drex. Napatingin naman ang Mama niya sa amin. Yung waiter sinulat naman ito agad. Nanlaki naman ang mata ko kay Drex. Panira talaga ito eh. Isipin na talaga ng Mama nito patay gutom ako eh.
_
Nang dumating na ang order namin ay tatlong plato ang nilagay sa akin. Napatingin ulit ang Mama niya dahil doon. Napalunok na lang ako. Mukhang masarap nga. Kaso talaga nakakahiya sa Mama niya. Baka ano na isipin sa akin.
Pero wala na akong nagawa. Nagsisimula na silang kumain kaya nagsimula na din akong kumain. Kaso sa kalagitnaan ng pagkain ko ay bigla kong naalala si lolo'ng driver kaya bigla akong nakaramdam ng konsensya. Kasi ang sarap sarap ng kain ko dito tapos siya doon baka hindi pa kumakain.
Bigla akong nakaisip ng paraan. Kinalkal ko ang bag ko at tinignan kung nadala ko ba ang hinahanap ko. At nung makita kong nadala ko ang tupperware ay natuwa ako. Hehe. Lagi kasi talaga akong may tupperware sa bag. Lahat ng bag ko may tupperware. Anytime anywhere kasi kumakain ako. Para kapag may biglaang kain at hindi ko naubos ang food ay may pangtake-out ako. Hahaha! I'm so genius di ba?
Tumingin muna ako kay Drex at sa Mama niya. Nakita kong busy talaga sila sa pagkain kaya dahan-dahan akong naglagay ng pagkain sa tupperware. Madami-dami naman itong inorder sa akin ni Drex kaya okay lang naman kung isshare ko kay kuyang driver.
Pasikreto kong pinasok sa loob ng bag ko ulit ang tupperware na may laman ng pagkain. Saka lumingon kay Drex at Mama niya.
"E-Excuse me lang po. Cr lang po ako." sabi ko. Tumango lang ang Mama niya tapos sinundan lang akong tingin ni Drex papunta sa way kung nasaan ang cr. Pero nung inalis na nila ang tingin nila ay agad akong nag-iba ng daan at tumakbo palabas ng restaurant para hindi nila ako makita.
Nang makalabas ako ay agad akong lumapit kay Kuyang driver.
"Lolo, may ibibigay po ako." sabi ko kaya napatingin siya sa akin. Agad ko namang binuksan ang bag ko at inabot ang tupperware na may laman ng pagkain.
"Ay, nako hija. Salamat na lang. Hindi ko matatanggap iyan." sabi niya.
"Hindi po. Para sa inyo po talaga ito. Kaya please tanggapin mo na po." pagpupumilit ko.
"Wag na hija. Nakakahiya mukhang mamahalin." sabi niya.
"Sige na po. Kunin mo na po. Hindi po ako aalis dito hangga't hindi niyo po kinukuha ito." sabi ko. Napakamot na lang siya sa ulo niya at kinuha ito.
"S-Salamat hija." sabi niya nang makuha ang tupperware. Napangiti na lang ako. Kaso napagtanto kong wala siyang kubyertos. Hindi naman kasi pwedeng kunin ko yung nasa loob kasi mukhang tunay na silver. Hehe.
Nagkalkal ulit ako sa bag ko at sakto namang dala ko pala yung disposable spoon. Agad ko iyong kinuha at binuksan. Saka binigyan si lolo ng isang spoon. Oo. Isang pack kasi dala ko. Hehe. Girl scout ako eh. Basta pagkain.
"Sige na po. Kainin niyo po iyan ha? Wag kayong mahiya." sabi ko. Napangiti na lang ako nang magsimula siyang kumain. Ito kasi ang isa sa mga tinuro sa akin ni Mama. Na kahit gaano mo man kapaborito or kasarap ang pagkain ay dapat matuto kang mamahagi sa iba. Kasi hindi lahat nakakatikim ng ganon.
Drexler's POV
Ilang minuto ng wala si Andy kaya nagpasya na akong sundan siya doon sa cr dahil baka ano nang nangyari sa kaniya. Kaso nahihiya naman akong pumasok kaya hinintay ko na lang siya sa labas ng cr. Ilang minuto din akong naghintay pero wala pa din. Hanggang sa may lumabas na babae kaya naisipan ko ng magtanong.
"Miss may napansin po ba kayong babae sa loob? Pink ang buhok?" tanong ko.
"Wala po eh. Bakante po lahat ng cubicle." sagot niya.
"Ah sige salamat." sabi ko kaya nga umalis siya agad. Bumalik naman na ako sa table namin ni Mama. Kinuha ko ang phone ko at aktong tatawagan si Andy nang magsalita si Mama.
"I found her." sagot niya.
"Po?" tanong ko.
"She's there." sabi ni Mama sabay turo sa labas. Kaya napalingon ako sa glass window at tumanaw sa labas. Nakita ko nga si Andy na kausap ang driver namin na kumakain ngayon. Bigla akong napangiti nang marealize na ang pagkain na kinakain ng driver namin ngayon ay yung pagkaing inorder ko sa kaniya. Hindi niya yata napansin na ang sasakyan namin ay tanaw mula dito sa pwesto namin. Hahaha!
"Hindi ka nagkamali sa pagpili, son. I'm proud of you." nakangiting sabi ni Mama. Napangiti na lang din ako saka lumingon ulit kay Andy na masayang kausap ang driver namin ngayon. Yes, Ma. That's Andy. She's innocent but she is nice in her own way. And I'm proud to say na, she's my Andy.