Doon ko lang napagtanto na malakas nga ang loob ni Ergos. Hindi lihim ang naging pagkakagusto niya sa akin noon pa man. Hindi man niya pinatotohanan ito, hindi rin naman niya itinanggi. At ngayon na nanliligaw na siya mas sumiksik sa isip ko na.. totoo nga. Naninikip ang puso ko sa kaba lalo na ngayong magkatitigan kami. May tago siyang ngiti habang hawak ang pumpon ng bulaklak. "Congratulations. Para sa’yo." Bati niya sabay bigay ng mga hawak na rosas. Natulala lang ako sa kanya. Bagong gupit ang basa niyang buhok. Bagay sa kanya ang dating buhok pero ngayon mas tumingkad ang kagwapuhan niya. "Ergos hindi kana sana nag-abala pa ng ganito." hiya kong usal pero kinuha pa rin. Parang nawala ang ingay at palakpak sa paligid, tanging kami at t***k ng puso ko ang malinaw sa akin. "Ayos lang

