“RIAN, go on. Walk slowly.” Bulong ni Wayne na hindi ko na mawari kung saan nanggaling. Nanginginig ang mga tuhod na humakbang ako palapit sa altar. Sa kalagitnaan nito ay sinalubong ako ng mga magulang ko at inalalayan palapit kay Kurt. “Mom? Dad?” Bulong ko. “What’s happening?” “Just trust Kurt, Rian. He’s doing what’s best for you.” Ganting-bulong ni Papa. Katulad sa tradisyon, nang sapitin namin ang pinaka dulo ng altar, iniabot ako ng mga magulang kay Kurt. Nagulat ako nang biglang lumapit sa amin si Brayden. “Mom, you’re so beautiful.” Halos matunaw ang puso ko sa sinabi ng anak. Nakangiti akong umupo upang magpantay ang mukha namin ni Brayden. “Thank you, baby.” Hinalikan ko sa pisngi si Brayden na ang guwapo sa suot nitong itim na coat and tie. Hindi sa pagmamayabang ngunit

