CHAPTER 2

1710 Words
Ang buong lugar ay tahimik at maaliwalas—mga dalampasigan ng puting rosas at mga halamang pang-dekorasyon ang nakapalibot sa bawat puntod, habang ang mga makakapal na punong kahoy ay nagbibigay ng lilim sa mga daanan na gawa sa makintab na granite. Sa gitna ng dalawang bagong itinayong puntod na gawa sa puting marmol, nakaluhod si Karah sa magkabilang tuhod. Ang kanyang kamay ay mahigpit na hawak ang isang bouquet ng mga puting rosas na binigay sa kanya ni Don Brixton, at ang mga luha ay tuloy-tuloy na umaagos sa kanyang mga pisngi. Ang kanyang damit na itim na evening gown ay tila hindi umangkop sa kanyang maliit na pangangatawan, ngunit ipinagmalaki niya ito bilang paggalang sa kanyang mga magulang. "Mommy... Daddy... Hindi po ako makakapaniwala na hindi ko na kayo makikita ulit..." sambit niya, ang boses ay nanginginig at puno ng sakit. Sa isang tahimik na sulok malapit sa puntod, nakatayo si Don Brixton Valerioso—nakasuot siya ng mamahaling itim na tuxedo. Nakasuot siya ng shade kaya di malalaman kung saan ito nakatingin, ngunit nasa dalagitang si Karah pala ito nakatingin. Sa kanyang likuran naman, ang mga tauhan niya mula sa "Guardians of Valerioso" ay nakatayo sa tuwid na hanay—lahat ay nakaayos ng maayos sa kanilang itim na uniporme. Ang kanilang mga mata ay laging alerto, sinusubaybayan ang bawat sulok ng sementeryo, ngunit hindi sila gumagawa ng ingay o gumagalaw nang hindi kinakailangan. Ang ilan ay may hawak na mga walkie-talkie, habang ang iba naman ay tahimik na nakatayo bilang mga tagapagtanggol. Habang patuloy na umiiyak si Karah, naramdaman ni Don Brixton ang bigat sa kanyang dibdib. Sandali niyang ibinaba ang kanyang tingin sa kanyang mga kamay na nakacross sa kanyang dibdib, bago muling tumingin sa bata. Sa kanyang mga mata, makikita ang isang kurot ng sakit—isang alaala ng mga araw na tinulungan siya ng mag-asawang Santillan nang walang anumang hinihinging kapalit. "Don, lahat na po ay handa na para sa huling bahagi ng seremonya," mahinang sabi ng kanyang right hand na pinagkakatiwalaang si Marco na lumapit sa kanya. Tumango si Don Brixton nang hindi iniiwan ang tingin kay Karah. "Hayaan muna natin siyang makapagluksa ng ilang minuto pa," mariin niyang sagot. "Hindi natin maaaring pilitin siyang tapusin ito kung hindi pa siya handa." Ang sementeryo ay muli nang bumalik sa tahimikan, maliban na lamang sa mahinang hikbi ni Karah at sa banayad na tunog ng hangin na dumadaan sa mga dahon ng mga puno. Ang dalawang kabaong na gawa sa pinakamahusay na kahoy ay nakahanda na sa ilalim ng isang simpleng ngunit magarang canopy ng puting tela—handang ilagay sa kanilang permanenteng lugar sa Valerioso Heritage Cemetery. At sa lahat ng ito, ang presensya ni Don Brixton ay parang isang matibay na dingding—laging nandoon para protektahan si Karah, kahit na sa mga sandaling pinakamahirap nito. Pagkaraan ng ilang minuto. Habang ang mga tauhan ay tahimik na nagsimulang ilipat ang dalawang kabaong patungo sa mga inihandang hukay na pinalamutian ng puting tela at mga bulaklak, mas lalong tumindi ang pag-iyak ni Karah. Inabot siya ni Don Brixton ng isang mainit na kumot, at dahan-dahang hinaplos ang kanyang balikat. "Oras na para ibigay na natin sila sa kanilang huling tahanan, baby," mahinang sabi niya. Ang sikat ng araw ay unti-unting bumababa na sa kalangitan, ngunit ang buong sementeryo ay maliwanag pa rin sa liwanag nito. Habang unti-unting ibinaba ang mga kabaong sa lupa, naririnig lamang ang mahinang tugtog ng piano mula sa isang maliit na banda na inayos ni Don Brixton. Ang mga bisita—mga kaibigan ng pamilya Santillan at ilang miyembro ng Valerioso clan—ay tahimik na nakatayo sa paligid, ang mga ulo ay nakayuko bilang paggalang. Lumapit si Don Brixton sa puntod at inilagay ang isang bouquet ng pulang rosas sa tabi ng mga puting bulaklak ni Karah. Pagkatapos ay hinawakan niya ang balikat ng bata at hinarap siya. "Karah," simula niya, ang boses ay matapang ngunit puno ng pagmamahal. "Ang iyong mga magulang ay dalawang napakabuting tao. Tinulungan nila ako nang walang anumang hinihinging kapalit, at ginawa nila akong bahagi ng kanilang pamilya. Hindi ko makakalimutan iyon." Nanginginig na tumango si Karah, habang pinupunasan ang kanyang mga luha gamit ang manggas ng kanyang damit. "At ngayon, ipinapangako ko sa'yo," dagdag ni Don Brixton, ang mga mata niya ay nagsisilbing apoy ng determinasyon. "I will not let those responsible get away with justice. I will find them wherever they hide – in any corner of the world. Ipaparating ko sa kanila ang hatol na nararapat sa kanila para sa kasamaan na kanilang ginawa sa mga taong mahalaga sa akin." Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ni Karah. "You won't be alone anymore, baby. From now on, I will stand as your parent. I will take care of you, fight for you, and give you the justice your parents deserve. This is my promise to you, and I will not let you down." Dagdag ni Don Brixton. Muli nang humagulgol si Karah, ngunit ngayon ay may bahid ng kapanatagan sa kanyang mga hikbi. Yakap niya si Don Brixton ng mahigpit, habang ang araw ay dahan-dahang lumulubog sa likod ng mga puno ng sementeryo—naglalagay ng dilaw at pula na liwanag sa buong lugar bilang huling pagbibigay-pugay sa mag-asawang Santillan. Pagkalipas ng isang buwan buhat nang mailibing na ang mga magulang ni Karah ay di parin bumalik ang sigla ni Karah. Hindi naging madali ang lahat para sa kanya ang nangyari na basta nalang kalimutan. Lagi lang siyang nagkukulong sa kanyang kwarto at natigil pa siya sa kanyang pag-aaral dahil wala talaga siyang lakas o gana na papasok sa paaralan pagkatapos sa nangyari sa kanyang mga magulang. Nag-iisang anak pa naman siya at wala siyang kapatid kaya naiwan talaga siyang mag-isa nalang sa buhay. Mabuti nalang at may Ninong pa siyang handang magpaka ama sa kanya. Isang umaga, Isang umaga, nais ni Karah na lumabas agad ng kanyang kwarto. Gusto niyang lalanghap ng fresh na hangin at hanapin ang tahimik na lugar sa palasyong ito na minsan niya nang nakita – isang maliit na hardin sa tabi ng isang matataas na gusali. Ngunit sa paglalakad niya ay nagkamali siya ng daan, napadpad siya sa isang makitid na pasilyo na puno ng mga berdeng kurtina at mga makakapal na pader. Hindi niya alam na ito ang daanan patungo sa isa sa mga pinaka-sekretong lugar ng Grand Valerioso Palace – ang silid kung saan pinaparusahan ni Don Brixton ang mga taong nagtataksil sa kanyang clan. Naririnig niya ang isang mahinang ingay mula sa isang pinto sa dulo ng pasilyo – parang pagmumura at mahinang sigaw. Sa kuryosidad at takot, dahan-dahan siyang lumapit at sinilip sa maliit na siwang ng pinto. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. Sa loob ng malawak na silid na gawa sa makapal na bakal at kongkreto, nakita niya si Don Brixton na nakatayo sa gitna kasama ang ilan sa mga Guardians. Harap-harapan niyang nakikita ang isang lalaking nakaposas sa isang metal na upuan – ang mukha nito ay puno ng takot at pagkamuhi. Isang tauhan ni Don Brixton ang nakatayo sa tabi ng lalaki, at bago pa niya maintindihan ang nangyayari, narinig niya ang isang putok ng baril. Ang lalaki ay biglang bumagsak sa sahig. "Isa ka pang traydor! Sinabi ko na sa inyo – walang sinumang makakalaya sa parusa kapag inabuso ninyo ang aking tiwala!" mariing sigaw ni Don Brixton, ang boses niya ay ibang-iba sa karaniwang mainit at maalaga niyang tono. "Hindi... hindi ito totoo!" bulalas ni Karah, ang kanyang boses ay napakalakas na hindi niya napigilan. Mabilis siyang tumalikod at nagsimulang tumakbo palabas ng pasilyo, ang kanyang mga paa ay nanginginig at parang hindi na niya makontrol ang kanyang mga galaw. Ang mga larawan ng nakita niya ay paulit-ulit na dumadaan sa kanyang isip – ang dugo, ang galit sa mukha ni Don Brixton, at ang katawan ng lalaking hindi na gumagalaw. Hindi pa siya halos maka move on sa nangyari sa kanyang mga magulang pero heto may nakita na naman siyang hindi maganda. "Karah! wait!" narinig niya ang sigaw ni Don Brixton mula sa likuran. Mabilis na hinabol siya ng mga paa nito, at bago pa siya makarating sa dulo ng pasilyo, hinawakan na ni Don Brixton ang kanyang braso. "Huwag niyo akong hawakan!" sigaw ni Karah, itinutulak niya ang kamay ng kanyang Ninong habang ang mga luha ay muli nang tumutulo. "Bakit... bakit ninyo ginawa 'yon? Ninong Brix... ikaw pa naman..." Dahan-dahan na hinawakan ni Don Brixton si Karah sa mga balikat, tinitingnan siya ng mga mata niyang nakatago pa rin sa ilalim ng kanyang salamin pangmata. "Take a breath first, baby. Let me explain this to you." mariin ngunit mahinahon niyang sabi. Inalalayan niya si Karah na maupo sa isang malambot na upuan sa tabi ng pader, habang ang mga Guardians ay tahimik na umatras para bigyan sila ng espasyo. "Ang lalaking iyon ay si Roberto – isa sa aking pinagkakatiwalaang tauhan sa loob ng tatlong taon," simula ni Don Brixton. "Ngunit hindi ko inakala na ibebenta niya ako sa kalaban kong organisasyon – ibibigay niya ang mga lihim na lokasyon ng aming mga base para sa malaking halaga ng pera. Kung hindi siya nahuli ng mga Guardians, marami pang buhay ang mawawala – siguradong isa ka na kasama doon." Tumingin siya diretso kay Karah, tinatanggal ang kanyang salamin pangmata para makita ng bata ang tunay na emosyon sa kanyang mga mata. "Ganito talaga ang kahihinatnan ng sinumang lalabag sa aking mga batas, lalo na kung sila ay magtraidor. Hindi ko ginusto itong gawin, ngunit kailangan kong gawin ito para protektahan kayo – para protektahan ka, baby. Hindi ako makakapayag na may masaktan pa sa mga taong mahalaga sa akin, lalo na't ikaw na lang ang natitira sa akin mula sa pamilyang Santillan." Namutla pa rin si Karah, ang kanyang mga kamay ay nakayakap pa rin sa kanyang sariling dibdib. Hinawakan siya ni Don Brixton ng mahigpit sa yakap, ngunit makikita sa kanyang mga mata ang takot at pagkalito. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman – ang Ninong Brix na kanyang kilala ay mapagmahal at protektibo, ngunit ang lalaking nakita niya kanina ay isang taong puno ng lakas at determinasyon na handang gumawa ng anumang bagay para sa hustisya at proteksyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD