"Lady in Red"
Chapter 4
Hindi na napigilan ni Lenlyn ang sarili na iwanan ang ama at ang bisitang kaibigan nito.Agad na kinuha ng dalaga ang susi ng kotse at nagmamadaling umalis ng bahay na iyon.
Hindi niya gustong pahiyain ang ama sa harap ng mga bisita nito ngunit talaga labag sa kalooban niya ang usapang pagpapakasal sa Carlo na iyon.
Nangako siya sa kanyang ina bago ito mawala na pipiliin niyang maging masaya at hindi siya magpapatali sa isang relasyon na hindi niya gusto kaya niya nagawang hiwalayan si kelvin noon.
"I missed you so much mom! sana nandito ka sa tabi ko dahil ikaw lang naman ang nakakaunawa sa akin!" umiiyak na wika ni Lenlyn habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan.
Patungo sa isang Coffee Shop na malapit sa kanilang Village, hindi na napansin ni Lenlyn ang humps na naging dahilan ng malakas na pagkalabog niya sa loob ng sasakyan. Huminto siya sandali sa pagmamaneho upang pakalmahin ang sarili, at hindi rin nagtagal ay tumunog ang cellphone niya.
"Len--- nasaan ka na? nandito na ako sa shop?" tanong ni Jasmine.
"I'm almost there, see you in a minute!" tulalang wika parin ni Lenlyn at ibinaba ang tawag na iyon.
Sa coffee shop kung saan naroroon din ang kaibigang si Jasmine, hindi maitago ng dalaga ang sama ng loob sa kanyang ama habang nagkukwento sa kanyang kaibigan. Sa halip na kape ay alak ang hawak-hawak nito para maibsan panandalian ang problemang iniisip nito.
"Len-- tama na iyan! Daddy mo parin siya at hindi ka dapat makaramdam ng hinanakit sa kaniya. Baka makakabuti kung bawas-bawasan na natin ang paglabas ng gabi at subukan mo narin sundin ang gusto niyang pakialaman ang business niyo para hindi na niya isipin na tumatanda tayong walang alam kundi ang bumarkada?" suhestiyon ni Jasmine.
"Sa tingin mo mababago pa yun? harap-harapan na niyang sinabi sa mag-ama na iyon na ipapakasal kami. I don't think so...i know dad---alam kong may isang salita iyon!" ani Lenlyn.
"Malay mo naman di ba? yun lang naman ang gusto sa iyo ni Tito Hernan ang maging responsible ka! gusto niyang mapabuti ang buhay mo! "
"Mapabuti? kaya ba ipapakasal niya ako sa lalaking hindi ko naman mahal? Jasmine hindi ko kailangan magpakasal para lang maging responsable!"
"Ano plano mo? susuway ka talaga sa kanya? ikaw na ang may sabi na aalisan ka niya ng mana kapag hindi ka nagpakasal sa Carlo na iyon!"
"Hindi ko alam, ang alam ko lang hindi ko kayang magpakasal dahil lang sa kasunduan nilang magkaibigan!" ani Lenlyn at muling tumungga ng alak.
Mabilis na lumipas ang mga oras, hindi na pansin ni Lenlyn ang oras.
Ilang miscalls narin mula sa kanyang daddy Hernan ang rumehistro sa kanyang cellphone ngunit hindi niya ginawang sagutin iyon. Batid niyang papauwiin lang siya ng ama para ipilit ang pagpapakasal nila nung Carlong iyon.Mas pinili niyang magpakalango sa alak para panandaliang makatakas sa problema at kalimutan ang pangyayaring iyon.
Alas tres na ng madaling araw ngunit tila wala parin balak ang dalagang si Lenlyn na umuwi ng bahay. Ang kaibigan nitong si Jasmine ang umaawat sa dalaga sa pag-inom nito dahil halos mapapikit na ito sa kalasingan.
"Len-- tara na ihahatid na kita sa inyo! ibinilin ko na lang sa guard at sa manager yung kotse mo na bukas na lang babalikan!" ani Jasmine.
"Jas-- ayoko pang umuwi...may gusto ko dito, mas malaya at walang nagmamando sa akin! walang magdidikta sa mga dapat kong gawin!" ani Lenlyn.
"Len---lasing ka na! tama na iyan... tara na! ok narin yung bill,nabayaran ko na gamit ang credit card ko!" ani Jasmine.
"Anong nabayaran mo na? di ba binigay ko sayo yung Atm Card ko? lasing ka na ba?" natatawang sagot ni Lenlyn.
"Len hindi ako lasing, naka-freeze ang bank account mo.. nagawa ng daddy mo na ipa-hold ang ATM mo kahit gabi na!"
"What? sigurado ka?" gulat na tanong ng dalaga.
"Yes, pina-doble check ko na...hindi mo na magagamit ang ATM Card mo!" ani Jasmine.
"B*llshit!!" inis na wika ng dalaga.
"Mabuti pa tara na at ihahatid na kita! much better kung kausapin mo ng mahinahon ang daddy mo.Sigurado naman ako na ia-unfreeze niya ang accounts mo kung susundin mo siya!" ani Jasmine.
"What do you mean? pumayag nalang ako sa gusto niya? No Jasmine! hindi ako magpapakasal kay Carlo para lang ibalik ni Daddy ang bank accounts ko!"
"Anong plano mo?"
"Mabubuhay akong malayang magdesisyon at magpapakasal ako sa taong mahal ko.Kung kailangan kong magtrabaho para magkapera gagawin ko! papatunayan ko kay daddy na kaya kong mag-survive ng sa sariling sikap ko!" ani Lenlyn.
"Then good..matutuwa ang daddy mo kapag nagtrabaho ka na sa kompanya niyo!" ani Jasmine.
"Mali ka Jas---magtatrabaho ako malayo kay Daddy. Ayokong magtrabaho sa kompanya namin.Papatunayan kong may galing din akong tinatago at hindi lang dahil sa anak ako ng may ari ng kompanya!" matapang na tugon ni Lenlyn.
"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? saan ka naman mag-aapply?"
"Hindi ko alam.Ewan!"
Naiiling na tumayo na si Jasmine at inalalayan ang kaibigan para isakay sa kotse nito. Sa halip na umuwi ng bahay nito ay pinili ni Lenlyn na makitulog sa bahay ng kaibigang si Jasmine.
Kinabukasan, ang nanlilisik na mata ng amang si Hernan ang nabungaran ni Lenlyn matapos siyang katukin ng kaibigang si Jasmine.
Hindi pa man nagsasalita ay alam na niya na galit iyon dahil sa itsura nito.
"Len, hanggang kailan mo ba ako susuwayin bata ka? hindi ka naman namin pinalaki ng mommy mo para lang bastusin ako!" galit na wika ng matandang Gonzales.
"Dad hindi ko gusto suwayin kayo! but it's unfair kung ipipilit niyo ang isang bagay na hindi ko gusto. Mommy told me before she died na huwag ko hahayaan na makulong ang sarili ko sa isang relasyon na hindi ako masaya. Tapos ikaw naman po ipipilit niyo sa akin na pakasalan ko ang carlo na iyon?"
"Carlo is a good man at alam ko na mapapabuti ka sa kanya! i will not forced you to marry him kung alam ko na mapapahamak ka lang.!" wika ng matanda.
"But i didn't love him dad--- paano ko papakisamahan ang isang lalaki kung hindi ko naman mahal?"
"Matututunan mo rin siyang mahalin, sigurado ako dun!" pagpupumilit ng matanda.
"At paano kung hindi? gagawin kong experiment ang kasal, susubukan ko siyang mahalin at kung hindi mag-click maghihiwalay, ganun ba dad?" naiiling na wika ni Lenlyn.
"Len wala ng patutunguhan ang pag-uusap na ito, tara na sumama ka ng umuwi sa akin.Magpapakasal ka kay Carlo kung ayaw mong tuluyan kong i-freeze ko ang lahat ng bank accounts mo!" matigas na wika ng matanda.
"Do what you want dad---pero hindi ako magpapakasal kay Carlo!" diretchong sagot ni Lenlyn.
"Stupid Lenlyn! tingnan natin kung hanggang saan ka maninindigan kapag wala ka ng makain! tingnan natin kung hanggang saan ka dadalin ng pagiging suwail mo kapag naghihirap ka na at wala ka ng maitustos sa lahat ng luho mo! tingnan natin kung kaya mong mabuhay ng mag-isa!" galit na wika ni Hernan bago tinalikuran ang anak at nilisan ang bahay na iyon.
Napaupo si Lenlyn at napahilamos ng kamay sa mukha matapos ng mainit na pagtatalo nilang mag-ama. Unang beses niyang makitang magalit ang ama at masakit din iyon para sa kaniya.
"Len okay ka lang? gusto mo ikuha kita ng tubig?" nag-aalalang tanong ni Jasmine.
Tumango lang ang dalagang si Lenlyn at pinilit na tumayo para bumalik sa higaan.
Pakiramdam niya ay nauupos siya dahil sa problemang kinakaharap.
Ilang sandali lang ng makabalik si Jasmine dala ang baso ng tubig.
"Salamat!" malungkot na wika ni Lenlyn.
"Sigurado ka ba sa desisyon mo na suwayin ang daddy mo? what if--sundin mo nalang kaya siya para hindi na kayo mag-away mag-ama?" suhestiyon ni Jasmine.
"Balang araw mauunawaan din ako ni Daddy kung bakit ayaw kong sundin ang gusto niya..." ani Lenlyn.
"Anong plano mo?"
"Tulad ng sinabi ko sa iyo kagabi--- magta-trabaho ako para kumita ng sarili kong pera!" ani Lenlyn.
"Okay bahala ka kung iyan ang desisyon mo,nandito lang ako para alalayan ka..huwag kang mag-alala tatawagan ko si Troy para matulungan kang hanapan ng trabaho na pwede mong pasukan.." ani Jasmine.
"Salamat Jas!"
Matapos na sabihin ni Jasmine sa kasintahan ang problema ng kaibigang si Lenlyn ay nakatanggap din kaagad sila ng tawag mula sa binata. Ayon kay Troy ay nangangailangan ng isang sekretarya ang kaibigan nito na si Xander Villarama.
Agad na ibinigay ni Troy kay Lenlyn ang lugar at ang buong pangalan ng nagmamay-ari ng Kompanya para sa interview nito.
"Xander Villarama!" usal ni lenlyn matapos nilang ibaba ang tawag mula kay Troy.
"Sigurado ka ba diyan Len? remember sa kompanya niyo ikaw ang amo? dito sa Villarama Man Power na ito ikaw ang uutusan ng amo mo?" paninigurado ni Jasmine.
"Ok lang,kakayanin ko...atlist dito malaya ako magdesisyon para sa akin, hindi yung si Daddy ang magdedesisyon ng dapat mangyari sa buhay ko!" ani lenlyn.
"Well, all i can say is---goodluck! if you need anything sabihin mo lang at tutulungan kita." ani Jasmine.
"Maraming-maraming salamat Jas, tunay ka talagang kaibigan!" ani Lenlyn.
"Wala yun, sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo lang din." ani Jasmine.
Matamis na ngumiti si Jasmine sa kaibigan at niyakap iyon.
"Thank You!"