CHAPTER 7

1260 Words
Kinabukasan ng tanghali, sa labas ng malawak na gate ng Valerioso palace ay huminto ang isang glossy na puting sasakyan. Lumabas mula rito ang isang babae na agad namang nakuha ang pansin ng mga tauhan – si Miss Jewel Villarin. Maganda nga talaga siya, may matikas na pangangatawan na hinaingan ng maayos at mamahaling damit na lalo pang nagpapakita ng kanyang sekswal na anyo. May magandang ngiti sa labas at mukha talagang mabait ang dating. Kasama siya ni Marco papunta sa "Hall of Valor" – ang isa sa pinakamagarbong silid ng palasyo, na idinisenyo para sa mga pribadong pagpupulong at pagtanggap ng mahahalagang bisita. Ang silid ay may mataas na kisame na may magagarang mural, malalaking bintanang may kurtina ng mamahaling tela, at isang malaking marmol na mesa sa gitna na napapalibutan ng mga komportableng upuan. "Good afternoon, Don Brix, nandito na si Miss Jewel Villarin." Wika ni Marco sa among nakaupo na halatang sila talaga ang hinihintay. "G-Good afternoon, Don Brixton Valerioso. " bati din ng magandang dalaga kay Don Brixton. "Good afternoon too, Miss Jewel. Maupo ka," sagot ni Don Brix na may bahid ng pagiging pormal sa boses, habang tinuturo niya ang isang upuan sa tapat ng mesa. Naupo naman agad si Miss Jewel. "At Thank you, Marco. Pwede mo na agad kaming iiwan ni Miss Jewel Villarin." Pagtataboy naman ni Don Brixton sa katiwala. "Yes, Don Brix!" Tugon ni Marco at agad itong tumalima paalis. Nang maiwan na sila ng babae ay halatang conscious ito sa kay Don Brix – nangingislap ang mga mata nito at matamis na ngumiti sa kanya. Matiim na tinitigan ni Don Brix ang dalaga habang umuupo ito. Sa ikalawang palapag, dumadaan pa lang si Karah mula sa silid-aralan nang marinig niya ang boses ng bagong bisita. Dahan-dahan siyang lumapit sa railing ng hagdan at tumingin pababa, tago-tago sa tabi ng malaking palumpong na nakasabit sa dingding. Nakikita niyang dumating na at kausap na ng kanyang Ninong ang magandang babaeng nasa harapan nito. Kung paano kumikilos si Jewel – maayos, mahinhin, at tila alam niya kung paano kumilos sa harap ng mga taong may kapangyarihan. Nakikinig ito ng mabuti habang si Don Brix ay nagtatanong tungkol sa kanyang pamilya at negosyo ng mga tela sa Cebu. Parang maayos naman ang usapan. Nakikita ni Karah na minsan ay ngumingiti rin ang kanyang Ninong, ngunit may kakaibang tigas pa rin sa mga mata nito. Hindi na siya nagtagal pa sa pagmamasid – bigla siyang naramdaman na parang hindi tama ang pagsusulyap-sulyap kaya tumalikod siya at diretso sa kanyang kwarto. Pagpasok sa silid, agad niyang inilabas ang mga gamit para sa kanyang mga proyekto sa paaralan. Inilapag niya ang malaking kartolina sa mesa para sa poster making tungkol sa kasaysayan ng Cebu, kasama ang mga pintura at pentel pen na ipinabili pa para sa kanya ni Don Brix noong nakaraang linggo. Sinimulan niya itong ikabit sa dingding gamit ang masking tape, ngunit hindi niya mapigilan ang isip na bumabalik sa pag-uusap sa ibaba. Baka magustuhan na ni Ninong ang magandang babae? Iniisip niya habang kinukulayan ang mga larawan ng mga sinaunang bahay sa Cebu. Mabait naman siya mukhang tignan, at may magandang pamilya pa... Habang nagpipinta, hindi niya napansin na napakaraming pulang kulay ang ginamit niya sa isang bahagi ng poster. Bumuntong-hininga siya at kumuha ng bagong kartolina – baka mas mabuting simulan na naman mula sa umpisa. Pagkalipas ng ilang oras, ang araw ay unti-unting lumilim ng kaunti sa labas ng bintana, ngunit biglang kumislap ang tiyan ni Karah. Hindi niya napansin na alas tres na pala ng hapon at oras na ng meryenda. Kinuha niya ang kanyang blusa at isinuot ito sa labas ng kanyang pambahay bago bumaba ng hagdan. Diretso siya sa Dinning Room, na agad niyang natagpuan na maayos na inayos ang mga mesa. "Manang Martha!" tawag niya, at agad namang lumabas ang matandang tagapag-alaga mula sa kusina na may malaking ngiti. "Uy, baby Karah! Kanina pa kita hinihintay dito – gutom ka na siguro no? Heto, ipinagluluto kita ng iyong paboritong maja blanca na may keso sa ibabaw. Binili ko rin kanina ng sariwa ang puto bumbong para sa'yo!" Masiglang sabi ni Aling Martha habang mabilis na naglalagay ng plato at kutsara sa mesa. Habang naghahanda si Manang Martha ng pagkain, umupo si Karah sa kanyang paboritong upuan sa tabi ng bintana. Nakikita niya ang mga tauhang naglilinis sa hardin, at bigla siyang nagsalita. "Manang... umalis na po ba yung bisita ni Ninong?" Tumigil si Aling Martha sa paglalagay ng pagkain at tumingin sa kanya ng maunawain. "Umuwi na pala agad si Miss Jewel kanina bago pa mag-alas dos. Hindi raw ito pumasa sa Ninong Brix mo, baby. Sabi ng Ninong mo, 'Mabait nga siya at maganda, pero hindi niya ako makakasama habambuhay – nakikita kong hindi niya kayang intindihin ang mga responsibilidad at panganib na kasama ng buhay na aking tinatakbo.'" Ang wika ni Aling Martha sa sinabi ng kanyang Ninong. Napatigil si Karah sa pagkuha ng kutsara. "Talaga po? Hindi po talaga siya nagustuhan ni Ninong?" tanong niya ulit, para bang hindi makapaniwala. "Yes, Karah, mapili talaga si Don Brixton. Sabi pa nga ni Marco, medyo nabigla raw si Miss Jewel ng marinig iyon pero maayos naman itong nagpaalam pagkatapos ng usapan nila. Binigyan pa nga siya ng maliit na regalo ni Don Brix bago umalis – isang mamahaling alahas mula sa Canada. Umuwi na ito kaagad kasama ang kanyang driver, at sinabi pa ni Don Brix na huwag munang magdala ng ibang babae ngayon – gusto niya munang magpahinga at mag-isip." Dagdag pa ni Aling Martha. Hindi alam ni Karah kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kagalakan na parang tumalon ang puso niya. Mabilis niyang kinuha ang isang piraso ng puto bumbong at kinain ito ng mabilis. "Hindi ako dapat masaya nito! Dapat ay nalulungkot ako para sa Ninong ko na gustong magkaroon ng asawa..." Sigaw ng isipan niya. Pero sa totoo lang, ramdam niya ang pagpapahinga ng kanyang dibdib – parang isang mabigat na bato ang nawala sa kanyang balikat. Habang kinakain ang masarap na meryenda, biglang pumasok sa Dinning Room si Don Brixton. Nakita niya si Karah at ngumiti ng malambing. "Magandang hapon po, Ninong!" Masayang bati niya. "Baby, you're hungry? Why didn't you tell Manang Martha right away so she could prepare food for you immediately?" tanong nito nang mapansing tila gutom na gutom siyang kumain sa kanyang meryenda habang umupo sa tabi ng dalagita. "Okay lang po ako, Ninong," sagot naman gad ni Karah. Tumingin si Don Brix sa mga gamit na dala niya mula sa kwarto – nakita ang mga kartolina at pintura. Dinala nalang kasi niya dahil sa living room na niya mamaya tapusin ito. "Do you need help, baby?" Seryosong tanong nito sa kanya sabay ngumiti ng kunti kay Karah. Napakabait at napakabuti ng Ninong niya sa kanya. "Hindi na po, Ninong. Kaya ko na po ito. Salamat nalang po," sagot ni Karah na may bahid ng ngiti sa labas, ngunit may kakaibang init sa kanyang dibdib na hindi niya maipaliwanag. Nais sanang magtanong si Karah kung bakit hindi nito nagustuhan si Miss Jewel na sobrang ganda naman, ngunit nahihiya lang siya at baka isipin pa ng kanyang Ninong na interesado siya sa usapan. Tumikhim na lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain. "Kape nalang sa akin, Manang Martha, sabayan ko nalang si Baby Karah sa meryenda niya." Utos ni Don Brixton kay Aling Martha. "Yes Don," Habang kumain si Karah ay biglang muling nagsalita ang kanyang Ninong Brix. "Baby, okay lang ba sa'yo na mag-aasawa ang Ninong Brixton mo, hmm?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD