"IKAW BA Dominic ay kumakain ng daing na galunggong?" tanong ng inay ni Gianna kay Dominic. Nasa harap hapagkainan sila kasama ang buong pamilya niya. "Oo naman po. Hindi naman po ako maselan sa pagkain," magalang na sagot nito. Lihim na napangiti si Gianna. Magaling makisama itong si Dominic. "Eh, sa nakikita ko kasi sa'yo para kang ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig," dagdag pa nito. Kita ang pagka-asiwa ng mukha ni Dominic dahil na rin sa buong pamilya niya ang nakatingin dito. "Hindi naman po." "Sus! Kuya, kanina pa kita tinitignan. Pilit kong inaalala kung saan kita nakita," sabad ni Joel. "Nakita kita doon sa magazine na binabasa nang nililigawan ko. Na-feature kayo dun. 'The Billionaire Heartthrobs' pa nga ang title nun. Ibig sabihin sobrang yaman mo," manghang pagpapa

