CHAPTER 9

1606 Words
Iniisip na rin talaga niya na tunay na pamilya niya ang kanyang Ninong Brix simula noong gabing pinaslang ang kanyang mga magulang ng mga taong hindi pa alam ang motibo. Akala niya noon ay nawala na ang lahat sa kanya, mabuti na lang at nariyan pa ang kanyang Ninong Brix na nagmamalasakit sa kanya—kahit isa itong mapanganib na Mafia Boss ay magaan na rin ang loob niya rito paglipas ng limang taon dahil sa kabaitan at lambing na ipinadama sa kanya ng kanyang Ninong. Ngayong maglalabing-walong taong gulang na siya at ganap nang dalaga ay alam niyang nagmatured na rin ang kanyang buong isipan, at binibilang na niyang bahagi na siya sa buhay ni Don Brixton bilang tumatayong ama niya. Kahit sobrang bait nito sa kanya, hindi rin siya umaabuso. Natatakot pa rin siya dahil alam niyang malupit ito at hindi naaawa sa mga taong nagtraidor rito. Maraming nagsasabi na sa kanya lang mabait at malambing ang kanyang Ninong, at lahat ay nag-iingat pa rin rito bilang pinuno ng Imperyong Valerioso – mahigpit talaga ito at walang awa sa sinumang makasagabal sa mga plano nito. ____ Ang bilis talaga ng panahon, at bukas na ang ika-18 kaarawan ni Karah na pinaghandaan talaga ng kanyang Ninong Brix. Sa mga sandaling iyon ay kararating lang niya nang tanghaling iyon mula sa pagsho-shopping kasama ang kanyang body guard, na kahit ayaw niya ay gusto talaga ng Ninong niya na may bodyguard siya. Pagdating niya ay tinanong niya agad ang isa sa mga tauhan ng kanyang Ninong na nasalubong niya kung nasaan ito. "Ahh, Kuya Marco, nasaan po si Ninong? Wala kasi sa kwarto niya," tanong ni Karah. "Nasa Valerioso Library, Ma'am," sagot ni Marco, na siyang tinatawag na Marco "The Blade" Dela Cruz—ang right-hand man ng kanyang Ninong Brix na kilala sa mabilis at tumpak na pagkilos, nagbabantay sa seguridad ng organisasyon at nangangasiwa sa mga operasyon sa lupa. "Ahhh, okay po, thank you Kuya Marco," sabi niya rito at ngumiti. Ang Valerioso library na lagi niyang tinatambayan ay isang malawak at tahimik na silid na puno ng mga aklat, mga dokumento ng clan, at mga antigong gamit mula sa Italya. Bagama't para sa pagbabasa at pag-aaral, ginagamit din ito ni Don Brixton para kausapin ang mga pinagkakatiwalaang tauhan. Pero sa pagkakataong iyon ay di naman niya alam na may kausap pala ang Ninong niya sa loob. Nagmamadali namang nagtungo si Karah roon okay, at pagdating niya sa pinto ay kakatok na sana siya nang may narinig siyang mga ungol mula sa loob. At narinig niya ang tinig ng isang babae. Kinabahan pa siya at naging curious kung ano ang nangyayari sa loob ng library, kaya hindi niya napigilang mahinang buksan ang pintuan at sumilip—buti na lang at hindi pala naka-lock. Laking gulat naman niya nang makita ang eksena sa loob—ang kanyang Ninong Brix at si Miss Fiona Reyes – ang tagapayo at financial advisor ni Brix na may hawak sa lahat ng transaksyon at estratehiya ng negosyo, walang isang detalye ang kanyang binabalewala. Matagal na siyang naglilingkod sa Valerioso clan. Isang malaswang eksena ang kanyang nakikita na sa buong buhay niya ay ngayon pa lang niya nakita! "Ohhh!! Love it, yeahh, Brix! uhhghhh!!" ungol at ingay ni Miss Fiona Reyes habang napapaliyad dahil sa ginawang atake ng kanyang Ninong Brix. Namula si Karah at umatras na pinagpawisan. At mabilis siyang nagtatakbo palayo sa Valerioso library. Ang pangit ng eksena, ang laswa. Para siyang pinanginigan sa kanyang nakita! May lihim na relasyon pala ang kanyang Ninong at ang financial advisor nito na si Miss Fiona Reyes? Hindi na nagtangka pang kausapin ni Karah ang kanyang Ninong Brix dahil pati siya ay naging masama at madumi na ang kanyang iniisip sa kanyang nakita kanina. Hindi nakatulog si Karah sa kanyang mga nakitang eksena kanina. Kinabukasan ay debut na ni Karah Isabelle, naging ganap na siyang dalaga sa kanyang ika-18 kaarawan ng araw na iyon. "Handa na ba kayo, iha?" tanong ni Aling Marta sa alaga niyang naging ganap ng dalaga sa araw na iyon. Ngumiti si Karah sa salamin habang hinihimas ni Aling Marta ang huling bahagi ng kanyang buhok na inayos nang maayos. Bumungad sa kanya ang mukha ng isang dalagang puno ng kagandahan – ang mga mata niyang dating puno ng luha ay ngayon ay may lakas ng loob, habang ang kanyang tangos na ilong at mala-perlas na balat ay nagbibigay-diin sa kanyang kakaibang ganda na parang binibigyang-diin pa ng liwanag ng buwan. Ngayong araw ay ipagdiriwang niya ang kanyang ika-18 kaarawan sa Grand Valerioso Palace. Ang buong lugar ay inayos nang napakaganda – puno ng mga bulaklak na kanyang paboritong rosas, mga ilaw na kumikislap, at ang mga tauhan ng clan na naghahanda para sa isang malaking handaan. "Kailangan na nating bumaba, hinihintay ka na ng lahat – lalo na si Don