Kabanata 14

2346 Words

Mahigpit pa rin ang hawak niya sa kamay ko nang pumasok kami sa loob ng bahay. Parang siya ang may bahay at talagang ako pa ang hinila niya papasok. Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya kanina. Masyado siyang magaling na alisin ang mga hindi magandang umuusbong sa puso ko. "Bati na ba tayo, hmm?" malambing niyang tanong matapos ang minutong titig niya sa akin. Nakaupo na kami sa sala at hawak pa rin niya ang kamay ko. Walang tao sa bahay. Nasa hacienda na si Mica at mamaya pa ang uwi nila ni Nanay. "Sinabi ko naman na ayos na.." usal ko na medyo tinawanan niya. "Gusto ko lang makasiguro na hindi kana galit. Na talagang ayos na tayo." Patuloy niya habang pinagmamasdan ko ang paghaplos niya sa kamay ko. Hindi ko na magawang salubungin ang mga mata dahil sa hiya. Sa nangyari kanina mas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD