Pilit kong kinukumbinsi ang sarili na kumain upang makainom ako ng gamot at makapagpahinga pagkatapos. Wala kasi akong gana kahit na wala pang laman ang tiyan ko at malapit nang magtanghali. Paano ba naman kasi wala akong panlasa at masakit ang lalamunan ko tuwing lumulunok o nagsasalita. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. "Konti na lang... dagdagan mo para hindi lumala ang pakiramdam mo," malumanay na udyok sa'kin ni Marco tuwing napapahinto ako sa pagsubo ng in-order niyang lugaw. Talo niya pa ang nanay na binabantayan ang anak habang kumakain. Kulang na nga lang ay susubuan na niya ako. "Ayaw mong tumawag ako ng doktor, 'di ba?" pahabol niya pang tanong. Simpleng pananakot din itong ginagawa niya. Gusto siyang samaan ng tingin pero maging iyon ay nakakapagod gawin kaya tinuloy ko na

