Chapter 3: Planong Kasal

1746 Words
Kinabukasn, nanlalaki ang mga mata ni Jasmine matapos marinig mula kay Lenlyn ang naganap sa gabi ng party. Nasa isang coffee shop sila malapit sa plaza ng aminin niya sa kaibigan ang nangyari. "nakipag-laplapan ka sa hindi mo kakilala Len?" pang aasar na wika ni Jasmine. "Grabe naman yung laplapan? hindi ba pwedeng halikan lang? hindi ko naman talaga gagawin yun kung hindi makulit si Kelvin eh! sure ako na ngayon nakita niya na may ibang lalaki na ako siguro titigilan na ako nun!" mataray na wika ni Lenlyn. "So kamusta naman si mistery guy? masarap ba siyang humalik? yummy ba siya Len? nakakagigil ba siyang kagat-kagatin?"mapanuksong na tanong ni Jasmine. "Baliw! ang manyak mo talaga! kailangan mo pa talagang itanong yan? lakas talaga ng tama mo!" naiiling na wika ni Lenlyn. "Oo naman siyempre! nakaka-curious lang naman kasi di ba? imagine in just a minute may instant jowa ka na at ang nakakaloka pa dun nakipaghalikan ka pa..sigurado ka ba na hindi mo manlang nakitaang itsura niya? ano---" makulit na tanong ni Jasmine. "hindi ko nga siya nakita, kung nakita ko de sana nai-discribe ko sayo..." nakangusong wika ni Lenlyn. "So ano yun, waley talaga! hindi manlang natin makikita o makikilala kung sino yung lalaki na yun?" "Paano pa nga, alangan naman ipagtanong natin at isa-isang tanungin yung mga guest na dumalo sa party niyo!" mataray na sagot ni Lenlyn. "Sabagay..come to think of it, sino kaya yung mystery guy na yun? hindi kaya siya na ang mr.right sa buhay mo? baka siya na ang may hawak ng susi para mabuksan muli iyan puso mo Len! baka ito na yung tamang panahon para magmahal ka ulit!" kinikilig na wika ni Jasmine. "I don't think so... paanong magiging siya eh ni hindi ko nga alam ang pagkatao niya. Malay mo ba kung pamilyadong tao na pala yun!" ani Lenlyn. "Eh paano kung hindi? paano kung single pala siya at ikaw lang din pala ang right girl na hinihintay niya? may chance kaya na mainlove ka sa kanya?" makulit na tanong ni Jasmine. "Ewan! siguro--hindi ko alam! basta---" "ano ba iyan ang labo mo naman!" reklamo ni Jasmine. "Jas... hindi ko na iniisip yun, bukod sa nakakahiya yung ginawa ko,hindi ko alam kung paano makikiharap sa kanya kung magkita ulit kami! baka isipin pa nun napaka-easy to get ko at kaladkarin ako. Gimikera lang ako pero hindi naman ako ganun babae." ani Lenlyn. "I know naman yun!" ani Jasmine at sumipsip ng coffee iced tea sa baso nito. "Jas--meron pa akong isang problema! bukod sa pag-iisip kung sino yung lalaki nayun!" ani Lenlyn. "ano na naman yun?" tanong ni Jasmine. "Yung panyo na binigay sa akin ni Mommy nawawala! at malakas ang kutob ko na sa lalaking iyon nalaglag nung tumakbo ako paalis ng bar. Sana lang nakuha niya para kung sakaling makita ko man siya ay makuha ko pa. Alam mo naman ang value sa akin ng panyo na yun di ba? malungkot na wika ni Lenlyn. "Shockkksss!! So,What's your plan now? plano mo bang hanapin siya para makuha mo ulit ang panyo ng mommy mo?" "Sana pero hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula!" ani Lenlyn. "Hayaan mo magtatanong-tanong din ako, baka may nakapulot naman na iba sa mga kaibigan namin ni Troy!" ani jasmine. "Salamat!" Mabilis na lumipas ang mga araw, nagpatuloy ang pagiging buhay malaya ang dalagang si Lenlyn. Kasama ang mga kabarkada at ang kaniyang bestfriend na si Jasmine hindi na niya namamalayan ang paglipas ng oras. Madalas ay umaga na ito kung makauwi ng bahay na labis na pinag-aalala ng kanyang ama. Paulit-ulit na pagdidiskusyon na lang ang nangyayari sa mag-ama tuwing papangaralan ang dalaga. Tila paking na si Lenlyn sa sermon ng kaniyang ama at hindi na ito nakikinig dahil sa huli ay ang dalaga rin naman ang nagwawagi. Araw ng Linggo, hapon na ng magising si Lenlyn dahil sa inumaga na ito ng uwi. Pababa palang siya ng hagdanan ng marinig niya ang boses ng kanyang ama na abala sa pag-uutos sa mga katulong. "Dad---anong meron bakit ang dami niyo yatang pinapahandang pagkain?" tanong ni Lenlyn. "Len iha, dadating sila tito Joel mo with his son Carlo..dito sila magdi-dinner para personal niyong makilala ang isa't isa." simpleng sagot ng matanda. "Dad, bakit naman idadamay niyo pa ako diyan? sigurado naman ako na about bussiness lang ang topic niyo." nakangusong sagot ni Lenlyn sa ama. "No iha, it's not about business, it's all about you and his son carlo." "What do you mean dad?" kunot noong tanong nito. "Alam mo naman na we're best of friend ng Tito Joel mo di ba? bata palang kayo ni Carlo ay nag-usap na kami naipakasal kayo.And i think this is a right time para gawin iyon para matigil na iyan kagigimik mo.Siguro kapag may asawa ka na mababawasan na ang pag-uwi mo ng umaga.At higit sa lahat baka magka-interest ka ng pakialaman ang bussiness natin!." ani Hernan. "Dad---if it's a joke--- please stop it!, i told you na hindi magandang biro ito. Hindi mo ako pwedeng ipakasal sa lalaking hindi ko manlang nakikita o kilala!" reklamo ni Lenlyn. "Kaya nga ipapakilala ka di ba? Mabait na bata si Carlo..lumaki siya sa america kaya hindi mo pa siya nakikilala. Meron din siyang sariling bussiness at maganda ang magiging kinabukasan mo sa kanya!" ani Hernan. "Daddy ayoko! ayokong magpakasal sa lalaking hindi ko gusto!" mataas ang boses na wika ni Lenlyn. "That's my decision iha! magpapakasal kayo at pag-aaralan niyong mahalin ang isat-isa. This time ako ang masusunod dahil kung hindi---i'm sorry pero puputulin ko ang sustento mo at wala kang mamanahin kahit isang kusing mula sa akin." ani Hernan. "Really Dad?? gagawin mo yun dahil diyan sa kagustuhan niyo na maipakasal ako sa anak ng bestfriend niyo? bakit dad, ano ba ang mahalaga sa inyo? ang maging parte sila ng buhay natin o ang kaligayahan ng anak niyo?" mangilid-ngilid ang luhang wika ni Lenlyn. "Ginagawa ko iyan para rin sa iyo! wala ka ng gustong gawin sa buhay mo kundi ang bumarkada, ang umuwi ng umaga..ni wala ka ngang alam na trabaho!Sa tingin mo ba tuwing hating gabi na magigising ako at iche-check kita sa kwarto mo para alamin kung nakauwi ka na..hindi na ako makatulog pag nakikita kong wala ka pa sa higaan at alam ko na nasa lansangan ka pa! Ganun nalang ang madalas na eksena na nangyayari sa akin, yung hindi makatulog dahil sa pag-aalala sa iyo! Hindi ako mapakali na baka sa isang iglap ay may tumawag nalang dito sa bahay na napahamak ka na...Ganun ba ang gusto mo na magpatuloy Len? ang unti-unti akong patayin sa pag-aalala sa iyo? Kaya patawad dahil ito lang ang nakikita kong paraan para mabawasan iyang pag gimik mo! Ang ipakasal ka sa taong responsable at may pangarap sa buhsy!" ani Hernan sa anak. " Ang sakit niyo naman magsalita Daddy! Yun ba ang tingin niyo sa akin ang walang pangarap sa buhay kaya gusto niyo akong ipakasal sa lalaki na hindi ko kakilala? i'm