Lenlyn Gonzales as Lady In RedUpdated at Jul 23, 2024, 21:10
Lenlyn Gonzales ay anak ng isang negosyante sa bayan ng Valenzuela City.Isang bratt na dalaga ito at tanging pag-gimik at pag-uwi ng umaga ang tanging alam nito. Dahil sa pag-aalala ng kaniyang ama na si Hernan Gonzales, nagpasya ang matandang negosyante na ipakasal ang dalaga sa anak ng kaniyang kaibigan--kay Carlo Alcantara.Naging daan ang planong iyon ng matandang Gonzales para lalong maging suwail ang anak na si Lenlyn.Nagtrabaho siya bilang isang sekretarya sa isang kompanya na pagma-may-ari ng binatang si Xander Villarama na walang ibang hiling kundi ang ipagmalaki ng kanyang biological father na si Joel Alcantara.Lingid sa kaalaman niya,ang binatang si Xander ang lalaking minsan ng gumawa ng malaking puwang sa puso niya ng halikan niya ito sa isang party para matakasan ang pangungulit ng dating nobyo.Kung kailan maayos na ang lahat at naging malalim na ang pagmamahalan nila ng binatang si Xander, kakailanganin niyang sundin ang ama para pagbigyan ang hiling nito na pakasalan si Carlo Alcantara matapos nitong magkasakit. Magagawa niyang bitawan ang pagmamahal na meron sila ni Xander para pakasalan ang Half Brother nito na si Carlo Alcantara.Ngunit saan nga ba sila dadalhin ng masalimuot na kwento ni Lady in red?Mananaig ba ang kagustuhan ng ama ng dalaga o puso ang magdedesisyon para sa taong tunay na nagmamahal?Magagawa mo bang piliin ang totoong minamahal para sa tunay na kaligayahan?