“Hmm...sabagay. Kumusta na nga pala siya? Parang two months nang hindi nadadayo dito iyon kasama mo ah,” wika ni Nurse Jang Geum. Kaswal na nagkibit-balikat si Sky. “Busy sa trabaho niya,” aniya. Hindi masasabing purong katotohanan ang isinagot niya pero hindi rin naman masasabing purong kasinungalingan lang iyon. Sapagkat ang totoo, wala siyang ideya kung ano na talaga ang kasalukuyang estado ni Bram. Wala siyang ideya kung ano ang pinagkaka-abalahan ngayon ng nobyo niya. Wala siyang ideya kung nasaan ngayon ang binata. At wala siyang ideya kung itinuturing pa rin nga ba nito ang sarili nito bilang nobyo niya. Because after she said a resounding no to Bram’s wedding proposal a month ago, she had not seen him nor heard from him again. And his last words to her were: “Tapusin na natin

