CHAPTER 5

1463 Words
Habang pinunasan nito ang kanyang mga luha, ay senenyasan din nito ang dalawang guard na siya’y bitawan – kaya alerto naman agad ang dalawang guard at siya’y binitawan. “Okay na ba tayo, baby? Naiintindihan mo na ba ako?” muli pang tanong ng kanyang Ninong sa kanya, gamit ang malambing na boses nito at may malamlam na mga tingin. Kahit wala nang nakahawak sa kanya, ay parang na-freeze pa rin siya sa kinatatayuan dahil sa titig at malambing na boses ng kanyang Ninong Brix. Hindi niya alam kung bakit biglang natakot siya, kahit simpleng titig lang nito at kahit malambing ang boses nito – para bang may malakas na kapangyarihan ito hindi lamang sa mga materyal na bagay. Hindi na siya nagmatigas pa sa mga sinabi nito. Hinila na siya agad ni Aling Martha para muling igiya siya sa loob ng palasyo ng kanyang Ninong Brix. Hindi na rin siya nag-alinlangan kundi sumunod nalang agad siya kay Aling Martha, ngunit mahinang umiiyak pa rin. Sinundan nalang sila ng tingin ng kanyang Ninong Brix at ng mga tauhan at mga guwardya nito. Tuloyan na ring nagpaalam si Miss Lasha, at hinatid nalang ito ni Marco palabas. Binalingan naman ni Don Brixton ang mga guwardya sa Valerioso Palace. "From now on, huwag na huwag niyong hayaan na makaalis si Karah. Pwede lang siyang aalis kapag kasama ako. As long as she is still young and hasn’t fully accepted that this is now her new home, she cannot go out without me. Do you all understand?" matigas na wika ni Don Brix sa mga guwardya. "Yes, Don Brix!" mabilis at masiglang sagot ng mga guwardya. ___ "Ano ka ba naman, Karah. Suwerte mo na nga dito sa Ninong mo, bakit nagtangka ka pang umalis?" muling wika ni Aling Martha sa dalagita habang naglalakbay sila sa loob ng malawak na Valerioso Palace. Hindi siya sumagot sa sinabi ni Aling Martha. Natatakot din naman siyang magsalita tungkol sa kanyang nakita. Pero naisip niya na baka alam na rin ni Aling Martha ang sekretong lugar ng Valerioso Palace – sa tagal ba naman nitong nanilbihan kay Ninong Brix, ay siguradong alam na talaga nito. "Karah, kung ako pa sayo, mula ngayon, isipin mong ito na talaga ang tahanan mo, isipin mong tunay na pamilya si Don Brix. Siya nalang ang tanging taong nangangako sa’yo na hindi ka pababayaan. Huwag mo nang isipin pa na aalis dito, dahil hindi mo naman sigurado kung ang pupuntahan mo ay ituturing ka ba talagang pamilya." mahabang wika sa kanya ni Aling Martha. Mahinang tango nalang ang kanyang itinugon, sabay yuko pa rin. Masasanay kaya siya kay Ninong Brix na ngayon ay naging bagong pamilya niya? Hanggang kailan niya matatanggap na wala na talaga ang kanyang mga magulang? Hindi niya talaga napaghandaan ang ganitong pangyayari sa buhay niya sa kanyang murang edad. Sa muli ay lagi siyang nagkukulong sa kanyang kwarto at patuloy na nag-iisip ng mga nangyayari sa buhay niya. Hangga’t maaari ay naisip niyang iwaglit sa isip niya ang mga nakita niyang ginawa ng kanyang Ninong Brix at ng mga tauhan nito. ____ Lumipas ang ilang buwan – malapit nang mag-isang taon mula nang pinaslang ang mga magulang ni Karah, at siya ngayon ay labing-apat na taong gulang na at kasalukuyang nag-aaral bilang mag-aaral sa Grade Eight. Muli siyang nagpatuloy sa pag-aaral matapos ang ilang buwan mula nang matigil siya noong mangyari ang pagpaslang sa kanyang mga magulang. Kasama niya palagi ang dalawang bodyguard na pinabantay sa kanya ng kanyang Ninong Brix, para daw sa kanyang kaligtasan. Hanggang ngayon kasi ay ipinahanap pa rin nito ang mga pumaslang sa kanyang mga magulang. May suspect sila, ngunit naglayas ito at nasa ibang bansa na. Ngunit doon ay pinapahanap din ni Don Brix ang nasabing suspect – isang kakilala nito na may malaking inggit sa kanyang ama nang dinala at pinalago nito ang Santillan-Valerioso Industries. Gusto kasi nito noon pa na siya ang pagbigyan ni Don Brix, pero wala pang malinaw na ebidensya – at suspect pa lang talaga ang lahat. Unti-unti na rin siyang nasanay sa presensya ni Ninong Brix. Sa kabila ng pagiging Mafia boss nito, ay parang hindi na siya gaanong natatakot tulad noong una. Iniiwasan nalang niyang makakita sa mga ginagawa ng mga ito sa sekretong lugar ng Valerioso Palace. Tuwing makakausap niya ito, laging pinapaintindi sa kanya ng kanyang Ninong na ang mga taong kanyang pinaparusahan ng kamatayan ay mga taong nagtraidor lang talaga sa kanya. Habang dumadaan ang mga araw, hindi na lamang basta Ninong ang turing ni Karah sa kanya – nagsimulang tumayo ito bilang tunay na magulang niya na nag-aalaga sa kanyang kaligtasan, pinag-aaral siya, at sa lahat ng kailangan niya ay ibinibigay nito. Sa kanyang labing-apat na edad ay nagsimula nang gumanda ang kanyang katawan at medyo nagkalaman na rin siya. Payat kasi siyang bata mula pa noon. Sa araw na iyon, nakaupo si Karah sa isang malawak na kahoy na mesa sa Gitnang Pagbabasa Hall ng Valerioso Library. Ang kanyang Grade Eight na aklat ay nakapatong sa tabi ng isang maliit na kahon ng sandwich at basong juice na dala niya. Nakatutok ang kanyang mga mata sa pagbabasa ng isang aklat tungkol sa kasaysayan ng kanilang lungsod, hanggang sa marinig niya ang tahimik na pagbukas ng malaking pintuan ng silid. Lumingon siya at ngumiti ng malaki nang makita si Don Brixton Valerioso na papasok, dala ang isang maliit na papel de liha na kahon na di niya pansin. "Ninong Brix! Punta ka ba rito para kausapin ang mga tauhan mo?" tanong ni Karah. Minsan kasi ay dito ito makikipag-usap sa mga tauhan nito. Nasanay na siya sa presensya ng kanyang ninong. "Not yet, baby." sagot ni Don Brixton habang hinahaplos ang ulo ni Karah. "Naisip ko lang na pumunta rito para tingnan ka – alam kong mahilig kang magbasa dito. Mukhang masaya ka naman sa pag-aaral mo ngayon, baby." sagot nito sa kanya, at makikita ang tuwa sa mukha nito. Masayang tumango si Karah at inayos ang upuan para mapaupo ang kanyang ninong. "Opo, dito po kayo sa tabi ko, Ninong! Kanina pa ako nagbabasa dito ng tungkol sa mga unang tao na nanirahan dito sa lugar natin. Natutunan ko pa na dati raw itong maliit na nayon lang na umaasa sa pagsasaka at pangingisda, bago ito lumago nang husto. May binasa rin po akong tungkol sa mga sinaunang gusali na dati nang nandito!" masaya pang wika ni Karah. Nakasuot lang ng itim na sando ang kanyang Ninong at medyo maiksing short, kaya kitang-kita ang maskuladong braso at dibdib nito – at sanay na rin siyang makikita ang maraming tattoo nito sa dibdib at braso. Moreno ito at napakaguwapo naman, ngunit makikita lang sa ekspresyon ng mukha nito ang tapang na kinatatakutan ng lahat – lalo na ang mga tingin nito. Naupo ito sa tabi niya, at napansin niyang may dala pala itong isang kahon na hindi niya alam kung anong laman. Hinayaan muna siya nitong ikwento ang lahat ng kanyang natutunan. Ang mga mata ni Karah ay kumikislap sa tuwing binabanggit niya ang mga bagong impormasyon. Habang nakikinig si Ninong Brixton sa kanya, hindi napigilan nitong ngumiti ng malawak – kitang-kita ang pantay-pantay at malinis na ngipin nito habang nakatitig sa kanyang mukha habang nagkukuwento siya. Siguro ay nasisiyahan ito na makita sa kanya na nakakagawa na ng paraan para makamit ang kanyang mga pangarap at unti-unting nakaka-move on na sa nangyari sa kanyang mga magulang. Nang matapos siyang magkwento, inabot ni Don Brixton sa kanya ang dala nitong kahon. "Ano ito, Ninong?" tanong naman niya rito. "Para sa iyo ‘yan – alam kong mahilig ka sa tsokolate chip cookies na ginagawa ng aking chef. Narinig ko rin mula sa guro mo na mabuti kang nakakasunod sa mga aralin mo. Alam kong favorite mo rin iyan, baby." sabi nito sa kanya. "Wow! Thank you po, Ninong! Yes po, favorite ko talaga ito!" masaya namang tugon niya rito. Kinuha ni Karah ang kahon at bigla niyang niyakap ang kanyang ninong. Ramdam niya ang init ng pagmamahal nito sa kanya – parang tunay na ama na handang suportahan siya sa lahat ng gusto niyang matutunan at makamit. Parang natigilan naman ito sa bigla niyang pagyakap, ngunit saglit lang iyon. Niyakap din siya nito. "Salamat po, Ninong. Gusto ko po makapagtapos ng pag-aaral at matuto pa ng marami – para sana maging proud ka rin sa akin tulad ng pagiging proud ng mga magulang ko dati," dagdag na sabi niya rito at agad na humiwalay ng yakap sa kanya. "You don’t need to work hard to make me proud, baby." sagot ni Don Brixton habang hawak ang kamay ni Karah. "Ikaw mismo ay sapat na dahilan para maging proud ako – at palagi akong nandito para suportahan ka," malambing na wika nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD