“Wanda! Buntis ka ba?” pandidilat ni Pierce sa kasambahay. “Hendi, Ser! Wala man akung buypren! Paano aku mabobontes? Puge nga kayo, Ser, pero midyo engot lang,” tanggi ni Wanda sabay irap kay Pierce at martsa pabalik sa sofa at sa pinapanood nitong telenobela. Iiling-iling na bumaling kay Sky si Pierce. “Sarap kutusan ng katulong mo. May gusto siguro sa akin iyan. Lagi akong tinatarayan at iniirapan,” anito. “Hendi ku kayu tayp, Ser! Wesh ninyo lang!” malakas at mariing kontra naman ni Wanda kay Pierce. “Hindi rin kita tayp, Wanda, wesh mo lang din!” Natatawang hinila na ni Sky ang braso ni Pierce bago pa ito masabunutan ng kasambahay niyang matagal na niyang kasama kaya kapalagayang-loob na rin ni Pierce. Ang totoo ay magkakuntsaba pa nga ang mga ito sa paghadlang sa misyon niyan

