MYSTERIOUS OLD MAN

1169 Words

“Tuloy ba tayo mamaya, Sky?” wika ni Nurse Jang Geum sa kanya habang naglalakad sila sa pasilyo palabas ng Pediatrics ward. Hindi talaga Jang Geum ang pangalan nito kung hindi Jemima. Naging Nurse Jang Geum lang ito dahil sa kanya minsang pabirong tawagin niya ito ng ganoon noong lumabas sa GMA ang Koreanovela na Jewel in the Palace. Kamukha kasi nito ang bida sa naturang programa.          Sa kolehiyo pa sila nito nagkakilala at naging magkaibigan. Pero kung ito ay tinapos ang kurso nitong Nursing na pinasukan lang niya ng isang semestre, siya ay walang tinapos sa limang kursong pinag-enroll-an niya noon. Pero hindi nawala ang komunikasyon nila ni Nurse Jang Geum. At mamaya, kasama ang iba pa niyang mga kaibigan na sina Cocco at Didi ay lalabas sila para sa kanilang monthly girls’ nig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD