Chapter 1: Spoiled Bratt Lenlyn
Ang nakakabingi na katok mula sa labas ng pintuan ng kwarto ni Lenlyn ang umistorbo sa mahimbing na pagtulog ng dalaga.
Sa halip na tumayo para pagbuksan ang kumakatok ay kinuha nito ang malapad na unan at itinakip sa tenga nito.
Ilang sandaling natahimik ang paligid ng hatakin ng yaya mela niya ang comforter na tumatakip sa katawan niya.
"Len--- iha bumangon ka na diyan at kanina ka pa hinihintay ng Daddy mo. Tara na sa baba ng makakain ka na ng almusal mo!" ani yaya mela na kinalakihan na ng dalaga.
"Yaya inaantok pa ako....mamaya nalang ako kakain at pakisabi nalang kay Daddy na mag-ingat siya sa pag-alis!" reklamo ng dalaga.
"iha, mahigpit na bilin ng daddy mo na isama kita pagbaba! gusto mo bang ako na naman ang sermunan nun?kaya tara na para magkasabay kayong kumain!"
"Yaya naman eh!"
"Ikaw naman kasi puyat ka ng puyat kaya hirap na hirap kang gumising ng maaga! Hindi ka naman siguro aswang noh para sa gabi ka rumonda?" sermon ng yaya na tinuturing narin na ina ng dalaga.
"eh normal naman po iyon dahil birthday ni Jasmine...natural konting happy-happy!" pangangatwiran ni Lenlyn.
"Naku! ikaw talagang bata ka hindi na naubusan ng nagbe-birthday sa mga kaibigan mo! sha tara na ng makapag-almusal ka na at ng hindi tanghaliin ang daddy mo sa pagpasok sa opisina niya!" wika ng yaya.
Halos araw-araw umikot sa ganoong senaryo ang buhay ng dalagang si Lenlyn.
Paulit-ulit nalang din ang pagsesermon ng kaniyang Ama na si Hernan Gonzales na isang nagmamay-ari ng isang Man Power Corporation.
"Len anak, anong oras ka na naman ba umuwi at puyat na puyat ka? sino na naman ang kasama mo kagabi sa gimikan?" bungad ng ama ng dalaga.
"Daddy maaga ko umuwi kagabi, hindi mo lang alam dahil tulog ka na!" pa-cute na wika ng dalaga.
"Maaga o umaga na? ikaw bata ka ha! lagi nalang kitang pinapaalalahanan na tigilan mo na ang kagigimik mo! kababae mong tao lagi kayong laman ng bar ng mga kaibigan mo! paano kung may luluko-lukong manloko sa inyo ng mga kaibigan mo? kaya niyo bang protektahan ang sarili niyo?" sermon ng ama.
"Daddy masyado ka namang nega--- ok lang naman akong nakauwi di ba? wala naman nangyaring masama sa akin ah! nag-iingat naman kami nila Jasmine tuwing lalabas kami eh!" pangangatwiran nito.
"Kahit na! Lenlyn pakiusap naman anak, mamahinga ka naman sa bahay! mas mukha ka pang busy kesa sa akin ah? mas madalas pang ikaw ang wala dito sa bahay kesa sa akin. Mabuti pa siguro mag-enroll ka nalang sa bussiness course para matulungan mo ako na mag-manage ng Man Power natin,tutal ikaw lang naman din ang magmamana nito in the future!"
"Daddy, heto na naman tayo eh! sinabi ko na sa iyo na wala akong hilig sa negosyo na iyan! tsaka anong mana? ang bata-bata niyo pa kaya matagal pa ang iniisip niyo na iyan! tingnan mo nga oh! ang pogi-pogi ng Daddy ko parang magkapatid lang tayo!" pang-uuto ng dalaga sa ama.
"tigilan mo ako sa pambobola mo na iyan anak! kung ayaw mo pang magtrabaho sa kompanya dito ka nalang sa bahay at iwasan mo ang magpa-umaga sa lansangan. Alam mo naman na ikaw lang ang pinakamahalaga sa buhay ko at ayoko na mapahamak ka. Ikaw ang pinakamahalagang kayamanan sa buhay ko anak!" nakangiting wika ni Hernan.
"Alam ko naman yun Daddy at nag-iingat naman ako palagi.. I Love you daddy!" masayang wika ni Lenlyn at tumayo sa upuan para puntahan ang ama sa upuan nito.
"Mahal na mahal kita Daddy!" dugtong ng dalaga at pinupog ng halik ang pisngi ng ama.
"I Love you anak! sige na umupo ka na sa upuan mo ng makakain na tayo! Papasok ako sa opisina dahil may meeting pa ako sa ibang bussiness partners natin. Pag-alis ko, tulungan mo sila yaya mo na maglinis dito sa bahay ha! tumatanda ka na wala ka pang alam gawin sa buhay mo kundi ang bumarkada."
"Yes dad! pero dad----" bitin na wika ng dalaga.
"What???"
"Pwede po bang dagdagan niyo na ang laman ng savings bank ko? may lakad po kasi kami nila Jasmine mamaya eh..ang hirap naman po na sakto lang ang laman ng bank account ko! mamaya makatisod pa ako dun, wala manlang akong maibayad!" nakangusong wika ng dalaga.
"My god Len saan kana naman ba pupunta? kasasabi ko lang sa iyo na tumigil ka muna sa bahay! hindi ka ba nakikinig? tsaka di ba kabibigay ko lang ng allowance mo kahapon?
anak naman!" reklamo ng ama ni Lenlyn.
"Dad..hayaan niyo na po akong mag-enjoy sa buhay ko. Alam niyo naman po na ngayon ko lang nagagawa ito di ba? tutulad ka rin ba sa ex ko na puro bawal dito, bawal dun? di pwede iyan,di pwede ito? kung nabubuhay lang si mommy alam ko na susuportahan niya ako sa gusto ko!" tampong wika ng dalaga.
"Naiintindihan naman kita na gusto mong maenjoy ang buhay mo anak...kaya lang hindi ba sobra naman yata ang ginagawa mo? wala kang alam kundi ang bumarkada. Anak hindi sa ayaw kitang bigyan ng pera, pero sana isipin mo na sinasabi ko ang lahat ng ito para sa ikakabuti mo in the future!" wika ng lalaki.
"Dad marami pa akong oras para matuto..
ang gusto ko lang naman ma-enjoy ang buhay ko. If it's a big deal for you,ok fine hindi na ako hihingi ng dagdag na pera!" tampong wika ni Lenlyn sa ama at tumayo na sa upuan nito.
"Excuse me dad..mauna na ako sa iyo. Ingat ka sa pag-alis mo. Bye!" wika ng dalaga at humalik sa pisngi ng ama.
Wala ng nagawa ang matandang Gonzales kundi ang sundan ng tanaw ang papaalis na anak. Hindi niya masisi ito dahil nasanay rin ang nag-iisang anak na nakukuha ang bawat naisin nito sa kanyang ina.
Ilang minuto ng pabaling-baling sa higaan si Lenlyn ngunit hindi na siya makatulog.
Naroon ang pagtatampo niya sa kanyang ama na hindi siya binigyan ng dagdag allowance para sa lakad nila ng kaibigan na si Jasmine.
3rd year anniversary nila Jasmine at Troy at isang special party ang inihanda ng mga ito para sa kanilang mga kaibigan.
Tatlong mahihinang katok ang pumukaw sa kanyang atensiyon mula sa labas ng pintuan.
"Lenlyn iha---pinabibigay sa iyo ito ng daddy mo bago umalis! mag-iingat ka raw sa lakad mo mamayang gabi." wika ng yaya nito at iniabot ang hawak na pera nito.
Sampong libong piso iyon na nagpalapad ng ngiti ng dalagang si Lenlyn.
"Yaya nasaan si Daddy? nasa baba pa ba siya?" masayang tanong nito.
"Nakaalis na siya iha!"
Tumango lang ang dalaga at agad na kinuha ang cellphone para tawagan ang ama.
Napangiti si Lenlyn ng agad na sagutin ng ama ang tawag nito.
"Daddy thank you sa iniwan mong pera... sorry kung iniwan kita sa kusina kanina.
I Love You Dad!" malambing na wika ni Lenlyn.
"It's okay anak! basta yung bilin ko ha huwag mong kakalimutan. Mag-iingat ka palagi at huwag masyadong mag-iinom. Kailangan mong maging responsable sa sarili mo!"
"Yes dad, i will! ingat ka po..bye!"
"Bye!"
Masayang ibinaba ng dalaga ang tawag na iyon. Agad siyang tumayo mula sa higaan at humanap ng damit na susuotin para sa nasabing party.
Mula sa isang malaking kabinet na punong-puno ng naggagandahang mga damit ng dalaga. Ang pulang damit na binili ng kanyang ina na si Margarita ang napili niyang suotin sa darating na party.
Isang sexy below the knee dress iyon na binili sa kanya ng kanyang ina noong ika labing walong kaarawan niya.
"Yaya what do you thing of this? sa tingin mo bagay pa ito sa akin?" nakangiting tanong ni Lenlyn.
"Oo naman anak! bagay na bagay sa iyo ang damit na iyan. Naaalala ko pa ang mommy
mo noon kapag iyan ang suot mo,tuwang tuwa siya dahil bumagay sa iyo ang damit na binili niya para sa iyo." wika ng matanda.
"tama ka yaya... namimiss ko na si mommy, siguro kung nabubuhay pa siya ngayon--siguro hindi lang ito ang kulay pula na dress ang galing sa kanya. Paborito niya ang kulay pula dahil bagay na bagay rin sa kanya ang kulay na yun!" ani Lenlyn.
"Sayang nga dahil maaga siyang kinuha sa inyo. Pero ok lang yun Len dahil sigurado naman ako na kahit nasaan man siya ngayon ay ginagabayan ka pa rin niya--kayo ng daddy mo!"
Mapait na ngiti ang isinagot ni Lenlyn sa kanyang yaya mela.
ibinaba niya sa ibabaw ng malawak na kama ang damit na hawak. Umupo siya sa gilid ng kama at hinatak ang drawer kung nasaan ang huling bagay na ibinigay sa kanya ng ina bago iyon tuluyang mamahinga.
Hindi mapigilan ni Lenlyn ang pumatak ang luha ng maalala ang huling oras ng ina.
Ang panyo na hawak niya ng sandaling iyon ang tanging ala-ala na iniabot nito bago ito mawalan ng hininga.
"Anak piliin mong maging malaya at huwag mong hayaan na makulong ka sa isang relasyon na hindi ka na masaya. Maaaring may kasalanan ka sa nangyari sa kaniya pero hindi iyon sapat na rason para matali ka kay Alex." wika ni Margarita.
"Mommy how can i do that kung ako ang dahilan kung bakit siya naaksidente? hindi kaya ng konsensya ko na iwanan siya saganoong sitwasyon!" umiiyak na wika ng dalaga.
"Anak aksidente ang nangyari, at kung nagtalo man kayo hindi mo naman ginusto na mapahamak siya. Anak matalino ka at alam mo kung ano ang dapat mong gawin,mahirap pero kailangan mong magpakatatag palagi..."
Patuloy sa pag-iyak ang dalaga sa nanghihinang ina ng kinuha ng ginang ang panyo sa bag nito.
"Here...kailangan mo iyan. Favorite na panyo ko iyan galing ng France noong mag- out of the country kami ng Daddy mo. Ibinigay sa akin ng daddy mo iyan dahil noong panahon na iyon malungkot rin ako dahil nawala ang lola mo. Hindi lang basta panyo iyan dahil nakalagay ang initials namin ni Daddy mo diyan. At alam mo kung bakit niya pinasadya iyan? dahil ang daddy mo raw ang pupunas ng luha sa mga mata ko tuwing malulungkot ako.
Kaya sobrang iningatan ko iyan katulad ng pag-iingat ko sa daddy mo!" nakangiting wika ni Margarita.
"Mommy ok lang ako. Itabi niyo nalang iyan, special iyan sa inyo! kaya kong lagpasan lahat ng pinagdadaanan ko. And soon magiging ok rin ako."
"Kunin mo na iyan anak...special karin naman sa akin at isa pa, hindi narin ako magtatagal sa mundong ito. Gusto kong ingatan mo ang bagay na iyan at lagi mong iisipin na kahit wala na ako sa tabi mo mahal na mahal kita,kayo ng daddy mo!" nangingilid ang luhang wika ni Margarita.
"Mommy!!" umiiyak na saad ni lenlyn at niyakap ang ina.
Muling pinunasan ni Lenlyn ang luha sa kanyang mga mata matapos maalala ang huling nangyari kasama ang ina.
Mapait ang ngiti na tumingin siya sa yaya mela niya at mahigpit na yumakap sa matanda.
"I missed my mom so much yaya!" patuloy na paghikbi nito.
"Tama na iyan, malulungkot ang mommy mo kapag nakita ka niyang ganyan!"
"Thank you!"