sorry pero hindi ako sang-ayon sa plano niyo...hindi biro ang gusto niyong mangyari.Hindi ko kayang magpakasal sa lalaking hindi ko naman mahal." ani Lenlyn at umiiyak na tinalikuran ang ama. Sumapit ang gabi ng ipatawag si Lenlyn ng kanyang ama para sa hapunan. Kontra man siya sa gusto ng ama ay wala siyang nagawa kundi ang makiharap sa bisita ng kanyang daddy hernan. Matangkad, gwapo at matipuno ang lalaking kasa-kasama ng Tito Joel niya. Dala ang bungkos ng pulang rosas ng iabot iyon sa kaniya ng binata. Hindi man niya gusto ang set-up na iyon ay napilitan siyang tanggapin iyon ng iabot sa kaniya ni Carlo. "Salamat!" pilit ang ngiti na wika ni Lenlyn. "Anak siya si Carlo Alcantara ang panganay na anak ni Tito Joel mo...siya yung sinasabi ko sa iyo na---" "Dad...alam ko na,so stop it! huwag mo ng banggitin." bulong na pagpigil ni Lenlyn sa ama. "Tito Joel, Carlo tuloy po kayo.. nagpahanda si Daddy ng dinner para sa inyo." simpleng anyaya ng dalaga. "Hi Lenlyn, i'm Carlo..i'm happy to finally meet you..tama si Daddy ang ganda-ganda mo nga lalo na sa personal..And im looking forward na sana magkasundo tayo." nakangiting wika ng binata. "Thank you... mabuti pa kumain nalang tayo dahil lalamig ang pagkain.." pag-iwas ni Lenlyn at humakbang na patungo sa kusina. Hindi mapakali sa kinauupuan si Lenlyn habang kumakain ng gabing iyon. Naiilang siya sa kwentuhan ng mga lalaking nakapaligid sa kaniya at hindi niya gusto ang tema ng usapan ng mga ito. "Paano pare, siguro naman hindi narin lugi ang anak ko sa dalaga mo. Gwapo naman at matikas si Carlo kaya bagay na bagay kay Lenlyn--sa anak mo,!" ani Joel sa kaibigan. "Oo naman pare...nagulat nga rin ako kay carlo dahil huling kita ko sa kanya eh totoy na totoy pa..bilis talaga ng panahon noh? Well, tungkol naman sa sinabi mo, agree naman ako dun. Yun nga lang kung matagalan kaya ng anak mo ang pagka- spoiled bratt ng anak ko?" natatawang saad ni Hernan. "Tito it's okay! sanay din naman akong makibagay sa ganyang mga tao. Sa America mas gimikera mga babae dun at normal na sa kanila ang ganung set- up kaya hindi na iba sa akin kung sakaling ganun talaga si Lenlyn!" nakangiting wika ni Carlo. "Well good..sana nga mapagbago mo ang anak ko. Mabait naman iyan kaya lang talagang mabarkada." ani Hernan. "It's okay tito, i can handle--- What about kay Len..ok lang ba sa iyo na pakasalan ako? i mean agree ka ba sa plano nila daddy at tito Hernan?" tanong ng binata. Bumuntong hininga si Lenlyn at sulmulyap sa ama bago sumagot sa lalaki. "Honestly, hindi ko gusto ang idea na iyan? I don't think na magki-click ang relasyon na pinagkasundo lang. Kaya sorry Dad---Carlo--Tito Joel pero hindi po yata ito ang tamang oras para pag-usapan iyan!" ani Lenlyn. "At kailan ang tamang panahon anak? si Carlo na nga ang handang mag-adjust sa iyo di ba?" tanong ni Hernan sa anak. "Daddy i told you na hindi ko gusto ang ganiyang set-up..hindi biro yung gusto niyong mangyari!" ani Lenlyn. "Anak napag-usapan na natin ito at wala ka nga magagawa dun. You and Carlo are getting married!" matigas na wika ni Hernan. Naiiling at maiyak-iyak na tumingin si Lenlyn sa ama. "Excuse me!" ani Lenlyn at tumayo na sa upuan nito. "Lenlyn, saan ka pupunta? come back here!" sigaw ng matandang Gonzales ngunit hindi na siya pinakinggan ng anak at tuloy-tuloy na umalis ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD