"Maging Queen niyo? Nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo ba magandang kalokohan itong sinasabi mo sa akin ngayon? Bakit ako papayag na maging parte ng mundo niyo! Hindi ko kayang pumatay!" "Kaya naman ikaw ang papatayin nila kapag naging maluwag ka. Alam kong bago sayo ang lahat ng ito pero isipin mo na ikaw na ngayon si Adeline. Kaya sa tingin mo maniniwala pa sila na hindi ikaw ang tunay na asawa ni San Diego? Hindi." "Hindi ko parin kaya, isa pa, hindi naman ako magtatagal bilang substitute ng kakambal ko. Aalis din ako pag bumalik na siya." "Ang tanong diyan kung babalik pa ang kakambal mo. May sasabihin ako sayo na isang bagay na dapat mong katakutan." Mas lalong ngumisi ng napakalaki si Mikael habang nakatingin kay Adelaide. Dinamba ng maitinding kaba ang dibdib ni Adelaide dahil sa

