Naka de kwatro sa swivel chair ng kanyang opisina at pinaglalaruan ang hawak na ballpen nito.Naiiling si Xander Villarama sa kanyang kaibigan na si Troy Sebastian dahil sa pamimilit nito na maisama siya sa gaganapin party na gaganapin sa isang private bar sa kanilang lugar. Si Troy ang kaisa-isa niyang kaibigan na kasabay niyang nagkolehiyo at nakasama sa larangan ng pagnenegosyo.
"P're bibiguin mo na naman ba ako this time?.Kailan mo ba naman ako pagbibigyan na makasama ka sa hang out ng magkakaibigan? Third year anniversary namin ni Jasmine hindi mo ba ako mapagbibigyan." tampong wika ni Troy.
"P're alam mo naman na busy ako sa trabaho, wala akong panahon sa mga ganyang bagay.
Mabuti pa mag-enjoy nalang kayo sa party mamaya at huwag niyo na akong idamay sa gimik na iyan! nandiyan naman ang iba nating tropa di ba?" ani Xander.
"Pare naman! iba ka,iba sila---"naiiling na wika ni Troy. "Alam mo p're nagtatampo na ako sa iyo ha? simula ng maitayo mo ang business na ito hindi kana sumasama sa amin. Ngayong gabi lang naman ako hihingi ng oras sa iyo kaya pagbigyan mo na ako!" pamimilit ni Troy.
"Ok fine sige sasama ako mamaya! but don't expect na magpapa-umaga ako katulad niyo ha! may trabaho pa ako bukas." ani Xander.
"Good!!! pumayag rin! Ok sige paano magkita nalang tayo mamaya ,bawal ng umatras ha!. Hihintayin kita..Mauna na ako at kailangan ko narin umalis dahil bibili pa ako ng gift para kay Jasmine." masayang wika ng kaibigan nito.
"Ok! Happy Anniversary sa inyo ng girlfriend mo, and i wish na mapag-tiyagaan ka pa ni Jasmine ng marami pang taon!" natatawang biro ni Xander.
"P're, goodboy na ito at this time siryoso na ako! ikaw naman kasi bakit ayaw mo pang humanap ng chikababe para hindi naman boring ang lovelife mo. Stable naman na ang negosyo mo at sure naman ako na kapag nagkita ulit kayo ng daddy mo ay maipagmamalaki ka na niya. Enjoyin mo naman ang kabataan mo p're hindi yung dito nalang palagi sa apat na sulok ng kwarto na ito umiikot ang mundo mo!" sermon ni Troy.
"Masaya ako sa buhay ko ngayon Troy!
no commitment at lalong walang sakit sa ulo! hindi ko kailangan ng babae sa buhay ko!"
"Hindi ako naniniwala sa iyo!. Sa ngayon hindi pa, pero kapag nakita mo na yung tamang babae para sa iyo,ewan ko lang kung di mo kainin iyang sinasabi mo." ani Troy.
Nagkibit balikat nalang si Xander sa sinabi ng kaibigan. Hanggang sa tuluyan na siya nitong iwan sa opisinang iyon.
Gabi ng party, nakakabinging mga tugtugin ang maririnig sa loob ng bulwagan..pawang lahat ay nagsasaya kasa-kasama ang kani-kanilang kapareha.
Alas nueve na ng gabi ng dumating si Xander sa bar na iyon para maki-hang out at maki-celebrate sa kanyang kaibigan na si Troy at sa girlfriend nito.
Sa isang bahagi ng counter ng bar pumuwesto si Xander para panuorin ang mga bisita na masaya ng nagsasayawan sa gitna ng bulwagan. Nagpalinga-linga siya ng tingin sa paligid upang hanapin si Troy at ang girlfriend nitong si Jasmine na minsan palang niyang nakita.
Habang sa kabilang dako naman, enjoy na enjoy sina Lenlyn at Jasmine habang nagsasayaw sa gitna ng bulwagan. Ramdam na nila ang espirito ng alak kaya naman hindi na nila namamalayan ang mabilis na takbo ng oras.
