CHAPTER 8

1213 Words
Hindi nakasagot agad si Karah sa tanong ng kanyang Ninong Brix. Nanlaki pa ang kanyang mga mata at bahagyang napayuko, parang hindi niya inasahang itatanong iyon ng kanyang Ninong. Ngunit bago pa man siya makapagsalita, ngumiti muli ito sa kanya at tumikhim ng mahinahon. "Baby, I'm not forcing you to answer me right away. I just want to know if you're okay with it... if you're ready to share our life with me when I find someone new," sabi ni Don Brixton habang mahinahong tinitingnan ang mukha ng dalagita. Huminga ng malalim si Karah bago dahan-dahang tumingin sa kanyang Ninong. Kinakabahan man siya, sinikap niyang magmukhang maayos habang nagsasalita. "Okay lang naman po. Dapat na rin po kayong mag-asawa – sa edad niyong 30 na at hindi naman po mabuti na mag-isa lang kayo sa buhay," sabi niya, ngunit may bahid ng kalungkutan sa boses. "Sana lang po... sana lang po hindi magbago ang kabaitan ninyo sa akin, Ninong kapag may pamilya na po kayo na sariling dugo at laman niyo, hindi tulad ko na inampon niyo lang ngayon. Baka po hindi ako magugustuhan ng asawa ninyo, o baka po kalimutan niyo na ako." Di na mapigilang sabi ni Karah. Natigilan naman si Don Brix sa narinig mula sa dalagitang inaanak. At napangiti sabay hinawakan ang kamay ni Karah. "Hindi ka naman mapapalitan, baby. Kahit na mag-asawa ako, mananatili kang espesyal sa akin – ikaw pa rin ang baby kong inaalagaan at pinoprotektahan," sabi niya habang marahan na hinahaplos ang kamay ng dalagita. "And if she doesn't like you, then that just means she's not the right woman for me – or for my future kids." Ang sabi nito. Naramdaman ni Karah na bumagal ang t***k ng kanyang puso sa sinabi ng kanyang Ninong. Ngumiti siya ng maliit at tumikhim bago kumuha ng isa pang piraso ng puto bumbong. "Salamat po, Ninong. Kung ganoon po, sige po... boto po ako na mag-asawa na kayo. Basta po huwag ninyo akong kalilimutan," ulit niya, at sa pagkakataong iyon ay naramdaman niyang handa na siyang tanggapin ang anumang mangyari. "Kaya lang ay mahirap talagang hanapin muli ang babaeng magustuhan ko, kaya siguro ay matagal pa akong makapag-asawa baby Karah," Ani Don Brix sa dalagita. "Ahh, ganun po ba, Ninong, hayaan niyo po darating din ang babaeng magustuhan mo ulit, Ninong." Sabi naman ni Karah. Ngayon ay tumahimik sila ng ilang sandali, hanggang sa dumating si Aling Martha na may dalang mainit na kape para kay Don Brixton. Inilalagay nito ang tasa sa mesa at ngumiti sa kanilang dalawa. "Don Brix, handa na rin po ang mga pagkain para sa hapunan mamaya. Gusto ninyo po bang ipagluto ko na lang muna ang paboritong ulam ni Karah?" tanong ni Aling Martha. "Basta okay lang kay Baby Karah, sige lang Manang Martha," sagot ni Don Brixton habang tumitingin sa dalagita. "Baby, gutom ka na ba ng rice?" "Hindi pa po ako gutom, Ninong. Tatapusin ko na lang po muna ang poster ko sa living room bago ako kumain," sagot ni Karah habang nag-aayos na ng kanyang mga gamit at tinapos na ang meryenda. "Baka po kailanganin ko pa ng tulong mamaya kung hindi ko maipinta ng maayos ang mga detalye." "Okay lang, baby," sabi ni Don Brixton habang tumatayo na bitbit ang isang tasang kape nito. "Alright, I'm heading to my office now to finish up some paperwork. Don't forget to eat properly, okay?" Paalam ni Don Brix. Gusto sana niyang kumain ng meryenda pero naisip niyang may gagawin pa pala siya sa office room niya. Tumango naman si Karah at kinuha na ang kanyang mga kartolina at pintura. Bago siya umalis ng Dinning Room, lumingon siya para tingnan ang kanyang Ninong na papunta na sa opisina. Isang kakaibang damdamin ang bumalot sa kanya – mix ng kagalakan, kalungkutan, at pag-aalala para sa kinabukasan niya kasama si Ninong Brix. "Sana po talaga ay mahanap ni Ninong ang tamang babae para sa kanya," iniisip niya habang naglalakad patungo sa living room. "At sana ay hindi ako mawawala sa puso niya kahit na may iba na siyang mahal." Pagdating sa living room, inayos niya ang kanyang mga gamit sa malaking mesa sa tabi ng bintana. Sinimulan niyang ulitin ang poster – ngayon ay mas maingat na niya itong kinukulayan, binibigyang-pansin ang mga detalye ng mga sinaunang bahay sa Cebu. Habang nagpipinta, hindi niya mapigilan ang isip na bumabalik sa tanong ng kanyang Ninong... at sa kakaibang init na naramdaman niya sa dibdib noong hawakan siya nito sa kamay. ____ Lumipas ang apat na taon nang mabilis. Ang dating dalagitang si Karah ay naging isang magandang dalaga na – may mahabang buhok na kayumangging-kapel, matikas na pangangatawan, at mga mata na mas lalong naging matingkad sa mga taon na lumipas, lumitaw ang kanyang pagiging mestisa sa kanyang paglaki, mas lalo siyang pumuti na may matangos na ilong at katamtamang shape ng mukha na ala Julia Barretto ang mukha. Sa isang linggo na lamang ay ipagdiriwang na niya ang kanyang ika-18 na kaarawan, at hindi ito isang simpleng pagdiriwang. Pinaghandaan ng buong Valerioso Palace ang kanyang debut party. Mga magagarang dekorasyon ang inayos sa bawat sulok ng palasyo – mula sa Hall of Valor hanggang sa malawak na hardin, puno ng mga bulaklak at ilaw na kumikislap. Si Don Brixton, na ngayon ay 34 taong gulang na, ay personal na namamahala sa lahat ng detalye ng pagdiriwang – mula sa menu ng pagkain hanggang sa mga musikero na kanyang inanyayahan. "Don't worry about a thing, baby. Just make sure you look beautiful and have fun on that day," paulit-ulit na sinasabi ni Don Brix sa kanya tuwing makikita niyang nag-aalala si Karah sa mga paghahanda. Sa kabila ng kagalakan para sa kanyang kaarawan, hindi pa rin mawawala sa isip ni Karah ang mga tunay na magulang niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang mga pumatay sa kanila, ngunit naririnig niya mula kay Aling Martha na patuloy pa ring ipinahanap ni Don Brixton. "Malapit na, baby Karah – siguradong mahuhuli rin ang mga salarin na iyan. Hindi titigilan ni Don Brix hanggang hindi sila makukulong," sabi ni Aling Martha isang araw habang sila ay nag-aayos ng mga damit para sa debut. Napakasaya at excited na rin ng matandang tagapag-alaga. Mula pa noong bata pa si Karah ay inaalagaan na niya ito, at para na rin siyang tunay na ina sa dalaga. Habang nakatingin si Karah sa malawak na hardin na inaayos na para sa kanyang party, bigla siyang napangiti. Isang dekada na rin pala mula nang makuha siya ni Don Brix at dalhin sa palasyo. Sa mga taong iyon, hindi siya naramdaman na labis o iba – itinuturing siya ng lahat bilang tunay na miyembro ng pamilyang Valerioso. Ngunit habang mas lalapit ang kanyang kaarawan, lalong lumalakas ang kakaibang damdamin na naramdaman niya noong siya ay 14 pa lamang – isang damdaming hindi niya maipaliwanag, na lalong lumalakas tuwing nakikita niya ang kanyang Ninong Brix na nakangiti sa kanya. Hindi na rin narinig ni Karah na naghahanap ng babae ang kanyang Ninong para pakasalan nito. Ngayong dalaga na siya ay naiintindihan na talaga niya na dapat din na merong kasama ito bilang asawa sa buhay nito at isa pa rin ang hiling niya na mabait lang sana ang mapapangasawa ng kanyang Ninong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD