5: Back to School

1428 Words
Louise's POV Pasukan na ulit ngayon. At ito na naman ako sa oras ng pasok. Hays. Wala na Louise. Tapos na ang masasayang araw mo sa pagpupuyat. It was 6am nang makapasok ako ng school. Wala pang halos tao dahil maaga pa. Kaya nga dumiretso muna ako sa cafeteria para bumili ng yogurt drink. Then saka ako pumunta sa rooftop para magpahangin. Pero bakit ganon? Bakit tirik na tirik agad ang araw gayong ala sais pa lang naman? So weird. Nagsapak ako ng earphones sa tenga ko at saka nagpatugtog ng music. Nang mag-ala syete na sa orasan ko ay napagpasyahan ko ng bumaba ng rooftop at magtungo sa classroom. Nang biglang magbeep ang phone ko. Maddie: Where the hell are you? Kanina ka pa namin hinahanap. Nagulat ako sa chat ni Maddie. So mas maaga ba siya sa akin pumasok? Pero laging eksaktong 7:30 am ang pasok ng babaing ito. Imposible. Louise: Papunta na akong room. Why? Maddie: Alam kong late ka lagi Louise. Pero seriously? 9:30 am sa first day of class? ? Nabigla naman ako sa sinabi niya. Like what the heck? 9am? Chineck ko ang phone ko. 7:15 pa lang naman. So paano nasasabi ng babae na ito na 9:30 am na? Louise: Are you kidding me? 7:15 pa lang sa phone ko! ? Baka mamaya kasi eh pinaprank lang ako ng Maddie na ito. Mas maganda na ang sure. Maddie: Bobo. 9:30 am na! At nandito na kami nila Andy sa cafeteria. Hinahanap ka ng boyfriend mo. ? Sakto namang napadaan ako sa may bulletin board. May wall clock doon. At nanlaki ang mata ko nang makitang 9:30 am na nga talaga. Like what the heck! My phone says past 7am! Napasapo ako sa noo ko nang maalala na nagreset pala yung phone ko kagabi. Kaya siguro mali ang oras. Argh! Akala ko maaga na ako pumasok. Nakakainis! It's my first time to be an early bird tapos di naman pala talaga. Pinaglaruan ako ng tadhana. Huhu. I hate it. At gaya nga ng sabi ni Maddie. Na nasa cafeteria na sila ay nagtungo ako doon. Nang matanaw ko sila ay agad akong lumapit sa kanila. "O, Louise? Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?" salubong ni Ethan sa akin. Well, iyon nagmuni-muni kasi akala ko maaga pa. Pero lintek na iyan late na late na pala ako. At hindi ako naka attend sa first subject. "Well, akala niya lang naman maaga pa." sabi ni Maddie at tumawa. Napairap na lang ako tapos inis na inayos ang time ng phone ko. Psh! Pahamak. Sa susunod nga bibili na akong relo. I don't like wearing watch kasi feeling ko nasasakal ang braso ko. "Swerte mo Louise hindi nagklase kanina. Tinamad ang adviser natin." sabi naman ni Andy sabay kain. Lucky huh? "Nasaan si Gian?" biglang tanong ni Maddie nang mapansin na wala yung stepbro niya. "Ewan. Baka kasama yung girlfriend niya." sagot ni Ethan. "Kailan niya pa ba girlfriend iyon?" tanong ulit ni Maddie. "Hindi ko alam eh. Pero parang nito lang yata? Hindi na kasi namin masyadong nakakausap si Gian." sagot naman ni Ethan. After the wedding of Tita Liyanel kasi medyo naging distant na sa amin si Gian. After all kasi kami ang laging magkakasama last year. We created a bond together. Pero magmula nung umalis si Cyleen gurl ay nabawasan na kami. After recess ay pumunta na kami sa bagong room namin. And yes. New adviser. Hehe. This is our last year in Eastwell na. Masaya ako kahit na dalawang taon lang kaming tatlo na naging parte nito. Not like Ethan and his friends na mula kinder eh dito na talaga sila. As usual, tabi-tabi kaming tatlo ni Maddie maldita at Andy gurl. We're currently talking about a certain thing nang biglang dumating na ang adviser namin. Yep, the grade 10 section A adviser is Sir Boaz Omer Tonap. Sir Boom tawag sa kaniya. And naging subject teacher na din namin siya last year. Pero ngayon siya na talaga classroom adviser namin. Kasi last year eh si Miss Senaphina. Miss Senap for short. "Ang galing no? Mukhang nagpasalon din si Sir para magpa-new look." bulong sa akin ni Andy. Kumunot naman noo ko. Duh? Anong ipapasalon ng Sir namin na iyan? Eh walang buhok sa gitna. "Seriously, gurl? Saan banda ipapasalon diyan?" sabi ko. Humagikgik naman si Andy sabay bulong ulit sa akin. "Hihi. Kumintab lalo yung ulo niya eh." sabi niya. Napahalakhak naman kami parehas sa sinabi niya. Nang biglang nasa tabi na pala namin si Sir Boom. Sinamaan kaming tingin. Natahimik naman ako. Si Andy wala pa ring tigil katatawa. Hindi niya napansing nasa gilid niya na si Sir. Kaya pinandilatan ko siya para bigyan ng signal. "O? Bakit ka tumigil?" tanong niya na tumatawa pa din at nagpupunas ng luha. Nginuso ko naman yung nasa gilid niya. Which is si Sir. Nang dahan-dahan siyang napalingon ay nagulat siya. "Ay panot!" bulalas ni Andy. Napakagat naman ako sa labi ko para magpigil ng tawa lalo na nung makita ang reaksyon ng adviser namin na mukhang uusok na ang ilong sa galit. "Hehe. I mean pano'to? Paano ulit Sir yung tinuro mo na iyon? Nagpapaturo ako kay Louise eh." palusot ni Andy sabay turo sa blackboard. "Next time, pay attention during class Miss Lovato and Miss Monteclara." sabi ni Sir sabay bumalik sa harap at nagturo. Nakita ko na lang na napailing-iling si Maddie sa amin. _ After class, pumunta kami ni Ethan sa ice-cream parlor. Inaya niya ako kasi nasabi ko kagabi na nagccrave ako sa ice-cream. Kaya ito dinala niya ako dito at nilibre hihi. "I was wondering. 10 months na tayo. Pero wala pa tayong tawagan." bigla niyang sabi kaya napatigil ako sa pagkain ng ice-cream at napatingin sa kaniya. "Kailangan pa ba natin non?" tanong ko. Nakangiti naman siyang tumango. "Of course, we need that! To show love and affection. Parang symbolism iyon sa ating relasyon." bulalas niya. Napabuntong hininga naman ako. Pwede naman sa akin. Kaso, parang ang cheesy kasi para sa akin ng tawagang honeybunch, babyboo, cupcake pineapple punch, sweety pie and etc. I don't like it. "Eh ano naman naiisip mo?" tanong ko. Napaisip naman siya. Oh please wag sana cheesy. Nagccringe ako. "What about bully?" nakangiti niyang tanong. Napakunot naman noo ko. "Bully? Seriously?" tanong ko. Tumango-tango naman siya na parang seryoso talaga. "Do I look like a dog or some kind of bully to you?" tanong ko referring to the dog called bully and the person who harms the vulnerable. Natawa naman siya sa sinabi ko. "No, of course not. May nabasa kasi ako sa internet na ang pinanggalingan talaga noon ng salitang bully is lover and a friend. It's from Dutch and German roots I think?" sagot niya. Napatango-tango naman ako. Hmm. Not bad. Kahit may pagka-medyo weird. Pero nakakatalino. I like it. Hihi. "Okay, then bully." sabi ko. Napangiti naman siya sa sinabi ko. Nang makauwi na ako ay agad akong dumiretso sa cr ko at nagsoak sa bathtub na nilagyan ko ng milk. Nagbeep ang phone ko kaya agad ko itong kinuha. Katabi ko kasi lagi ang phone ko as in. Pagkaopen ko ng phone ay nakita kong binago na ni Ethan ang nickname naming dalawa sa convo namin. Ginawa niya iyong bully with heart emoji pa. Hahaha! Really. This guy is unbelievable. Ang akala ko dati gaya siya ng mga mayayamang nakakasalamuha ko noon. Yung self-absorbed, materialistic, and mayabang. Pero hindi. Kakaiba siya sa mga nakilala ko. Napaka down to earth niya. Although mas mayaman siya sa mga kaibigan niya, hindi siya mayabang. Lumelevel siya sa mga kaibigan niya. At sa taong nakapaligid sa kaniya. At sa sampung buwan na magkarelasyon kami, siya yung boyfriend na maeffort at matiyaga. Kasi aminado naman ako na may time talagang mahirap ako ihandle. Pero siya. Lagi niya akong iniintindi. Kahit na moody ako. And I admit. This guy stole my heart. He made me love everything about him. At hindi ako nagsisisi somehow na nakilala ko siya. Na naging boyfriend ko siya. At sana itong relasyon namin na ito eh tumagal pa. Kasi hindi ko na kayang iimagine ang sarili ko sa iba. I love him so much. Nagulat ako nang biglang dumulas ang phone ko sa kamay ko at nahulog sa bathtub na pinagbababaran ko. Napairap na lang akong kinuha ito at tinry kung bubukas pa. Pero wala na talaga kaya nga tinapon ko na ito sa basurahan. Tss. Papabili na lang akong bago kay Dad bukas. Sa laptop ko na lang ichachat mamaya ang boyfriend ko. Stupid phone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD