Ramdam ko ang init sa mukha ko habang inaayos ang magulong buhok. Alam ko naman na hahantong sa ganito ang magiging reaksyon nila kaya hindi ko na inilihim pa sa kanila. "Malande! Malande! Malande!" si Simie saka ako muling sinabunutan. Pigil ang ngiti ko matapos sabihin na pinayagan ko na ang panliligaw ni Ergos sa akin. "Sabi ko na nga ba! Pinagnanasahan mo na si V!" asar ni Gwen at humalakhak ng malakas. Napanguso na lang ako. Hanggang ngayon grabe pa rin ang pagtahip ng puso ko dahil sa nangyari kagabi. Ganito pala ang pakiradam ng may gusto ka? Marahil, ganito rin ang nararamdaman niya sa akin noon pa? At kapag naiisip ko iyon mas lalong nagwawala ag puso ko. "Kaya pala nawala ka sa sayawan! Naglande kana kasama siya!" patuloy ni Simie na iniirapan ako pero kita ang ngisi sa kulay