Brixton," sabi ni Aling Marta sa kanya. Muling tumingin si Karah sa sarili sa salamin, hawak ang dulo ng kanyang puting damit na gawa sa pinakamahalagang tela. Sa limang taon na kasama niya si Ninong Brix, natutunan niya ang maraming bagay – mula sa pagpapatakbo ng mga negosyo hanggang sa pagiging matatag sa gitna ng kahirapan. Ngunit sa lahat ng iyon, hindi niya inakala na darating ang araw na makikita niya ang sarili bilang isang ganap na babae. Nang pumasok sila sa malaking silid ng pagdiriwang, ang lahat ay tumikhim. Ang mga bisita ay napatingin sa kanya na puno ng paghanga – ngunit ang tingin na pinaka-napapansin niya ay ang mula sa kanyang Ninong Brix, na nakatayo sa dulo ng malawak na hagdan. Si Don Brixton Valerioso ay tila hindi makapaniwalang nakatingin ngayon sa kanya – ang batang babae na dati niyang inaalalayan at pinoprotektahan ay ngayon ay isang dalagang napakaganda, na parang isang mahalagang hiyas na unti-unting lumalabas sa kanyang kagandahan. Mula sa kanyang mga mata ay makikita ang pagmamahal ng isang tunay na ama, kasama ng pagkamangha sa kung gaano karaming ganda ang lumabas sa batang babae na itinuturing na niyang sariling anak. "You've truly grown up, baby," bulong ni Don Brixton nang makalapit na si Karah rito, habang ang mga mata nito ay hindi umaalis sa magandang mukha ng dalaga. "You look absolutely beautiful tonight my baby," dagdag pa nito sa kanya na kahit nakangiti ay makikita pa rin ang katapangan sa mukha ng kanyang Ninong. Namula si Karah ng bahagya, ngunit may ngiti sa labi habang nakatingin sa kanyang Ninong – ang lalaking naging tahanan at lakas ng loob niya mula noong mawala ang kanyang mga magulang. Ngayong araw ay hindi lamang siya nagdadalaga – ito rin ang araw na gusto niyang simulan ang pag-alam sa mga lihim ng Imperyong Valerioso. Ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya makalimutan ang eksena kahapon kasama nito at ang financial advisor nito. Sobrang gwapo din kasi ng Ninong niya at hindi maipagtatakang magkagusto rito ang financial advisor nito o kahit sinong babae. Ilang beses na niyang narinig mula pa noon na may mga babae din ang Ninong niya, at hindi na ito seryoso sa isang relasyon simula nang mabigo ito sa unang babaeng minahal nito. Masaya ang buong handaan – maraming bisita ang kanyang inimbita, kadalasan ay mga kaklase, kabilang ang ilang binatang kaibigan niya. Sa gitna ng party ay lagi niyang napapansin ang mga titig ng kanyang Ninong Brixton sa kanya habang ito ay kausap at kainuman ang mga tauhan. Ang kanyang unang dance ay si Kenneth—ang kanyang kaklase ngayon sa kolehiyo, at ang kanyang last dance naman ay ang kanyang Ninong Brix. Medyo mahigpit ang pagkakayapos nito sa kanyang baywang at sobrang lapit na ng mukha nito sa kanyang mukha. "Ngayong dalaga ka na, Baby, isa lang ang hihilingin ko," halos pabulong na wika nito sa kanya. "A-ano po 'yan, Ninong?" "I don't want you to get into a relationship or have a boyfriend right now. Focus on your studies and finish school first, okay?" wika nito habang nakatitig sa kanyang mukha. "Yes, Ninong. Wala pa sa isip ko ang pagboboyfriend," tugon naman niya rito. "That's good, baby." Pagkatapos ng programa sa kanyang ika-18 kaarawan ay masayang nagsasayawan ang iba at nagkainan. Masayang-masaya ang lahat at halatang nag-enjoy ang lahat ng bisita, pati na si Karah. Masaya siya habang kasama ang kanyang mga kaklase na kumain at uminom sa mahabang table. Pagkatapos ng party ay nagsiuwian na ang mga bisita, pati na ang lahat ng bisita ni Karah. Kaya nais na rin ni Karah na magpahinga. Napansin niya rin na wala na ang kanyang Ninong at ang ibang mga tauhan nito, at kaunti na lang ang mga tauhan doon na nag-iinuman at nagsasayawan. Nagpasya na rin si Karah na magpahinga kaya pumasok na siya sa loob. Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang may biglang magsalita sa kanyang likuran. "Before you go to rest, let me greet you privately first, baby," nakangiting sabi ng kanyang Ninong sa kanya. Nabigla pa si Karah at napalingon sa kanyang Ninong. Hindi maintindihan ni Karah ang naramdaman—parang may kakaibang kilos ngayon ang kanyang Ninong Brix habang nakatitig sa kanya at halatang lasing ito dahil sa dami ng nainom nito. "N-ninong! Akala ko po ay tulog na kayo?" "Hindi pa, baby, hinintay kita. May gusto lang akong iregalo sa'yo at i-greet ka na tayong dalawa lang," sabi nito na halata nang lasing. "A-ano po 'yan, Ninong?" nautal na tanong niya habang humakbang ito palapit sa kanya. "Happy birthday, baby," wika nito sabay hila sa kanya at mariin siyang hinalikan sa labi! Parang tumigil ang mundo ni Karah sa labis na pagkagulat nang lumapat ang labi ng kanyang Ninong sa kanyang labi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD