"Sale's Agent And The Bodyguard"
"The Bodyguard Secret Affair"
Chapter 1
Halos hindi magkanda-ugaga si Elaine sa paglalakad patungo sa isang restaurant kung saan siya makikipagkita sa isang kliyente ng kanilang kompanya na pinagtatrabahuhan.
Isa siyang sales agent kung saan kailangan nilang makapag-deal ng mga properties para sa malaking profit at para ma-promote narin.
Umiikot sa ganoong sitwasyon ang buhay ng dalaga na lumaki sa hirap, kaya ganoon nalang si Elaine kaporsigido na mapapayag ang ang mga kliyente na ibinibigay sa kaniya ng mga boss ng kanilang kompanya.
"Miss Salazar, you make it, hindi kami nagkamali na ikaw ang ipadala kay Mr. Chua.
He ordered ten machines at dahil 'yun sa iyo!
dahil yun sa husay ng convincing power mo na makipagdeal sa mga kliyente natin. Good job Miss Salazar, isa ka talaga sa charm ng ating kompanya!" masayang balita ng CEO ng Top Brand Machines Philippines.
"Thank you sir for the compliment..." masayang wika ni Elaine.
"You may go now, at ita-transfer nalang namin sa account mo ang commission for the ten machines na nai-deal mo... Congratulations Elaine."
"Thank you sir---ma'am!" ani Elaine at agad rin nagpaalam sa dalawang bosses niya.
Halos hindi makapaniwala si Elaine na sampung units ang kukuhanin ng Chinese na si Mr. Chua na nagmamay-ari ng isang factory sa Laguna. Maliwanag na isang daang libo ang kikitain niyang commission sa sampung unit na iyon na labis niyang pinagpapasalamat.
Sa wakas ay magagawa niyang tugunan ang ibang pangangailangan ng kanyang ina na kasalukuyang nagda-dialysis. Makakahinga na ng maluwag si Elaine dahil hindi na siya magdo-double time para pumila sa mga ahensiya na makakatulong sa pagpapagamot sa ina. Mas magiging maluwag na siya para tumanggap ng mas maraming transaction at magbaka sakaling swertehin pa sanmga susunod na araw.
*******
Samantala, abala si Adrian Montefalco sa paglilinis ng baril bago sila umalis ng kanyang amo na si Governor Voltaire Guerero.
Simula ng maging bodyguard siya ng iginagalang na gobernador ay umikot nalang ang buhay ng bente otso anyos na binata sa paghawak ng baril at pagprotekta sa buhay ng nasa sikwenta anyos na si Mr. Guerero.
Nasa sampong taon na ang nakalilipas ng ipasok siya ng kaniyang Tiya Isabel sa mayamang politician na iyon. Dahil sa tagal narin niya sa serbisyo at ilang ulit na pagtataya niya ang buhay para maprotektahan ang gobernador ay hindi na siya itinuring na iba ng byudong si Mr.Voltaire Guerero.
Bawat lakad ng Ginoo ay ang bodyguard nitong si Adrian ang kasama. Madalas nga ay napagkakamalan na ang mga ito na mag-ama dahil sa tindig at angking mga karisma nito.
Matangkad, matipuno, at ang angking mga kagwapuhan nito ay hindi nagkakalayo.
"Adrian ikaw na muna ang magdrive sa akin pagpunta ng kapitolyo... May sakit ang driver natin kaya kailangan ko ang tulong mo...Don't worry i'll pay you for your extra service.." ani Gov.Guerero.
"No sir...ayos lang... trabaho ko naman samahan ka kaya ayos lang na ang sasakyan mo nalang ang gamitin natin.."
"Thank you..."
Umiikot ang buhay ni Adrian sa dami ng mga lakad ng kanyang amo. Maging personal na buhay ng binata ay hindi na rin napagtuunan ng pansin kaya kahit nagkaka-edad na siya ay wala parin siyang kasintahan.
Ilang beses na siyang nakipagrelasyon ngunit wala ni isa sa mga iyon ang nagtagal dahil sa dissapointment na dala ng trabaho niya.
Wala si Adrian panahon para bigyan ng panahon ang mga nagiging nobya na sa huli ay nauuwi lang din sa hiwalayan.
Gayunpaman, wala man pormal na relasyon sa kasalukuyan ay ibat-ibang babae naman ang natitikman ng binata. Ang maging bodyguard ng isang mayamang gobernador ay isang jackpot para sa tulad niyang binata.
Mula sa mga exclusive bar na pinupuntahan nila ni Gov.Guerero ay talaga naman sulit ang bawat gabi na isinasama siya nito sa ganoong mga klaseng lugar. Sinisigurado ng kanyang amo na uuwi sila ng may parehong satisfaction pagdating sa s*x life mula sa naggagandahang mga babae sa mga bar na iyon.
Fast Forward...
Abalang nag-eempake ng kagamitan si Adrian para sa pagluwas nila ng Maynila kasama ang kaniyang boss para sa isang pribadong transaksiyon ng amo sa Maynila. Dalawang araw ang itatagal nila sa syudad kung kaya kinakailangan niyang siguraduhin na nakaayos at nakahanda na ang lahat para sa pagtungtong nila ng maynila.
"Adrian make sure na may makakasama ka sa pagpunta natin ng Maynila. Importante na safety tayo kapag nakarating na tayo dahil sa dami ng masasamang loob doon.. kailangan natin maging mas matalino bago pa tayo nila maisahan... you know what i mean right?" ani Voltaire.
"Yes boss, naihanda ko na ang mga dapat gawin lalo na sa araw ng transaksiyon ninyo..." paninigurado ni Adrian.
"Good...."
Sakay ng Eroplano mula sa Cebu Airport ay lumapag ang sinasakyan nilang eroplano pasado alas dos ng hapon sa domestic airport ng NIA.
Sa labas ng airport ay isang shuttle van ng kanilang Hotel na tutuluyan ang nakaabang para ihatid siya sa tutuluyan.
Mabilis na lumipas ang mga oras. Gamit na gamit ang utak ni Adrian ng unang gabi palang nila sa Hotel. Isang transaksiyon ang kailangan niyang masigurado dahil malaking pera ang itataya ng kanyang amo para lang mapatunayan ang illegal na trabaho ng kalaban sa politika ng kanyang amo.
Sampung milyon--- sampung milyon ang hawak na pera ng mga kasangkot na pulis para mahuli ang illegal na sindikato ng droga na protektado ng kalaban ni Voltaire sa politika. Kailangan nila ng matinding pruweba para madiskwalipikado ang kalaban at matigil ang malawakang bentahan ng droga sa probinsiya nila.
Nasa malalim na pag-iisip si Adrian ng makatanggap siya ng tawag mula sa chief of police na kasangkot nila.
"Adrian ayos na ang lahat, bukas alas siyete ng gabi ang usapan namin ng drug dealer sa isang street sa cubao. Nakahanda na ang mga back-up nating pulis at ang private car na susundo sa inyo diyan sa Hotel. Malaking operation ito Adrian kaya kailangan maging ma-ingat tayo para makahalata ang mga kriminal na iyon..."
"Maasahan mo kami sir De vera.. nakamonitor lang kami at ang mga tauhan ni Boss Guerero."
"Good..asahan niyo na gagawin namin ang lahat para matulungan kayo... Paano magkita-kita nalang tayo bukas sa meeting place? Good day Mr. Montefalco.."
"Copy sir..."
Nakahinga ng maluwag si Adrian ng masigurado na nakahanda na ang lahat.
Laking pasasalamat nalang ni Adrian sa tulong ng pamangkin na police ni Gov. Voltaire para maiplano ang lahat.