Ayon pa kay Donald, pinaimbestigahan nito ang sinasabing Santiago Mendez na siya diumanong tunay niyang ama. Ngunit nabigla ito nang wala itong matagpuang Santiago Mendez. The man Daisy knew doesn’t exist. Apparently, Santiago Mendez was just an alias that Alfie Banal used when he was with Daisy. Nang malaman daw ni Donald na si Alfie Banal pala ang tinutukoy ni Daisy ay lalong nakumbinsi si Donald na palabasing anak nito si Sky. Nalaman rin daw kasi ni Donald na marami pang ibang babaeng naanakan ang tunay na ama ni Sky at lahat ng iyon ay hindi pinanagutan ni Alfie. Kaya naisip ni Donald na hindi magiging malaking kawalan kay Alfie ang hindi pagkakakilala kay Sky bilang isa sa mga anak din ng lalaki. Malamang pa nga raw ay hindi siya kilalanin ni Alfie. Samantalang si Donald ay siya l