Nang makaramdam na ng pagod ay nag-aya na si Jasmine na umupo para narin i-entertain ang ilan pang bisita at kaibigan.
Hindi pa sila nagtatagal sa upuan sa harap ng counter ng matanaw ni Jasmine ang binatang si Kelvin Mendez.
"Len!! impit na sigaw ni Jasmine upang kuhanin ang atensiyon ng kaibigan.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Lenlyn.
"Si Kelvin! yung ex mo nandiyan siya!" ani Jasmine.
"Ano? akala ko ba hindi siya makakarating dahil may flight siya ngayon patungong Hongkong?" gulat na tanong ni Lenlyn.
"Yun ang sabi niya sakin. Hindi ko naman alam na darating siya!"
"Gosh! Jasmine, mangungulit na naman iyan! mabuti pa lilipat muna ako ng pwesto kung saan hindi ako mapapansin!" ani Lenlyn at tumayo sa kinauupuan nito.
"Ok dun ka muna sa bandang dulo ng hindi ka mapansin..hahanapin ko muna si Troy para mailigaw natin siya!" ani Jasmine.
"Ok sige!"
Halos hindi magkanda-tuto si Lenlyn sa paghakbang papalayo sa maliwanag na lugar.Hindi na niya napansin ng mabangga siya sa malaking bulto sa kanyang harapan sa bandang dulo ng counter na iyon.
"Sorry po!" tarantang hingi na paumanhin ng dalaga at hindi manlang nagawang tingnan ang lalaki.
May kadiliman ang lugar at ang madalang na sinag ng ilaw lamang sa diskuhan ang minsan tumatanlaw sa lugar.
"Miss ok ka lang ba?" tanong ng lalaki.
"Ok lang ako, pasensiya na at---" putol na wika ni Lenlyn bago marinig ang boses ng dating nobyo at mapatingin sa papalapit na binata.
"Len! sinabi ko na nga ba na ikaw yung nakita kong kasama ni Jasmine kanina. How are you? can you join me tonight?" anyaya ng binata.
"Sorry Kelvin pero hindi ako pwede makibonding sa iyo. Mabuti pa humanap ka nalang ng ibang makakasama mo!" ani Lenlyn.
"But why? may kasama ka ba?"
"Oo may kasama ako, siya! boyfriend ko siya at uuwi narin kami maya-maya!" palusot ng dalaga.
"Ano boyfriend? kailan pa? kasasabi lang sa akin ni Jasmine noong isang araw na single ka parin kaya nga pinilit kong makabalik dito para sana makausap ka!"
"May boyfriend na nga ako, actually kanina ko lang din siya pinakilala kay Jasmine." ani Lenlyn.
Natatawa nalang si Xander sa usapan ng dalawang estranghero sa gilid niya.
Hindi man niya nakita ang actual na pagturo sa kaniya ng dalagang nakapula ng bestida ay alam niyang siya ang tinutukoy nito. Ramdam din niya ang pagdadahilan nito sa binatang kausap at abg pag-iwas nito.
"Alam mo Len, hanggang ngayon palabiro ka parin, alam ko naman na dahilan mo lang iyan para iwasan ako. Come on! kwentuhan lang naman tayo eh.Bukod dun wala na!" pangungulit nito.
"Hindi nga ako nagbibiro!" ani Lenlyn at humarap sa lalaking nabunggo niya kanina.
Pikit matang yumakap si Lenlyn sa batok lalaki at agad na ginawaran ng halik ang labi nito. Kinakabahan man sa kalalabasan ng ginawa niya ay iyon lamang ang nakikita niyang paraan para tigilan siya ng dating nobyo.
Nakaramdam ng kabog ng dibdib si Lenlyn ng maramdaman ang pagkilos ng labi ng lalaki.Naramdaman niya ang bawat pagsagot ng halik nito sa bawat pagkilos ng labi niya.
Hindi man siya sigurado sa itsura ng lalaki ay nakakasigurado siyang gwapo ito. Ramdam niya ang malambot ng labi nito at amoy na amoy rin niya ang aroma ng alak sa bibig ng lalaki. Ang matigas na dibdib nito at ang matangos na ilong na minsan niyang nasilayan ng nasinagan ng malamlam na ilaw mula sa bulwagan. Ang ilang detalyeng iyon ang basehan niya upang masabi na gwapo ang estrangherong kayakap at umaangkin sa labi niya.
Tila napako si Lenlyn sa pagyakap sa lalaki, ang matipunong katawan nito ang sumasapo sa bigat ng kaniyang katawan na tila tinakasan na ng lakas.
Mali man ang nangyayari ngunit nagugustuhan niya ang halik ng estrangherong lalaking iyon.
A passionate good kisser at sexually desirable ito para sa dalaga at nakakasigurado siyang gugustuhin ng kahit sino mang babae na matikman at maangkin ang labi nito.
Tila natapunan ng kumukulong tubig si Lenlyn matapos maramdaman ang papaalis na yabang ng dating kasintahan. Agad na itinulak niya ang lalaki ng malinawan siya sa nangyayari.
"Sorry sir!" nahihiyang wika ng dalaga at agad na tumakbo palayo sa lalaki ng dahil sa hiya.
"Miss sandali!" habol ni Xander ng maramdaman niya ang malambot na bagay na nalaglag sa braso niya.
Isang malambot na panyo ng dalaga ang naiwan nito matapos magmadaling umalis.
Naiiling na inamoy ni Xander ang panyo at naamoy niya roon ang mabangong amoy ng babaeng humalik sa kanya ilang minuto lang ang lumipas.
Napakagat labi si Xander ng maalala ang malabot na labi ng dalaga. Ang mabangong amoy nito na nagpataas ng init ng temperatura sa kaniyang katawan.
Nagpalinga-linga si Xander upang hanapin ang babae, halos nalibot na niya ng tingin ang buong lugar ngunit hindi na niya makita ito.
Wala na siyang nagawa kundi itago ang panyo at magbaka sakaling muling maglandas ang daan nila ng babaeng iyon.
Samantala, hindi mapakali si Lenlyn sa loob ng kaniyang sasakyan matapos niyang lisanin ang lugar. Hiyang-hiya siya sa nagawa niyang kalokohan para maiwasan lang ang dating nobyo. Hindi na siya nakapag-isip ng tama ng mga oras na iyon. Hindi niya naisip na baka pamilyado na ang lalaking hinalikan niya ng wala manlang paalam.
Hindi pa nagtatagal siyang nakakaalis sa bar ng tumunog ang kanyang cellphone.
"Len nasaan ka ba? bakit bigla ka nalang nawala sa party?" bungad ni Jasmine.
"I'm sorry kung di na ako nakapag-paalam.Sumakit kasi ang tiyan ko kaya nauna na akong umuwi. Bawi nalang ako sa iyo next time!" palusot ni Lenlyn.
"Sigurado ka yun lang? bakit sabi ni Kelvin kasama mo raw yung jowa mo? sino yun? sinundo ka ba ng manliligaw mo?"
"Hindi...pauwi na nga ako! kaibigan ko lang yun,accidentally nagkita kami sa party..yun lang yun!" pagpapalusot nito.
"Sigurado ka ha! baka naman may nililihim ka lang sa akin!" ani Jasmine.
"I swear, wala akong nililihim..kaibigan ko lang yun...paano sige na nagdadrive ako. Happy Anniversary ulit..." pag-iwas ni Lenlyn.
"Ok thank you! tsaka na ulit tayo mag-usap. See you again next time!"
"Ok"
Napasandal nalang si Lenlyn sa upuan ng kanyang sasakyan. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago muling pinaandar ang sasakyan at nagpasyang umuwi nalang ng bahay.