Kabanata 12

2287 Words

Pagdating ng lunes, maaga akong nagising. Tulad ng plano ay pupunta kami ng UdSA para sa enrollment. Ergos: Kumain kana muna. Susunduin kita para sabay na tayo. Pigil ang nguso ko dahil doon. Ang aga pero heto na naman siya. Madaling araw palang ay may mensahe na siya sa akin. Siguro dahil tinutulungan niya si Mang Romy sa pagpunta ng palayan. Madaling araw kasi talaga ang punta ng mga karaniwang magsasaka sa bukid. Ako: Kung magtatagal ka diyan ayos lang na sumabay na ako kila Simie. Ikaw? Kumain kana ba? Kagat labi ako nakatutok lang sa phone. Hindi naman siguro mali iyong tanong ko, hindi ba? Ang pagkain ng agahan naman din ang usapan naming dalawa. Ergos: Kumain na kami ni Tanda bago umalis kanina. Kumain ka ng marami. Susunduin kita, Miarie. Hintayin mo ako. Magtitipa na sana

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD