chapter 57

1586 Words

"Hindi ba pwedeng pag-usapan muna ninyo ito para—" "Hindi!" matigas kong putol sa pagsasalita ni Xolani. Tumayo ako mula pagkakaupo at pabagsak na inilapag sa mesa ang naka-charge kong cellphone. Napakurap-kurap naman si Xolani na napatitig sa'kin. Siguro ay nagulat siya sa tonong ginamit ko. "Karlee, pamilya mo ang pinag-uusapan natin dito," mahinahon niyang paalala sa'kin. "Pwede kang magalit kay Jazriel dahil sa pagpapanggap nito bilang Yudz, pero hindi pwedeng dahil doon ay magalit ka maging sa mga kamag-anak mo." "Hindi naman ako galit sa kanilang lahat," malamig kong sagot. "Pero ayoko nang magkaroon ng koneksiyon sa kanila. Sana nga ay hindi na lang ako isinilang bilang Carson." "Karlee!" pasinghap na sambit ng pamilyar na boses ni Mommy mula sa pintuan. Agad akong napalingon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD