Pennee tried to smile, though she was gritting her teeth. "You witch. Pasalamat ka, wala akong time pumatol sa kalokohan mo ngayon," bulong niya at sinulyapan ang relos sa braso. She frowned. It was five minutes after three. Nasan na siya? Nakalimutan kaya niya? Or baka may class pa siya. Hindi naman niya puwedeng ipagpalit ang pagsundo niya sa 'kin sa lessons niya. She sighed in dismay when she fished out her phone. Wala ring text galing sa kanya. Ano kaya kung magpasundo na lang ako kay Daddy?
"Pennee!"
Dahan-dahang inangat ni Pennee ang mukha niya. She was unaware of the smile that curved across her face when Yigo appeared by the door. Papasok na sana ang binata nang biglang natigilan dahil may babaeng umangkla sa braso nito.
Pennee blinked. Bigla ring naglaho ang matamis na ngiti sa kanyang mukha. Sino 'yong kasama niya? Hindi na niya hinayaang pumasok ang binata. Siya na ang lumabas ng classroom. Kahit tila hindi siya komportable sa presensya ng matangkad at magandang babae ngunit tila naka-glue kay Yigo ay pinilit niyang ngumiti.
"Baka may klase ka pa, ha."
"Hello too, Pennee," natatawang bati ni Yigo sabay kuha sa bag ng dalagita. Narinig niyang tumikhim si Vanessa kaya bigla siyang nagpormal. "Oh, by the way, this is Vanessa, my... girlfriend." Tila hindi maisatinig ni Yigo ang kanyang mga salita.
"Hi, Pennee! Nice to meet you. Vanessa here." She stuck out her hand. "Ikaw pala ang sinasabi ni Iñi... I mean, ni honey."
Girlfriend? Honey? Kailan pa? Bakit walang nababanggit si Yigo tungkol sa kanya? Samu't sari pa ang katanungan sa isipan ni Pennee. Ngunit pinilit niyang hawiin ito, kung hindi ay baka matulala na lang siya dahil sa hindi inaasahang balita ng kababata niya.
"H-hello, Ate Vanessa. Pennee po." Tinanggap niya ang pakikipagkamay ng isa na agad ding binawi.
"Oh, please. Just Vanessa. Don't call me ate kasi parang nakakatanda. Isa pa, mukhang hindi mo naman tinatawag na kuya ang honey ko kaya call me by my name too." Vanessa wrapped her arms around Iñigo. Tila ipinapakita nito kung gaano siya kalambing sa nobyo.
"O-okay, V-Vanessa," sambit ni Pennee at mabagal na tumatango. Bagay nga naman sila. Parehong maganda at guwapo. Parehong matangkad. Para silang Petrona towers. Sa kabila ng pagpuri ng dalagita sa dalawa, bakit may kurot sa loob ng kanyang dibdib?
A couple of minutes later, they arrived at a fast food restaurant just nearby the campus. Pennee was happy that Yigo fulfilled his promise to take her out after the class. Pagkakataon na nila ito upang muling kilalanin ang bawat isa. Ngunit hindi niya inaasahan na magiging awkward ang pagsasama nila dahil sa eksena sa kanyang harapan.
"Honey, try this chicken. Napaka-juicy, parang ako lang."
Hindi na nakatanggi si Iñigo dahil pagkabuka ng bibig niya ay isinubo na ni Vanessa ang drumstick sa binata. Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ngunit hindi bumabaling kay Pennee ang babae. Tila invisible siya ganoon din ang ibang customers. Walang nakikita ito kundi si Iñigo at kung asikasuhin niya ito ay tila hindi marunong kumain mag-isa.
Itinuon na lang ni Pennee ang kanyang atensyon sa float. Habang sinisipsip ito ay sa labas nakatanaw. Ang saya maging chaperon!
"Pennee, gusto mo ba ng extra fries? Kukuha kasi ako sa counter."
"Hmm?" Napaarko ang mga kilay ni Pennee nang hawakan ni Iñigo ang kamay niyang nakalapat sa mesa. Mayamaya'y pinisil na nito ang kamay niya.
"Sabihin mo lang kung ano pa ng gusto mong order."
Gusto niyang tumanggi. But she was really fancying eating fries hours ago so she nodded and smiled. "Sige, Yigo. Isa pa sa 'kin. Okay na 'yong regular na lang pero mas maraming cheese."
"Copy," Iñigo said and winked at her before standing. Tinapik niya sa balikat si Vanessa bago humanay sa pila.
Ngayon lang naisip ni Pennee na hindi pala magandang ideya na hinayaan niyang maiwanan silang dalawa ni Vanessa sa mesa. Kung kanina ay daig pa nito ang kinikiliti sa kakatawa, ngayon ay tila binagsakan ng langit at lupa kung makasimangot.
Dapat pala ako na lang ang pumila sa counter. Ang awkward naman kasi ng isang ito. Pero ha, pakitang-tao lang pala siya kanina. Ang bilis magbago ng mood dahil wala si Yigo. Hindi na niya matiis ang nakakailang na katahimikan sa kanilang dalawa kaya naisipan niyang magbanyo muna. Ngunit akmang tatayo siya nang magsalita si Vanessa.
"So, hindi mo naman pala talaga brother si Iñigo," ani Vanessa. Now she was gazing at Pennee while playing with the curly locks of her long hair. "If you don't mind me asking, mag-ano ba talaga kayo?"
Bakit niya tinatanong? Hindi pa ba naikuwento sa kanya ni Yigo? Bakit ako pa ang magpapaliwanag. Limited kaya ang memories ko tungkol sa amin. Sa kabila ng tanong sa isip ay sinikap niyang sagutin ito. "Magkalaro kami dati. Ten years old siya at five years old naman ako noon. Mag-bestfriends kasi ang mga tatay namin kaya close din kami. Pero ngayon lang kami uli nagkita kasi nag-migrate sila sa US."
"O-okay..." Mabagal na tumatango si Vanessa. Ngunit sa tono niya ay halatang hindi kumbinsido.
"You know what, bihira lang ang mga naririnig ko na friends noong mga bata pa sila, tapos paglaki nila, close pa rin. People change, you know. Puwedeng kaibigan mo sila noon, but as time pass by, magkakaroon tayo ng mga bagong kakilala at 'yong friends natin dati, wala na sa isip natin. Not unless, nag-level up na ang friendship."
Pennee frowned. Sa hinaba-haba ng speech ni Vanessa ay hindi niya mawari kung ano ang nais tumbukin nito. Kaya kahit ayaw niya ay tinanong pa rin ito. "What do you mean?"
"Simple lang naman, Pennee," Vanessa continued. Pinagsalikop niya ang mga braso at lumingon sa kinaroroonan ni Iñigo. Nasa unahan na ito ng counter at kausap ang crew. "Iñigo is such a hot guy. Kahit sinong babae ay hindi gugustuhin na friend lang ang io-offer niya. Tama ba ako?"
"I don't know," maagap sa sagot ni Pennee. This time, heat was creeping up her face, kaya muli siyang sumipsip sa kanyang float. Goodness, kung puwede lang ihilamos niya ang ice cubes sa iniinom niya upang humupa ang init ng mukha niya. "I don't know why you talk to me that way, Vanessa. Pero hindi ko iniisip 'yan dahil katulad nga ng sinabi ko, kababata ko si Yigo. We are almost brothers and sisters."
"Well, dapat lang, Pennee," Vanessa snapped, one brow arched upward. "Dahil kahit special ka sa kanya, remember that I'm still the girlfriend between the two of us. Understood?"
"Huwag kang mag-alala, Vanessa," Pennee said. Matunog niyang ipinatong sa mesa ang plastic cup ng float. "Yigo is simply a friend to me, believe me. So I'm not sure why you sound threatened since according to you, you are the girlfriend. Now if you will excuse me..."
Mabilis na pumihit si Pennee at sumugod sa direksyon ng comfort room. Goodness gracious! Ngayon ay totohanan na ang pagtawag sa kanya ng kalikasan. Hindi ito dahil sa inubos niya ang float, kundi dahil sa tensyon sa girlfriend ni Iñigo na ubod pala nang selosa.