Tama si Nanay. Mas malaki at magarbo sa loob ang mansyon ng mga Salvatore. Awang ang labi kong pinagmasdang ang dawalang malalaki at matataas na hagdan papunta sa ikalawang palapag. Elegante ang bawat gamit mula sa marmol na lapag hanggang sa mga disenyong nakaukit sa mataas na kisame. Sa gitna nito ang nakasabit ang isang kulay ginto at kumikinang na chandelier. Ganito pala talaga ang karangyaan na mayroon ang mga Salvatore, nakakalula. "Hija ang inumin mo." Nalipat aagd ang paningin ko kay Manang Dolores, ang matangdang mayordoma ng mga Salvatore. "Salamat ho. Hindi na ho sana kayo nag-abala pa." kabado kong usal nang inilapag niya ang baso sa magarang mesa sa harapan. Pakiramdam ko hindi nararapat ang gaya ko sa lugar na ito. Ang inuupuan kong kutson ay malaki at malambot. Halatang

