Tatlong araw na ang lumipas simula ng mag-usap sila ni Mikael tungkol sa pagiging reyna niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakapag desisyon si Adelaide upang tanggapin ang gusto nitong mangyari. Naging maayos na ang pakiramdam siya simula ng bigyan siya ng gamot pampakalma ng lalaki. Naging madalas na rin ang pag-alis ni Alistair. Nagkaroon na rin ng takot si Adelaide na lumabas pa ng mansion. Kaya madalas dito lamang siya sa hardin upang panoorin ang mga puno na nagsasayaw sa hangin. "Hindi ka ba sasama sa pagsundo sa anak mo?" Tanong ni Lucky sa kanya. Umiling siya bilang sagot dahil wala pa siyang lakas ng loob upang tumapak sa labas. "Kung tungkol na naman ito sa nangyari noon. Sana kalimutan mo na ang tungkol sa bagay na iyon. Dahil alam mo sa sarili mo na kailangan mo ng m

