CHAPTER 6

1514 Words
Natigil ang pag-uusap nilang magninong sa Gitnang Hall ng Pagbabasa nang marinig ang maayos na pagkatok sa pintuan. Pumasok si Kuya Marco – ang right hand ni Don Brixton at taong pinagkakatiwalaan niya sa lahat ng bagay. May seryosong ekspresyon ang mukha nito habang lumalapit sa kanilang mesa. "Good afternoon, Don Brix!" Seryosong bati ni Marco sabay napatingin din sa dalagitang inaanak ng Don na si Karah. " Good afternoon po, Kuya Marco," Mahinhin na bati din ni Karah sa bagong dumating. Ngumiti lang ng kunti si Marco kay Karah at muling bumaling ang tingin kay Don Brixton. "Yes, Marco?" Agad na tanong ni Don Brix rito na tumayo agad. "May bago po akong babae na napili at ipapakilala sa inyo, Don Brix," sabi ni Marco. "Oh, really? Maganda rin ba? Sexy at mabait?" tanong agad ni Don Brix. Nagpapahanap talaga si Don Brixton ng mapapangasawa kay Marco dahil gusto na itong magkaroon ng pamilya. "Yes naman, Don Brix! Mabait po at maganda, mula pa sa isang kilalang pamilya, anak ng Congressman. Alam niyo naman po kung ano ang hangarin natin para sa inyo – makahanap ka na ng babaeng pwede mong pakasalan at makakasama habambuhay." Pormal na wika ni Marco. Bawat pakikipag-usap ng mga tauhan kay Don Brix ay naging pormal at seryoso talaga ang lahat dahil takot ang mga ito sa amo nila kaya malaki talaga ang respeto ng mga ito kay Don Brixton Valerioso. Tumango naman si Don Brixton, tahimik na nag-iisip sandali bago sumagot. "Alright Marco. Bring her here tonight. So I can meet her." Mariing wika ni Don Brixton sa kanyang katiwala. Natigilan naman si Karah sa narinig. Parang biglang may bigat na bumagsak sa kanyang dibdib at hindi niya maintindihan kung bakit. Alam niya namang tama lang na mag-asawa ang kanyang Ninong, lalo na't 29 na ito at maraming responsibilidad sa kanilang industriya at sa mga tauhan. Pero bakit parang ayaw niyang mangyari iyon? Parang may bahagi sa kanya na ayaw ibahagi ang atensyon ni Don Brix sa ibang babae. Upang hindi siya makadisturbo sa pag-uusap ng dalawa, agad siyang tumayo at nagpaalam. "Ninong, mauuna na po ako sa kwarto ko. May mga takdang-aralin pa po akong kailangang tapusin para bukas." Paalam pa niya sabay yuko. Tumingin si Don Brixton sa kanya at ngumiti ng mahinahon. "Okay, baby. Don't forget to eat later, alright? I'll tell Aling Martha to just have your food sent up to your room." Malambing ang tinig na wika pa ni Don Brixton sa dalagitang inaanak. Tumango lang si Karah at mabilis na lumabas ng silid. Diretso siya sa hagdan patungo sa ikalawang palapag kung saan matatagpuan ang kanyang kwarto. Alam na alam niya kung ano ang mangyayari ngayong gabi – tuwing may babaeng ipinapakilala si Marco kay Don Brix, dadalhin ito ng kanyang Ninong sa ikatlong palapag, sa loob ng kwarto nito. Hindi na siya inosente para hindi maintindihan kung ano ang ginagawa nila roon. Ilang babae na rin ang ipinakilala at dinala ni Marco para sa kanyang Ninong pero hindi ito nagustuhan ng kanyang Ninong. Mapili din si Ninong Brix, at parang di na madaling magkagusto ng babae simula nang niloko ito noon ng babaeng mahal na mahal nito. Pagkarating sa kanyang silid, agad niyang isinara ang pinto at humiga sa kama. Inilibot niya ang mga mata sa kwarto – mula sa mga libro na binili para sa kanya ni Ninong Brix, hanggang sa mga larawan ng kanyang mga magulang na inayos niya sa mesa. Bakit nga ba ganito ang nararamdaman niya? Tanong niya sa sarili habang unti-unting pumipikit ang mga mata, ngunit hindi niya mahanap ang sagot. Pagkalipas ng isang oras, narinig ni Karah ang katok sa kanyang pinto. "Baby, si Aling Martha ito – heto na ang pagkain mo." Binuksan niya ang pinto at inabot ang tray na may favorite niyang ulam at kunting kanin. "Salamat po, Manang Martha." Pasasalamat niya sa kanyang tagapag-alaga sa kanya. "Bakit mukhang hindi ka masaya, hmm?" tanong pa nito nang mapansin ang ekspresyon niya. "May problema ba sa mga aralin mo?" Dagdag na tanong nito sa kanya. "Wala naman po, manang. Pagod lang siguro ako dahil sa dami ng binasa ko kanina," mabilis na sagot ni Karah. Tumango lang si Aling Martha at umalis na, iniwan siyang mag-isa sa kwarto. Hindi niya maubos ang pagkain. Minsan pa niyang isip-isip ang sinabi ni Marco kanina. Alam niyang para sa ikabubuti ito ng kanyang Ninong at ng buong Valerioso clan – kailangan ng Don ng asawa na makakatulong sa kanya sa mga gawain ng pamilya at mamamahala sa palasyo. Pero bakit parang ang bigat ng pakiramdam niya tuwing maiisip na may ibang babae na makakasama si Don Brix sa kwarto nito sa 3rd floor? Ah, alam na niya, natatakot siguro siyang mag-adjust sa babaeng magiging asawa ng kanyang Ninong Brix kung sakali mang magustuhan na talaga ng Ninong niya ang babaeng dadalhin at ipakilala ni Marco sa kanya. Sana nga lang ay mabait ito, pareho sa kanyang Ninong. Paano nalang kung hindi? Baka magiging kalbaryo na ang buhay niya. Ngunit pagdating ng kanyang edad na may sapat na gulang na 18 years old, kahit na may pamilya na ang kanyang Ninong at hindi siya tanggap ng magiging asawa nito, maaari na siyang mamuhay nang mag-isa. Ang abogado ng kanyang mga magulang ay hahawak sa prosesong pagkuha ng kanyang mana mula sa mga namana niya sa mga ito – matatanggap niya ito kapag makumpleto na ang mga kinakailangang proseso sa hukuman o kung mayroong probisyon sa testamento na nagbibigay nito sa kanya sa tamang edad. Kailangang paghandaan niya ang posibleng mangyari sa huli. Samantala, sa Gitnang Hall ay kausap pa rin ni Don Brixton si Marco. "Kung magugustuhan ko ang babaeng iyan, Marco, sa tingin mo ba ay magugustuhan din kaya siya ng inaanak kong si Karah? Gusto kong siguraduhing mabait ang mapapangasawa ko para na rin kay Karah na hindi matatakot ang inaanak ko. Look, hindi niya ako inabala kanina dahil alam niyang importante ang pinag-uusapan natin." "Oo naman, Don Brix, mabait si Miss Jewel Villarin at napakaganda niya, tiyak na magugustuhan mo talaga siya at makakasundo ito ni Karah. Yes, napakabait na bata ni Karah, malaki na rin siya at napaka-understanding na bata," sagot naman ni Marco. "Yes, that's why I want to make sure that the women you introduce to me are kind – because if I end up liking one, my goddaughter won't have a hard time getting along with her." Wika naman ni Don Brix sa seryosong tinig at mga tingin sa kanyang right hand na si Marco. "Hindi po kayo magsisi, Don Brix, si Miss Jewel Villarin ay malambing at sobrang bait – ang mga magulang niya ang may-ari ng isang malaking negosyo ng mga tela sa Cebu. Magandang babae na mukhang modelo at matalino rin, bagay po siya sa inyo." Tugon naman ni Marco. Tumango si Don Brixton. "I hope so. And I also need to see if she’s truly trustworthy and can understand the kind of life we lead. Being the wife of a mafia Don isn’t something to take lightly – if I end up liking her, she needs to be ready to face all the dangers and responsibilities that come with it." Ang sabi ni Don Brixton sa kanyang katiwala. Habang nagsasalita siya, biglang pumasok sa isip niya ang mukha ni Karah kanina nang marinig ang balita. Parang may kakaiba sa mga mata ng dalagita – parang nalulungkot o nabigla. Iniisip niya kung baka nabigla lang ito sa ideyang magkakaroon siya ng asawa, o baka natatakot ito na baka hindi siya mahalaga pa kapag meron nang bagong babae sa palasyo. Ayaw niyang mahirapan si Karah, ewan ba niya, mahalaga at mahal na mahal niya ang kanyang inaanak kaya mahalaga pa rin sa kanya ang kapakanan nito. Nangako siyang hindi niya ito pabayaan at ituturing na tunay niyang anak. "Better have her come here tomorrow instead, Marco. Tomorrow noon." Muling saad ni Don Brix. "Ahh, okay, Don! No problem, tatawagan ko lang si Miss Jewel Villarin." Tugon naman agad ni Marco. Sa kabilang dako, hindi makatulog si Karah nang sumapit na ang gabi. Pumunta siya sa balkonahe ng kanyang kwarto at tumingin sa kalangitan. Nakikita niya ang liwanag ng ilaw mula sa kwarto ni Ninong Brix sa itaas. Iniisip niya kung ano ang iniisip ng kanyang Ninong ngayon – kung excited na ba ito para sa babaeng ipapakilala bukas, nalaman niyang bukas nalang daw pupunta ang babaeng ipakilala ni Marco rito. Nangusisa kasi siya kay Aling Martha kanina kung may dumating bang babae para kay Ninong Brix na napili ng right hand nitong si Marco. Bigla niyang naramdaman ang luha na namamasa sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung bakit siya umiiyak, pero alam niya lang na ayaw niyang mawala ang pag-aalaga at atensyong ibinibigay sa kanya ng kanyang Ninong. Pero napaka-selfish naman niya kung ayaw niyang maging masaya ang kanyang Ninong. Dapat ay matutuwa siya para sa kaligayahan ng Ninong niya. Sana ay hindi magbabago ang pakikitungo sa kanya ng Ninong niya kung sakaling magustuhan at pakasalan nito ang babaeng ipakilala ng right hand ni Marco.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD