MASAYANG binalikan ni Earl si Liam sa table kung saan sila kumakain. Kakaalis lang ng tatay nito at alam niya, sa ngiti pa lamang ni Liam ay naging maayos ang pag-uusap ng dalawa. Ang makausap ni Liam ang daddy nito ang tangin alam niyang paraan upang makabawi siya sa sakit na ibinigay niya dito. Sa ganoong paraan man lang ay nakabawi na siya dito kahit papaano.
Pagkaupo niya sa inupuan niya kanina ay agad na kinuha ni Liam ang kanyang kamay. “Maraming salamat…” turan nito.
Ngumiti siya. “Walang anuman.”
“Grabe lang itong mga nangyayari. Hindi ako makapaniwala. Nakapag-usap na kami ng daddy ko at nakapagpatawaran na kami tapos tanggap na niya ang pagkatao ko at kung anong meron tayo. Tapos makakaalis na rin tayo sa boyslive.com! Sandali. Tatawagan ko lang si Big Boss. Sasabihin ko sa kanya na hindi na tayo magsho-show.”
Nagmamadali na kinuha ni Liam ang cellphone nito sa bulsa. Nais sanang pigilan ni Earl ang nobyo sa gagawin nito ngunit sigurado siyang magtataka ito. Kaya hinayaan na lang niya ito sa gagawin.
“Hello, Big Boss! May sasabihin po sana ako sa inyo…” Bahagyang nag-pause sa pagsasalita si Liam upang tumingin sa kanya. “Magre-resign na po kami ni Earl bilang performer niyo. Nakaipon na po kasi kami ng pera para magtayo ng business. Magbabagong-buhay na po sana kami. Opo… Opo! Maraming salamat po! Kayo rin po. God bless po!”
Masayang ibinaba ni Liam ang cellphone.
“Anong sabi ni Big Boss?” agad niyang tanong.
“Okay na. Pumayag na siya! Tuloy na tuloy na talaga tayo sa mga plano natin, Earl! Ang saya ko!”
“Ako din…” Isang pilit na ngiti ang gumuhit sa labi niya.
Oo. Nakawala na silang dalawa ni Liam sa trabahong iyon. Ngunit iyon ang alam nito dahil siya ay mukhang hindi pa…
-----***-----
BAGO sila umuwi ng apartment ni Liam ay bumili muna sila ng alak at pulutan. Balak kasi nilang i-celebrate sa pamamagitan ng pag-inom ang magagandang nangyayari sa buhay nila ngayon. Bumili na rin si Liam ng isang maleta na may tamang laki upang paglagyan ng mga gamit nito kapag umuwi na sila sa probinsiya niya.
Pagkabalik ng apartment ay nagluto si Earl ng hapunan nila. Matapos kumain ay inumpisahan na nila ang pag-inom ng alak. Sa sahig na lang sila uminom dahil mas kumportable sila doon.
Unang tagay ay para kay Liam.
“Para sa pagkakaayos namin ni daddy at para sa pagbabagong buhay nating dalawa!” Itinaas pa nito ang shot glass bago nito ininom ang alak. Sinundan agad nito iyon ng chaser na cola.
Habang sinasalinan ni Earl ng alak ang shot glass ay naramdaman niya ang mga titig ni Liam. Pagtingin niya dito ay tama nga siya. Nakatingin ito sa kanya habang nakangiti.
“Bakit?” tanong niya.
Kumibit-balikat ito sabay kain ng pulutan na lechong manok. “Wala naman. Masaya lang ako na dumating ka sa buhay ko. Siguro kung hindi kita nakilala, baka hanggang ngayon ay nagpe-perform pa rin ako sa harap ng webcam. Salamat, Earl… Halika nga sa tabi ko!”
“O, baka naman may gagawin ka sa akin, ha!”
“Walaaa… Halika na kasi.”
Tumayo si Earl at lumipat ito ng upo sa tabi ni Liam. Nagulat siya nang bigla siya nitong halikan sa labi at yakapin.
“Mahal na mahal kita…” ungot nito.
“Mahal na mahal din kita, Liam,” sagot naman niya. Tinapik niya ito sa likod dahil sobrang tagal na ng yakapan nila. “Tatagay lang ako.” Saka lang siya nito binitawan.
Kinuha niya ang shot glass at ininom ang laman niyon. Napangiwi siya nang gumuhit ang mapait na alak sa kanyang lalamunan. Nanatili iyon sa kanyang sikmura at naramdaman niya ang init. Agad siyang uminom ng chaser at kumain ng manok.
Idinantay ni Liam ang binti nito sa binti niya. “So, anong business ang maganda sa lugar niyo?”
“Hmm… Bigasan o kahit maliit na grocery store. Medyo malayo kasi sa amin ang mga ganoong bilihan, e. Sa tingin ko ay ayos ang ganoong negosyo.”
“Sige. Iyon ang itatayo natin. Pero grocery store muna kahit maliit. Tapos kapag okay na, pwede na nating isunod ang bigasan. Teka, nasabi mo na ba sa mga magulang mo ang tungkol sa ating dalawa?”
“Hindi pa. Pero sa tingin ko naman, gaya ng daddy mo ay matatanggap nila tayo. Akong bahalang magpaliwanag sa kanila. Pero kung hindi man nila tayo tanggapin, hindi pa rin tayo susuko. Ipapakita pa rin natin sa kanila na deserve natin ang pagtanggap nila…”
“Iyan naman ang gusto ko sa iyo, e! O, tagayan mo na ako!” anito.
Mabilis na nagpalitan ng tagay sina Earl at Liam. Ang kaninang boteng puno ng alak ngayon ay ubos na. Kapwa namumungay na ang mata nilang dalawa sa labis na kalasingan. Kung anu-ano na ang napag-uusapan nila kaya tawa na lang sila nang tawa kahit wala namang nakakatawa.
“Tapos, paano tayo magkakaanak, e, wala ka namang peks!” Tumatawang sabi ni Liam sa kanya sabay hampas sa braso niya.
“E, paano nga ba? Hindi pa naman natin sinusubukan?” Tawa rin nang tawa si Earl.
“Bakit? Gusto mo bang subukan natin, ha? E, virgin ka naman!”
“'Sus! Bahala ka nga diyan… Tutulog na ako…”
Nahihilong tumayo si Earl pero bigla siyang hinigit ni Liam sa kamay. Dahilan para matumba siya. Mabilis na dumagan si Liam sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata. Ang init ng katawan nito. Mas ramdam niya ang malakas na t***k ng puso nito kesa sa bigat nito.
Bubuka pa lamang ang bibig niya para magsalita pero sinelyuhan iyon ni Liam ng marahas na halik. Sa isang iglap ay tumaas ang temperatura sa loob ng kanilang apartment.
Naging mapusok ang halikan nilang dalawa. Tila nanggigigil pa si Liam dahil kinakagat-kagat pa nito ang pag-ibabang labi niya. Sandali itong huminto upang alisin ang mga suot nilang sando. Muli itong bumalik upang halikan siya.
Bumaba ang halik nito sa kanyang leeg hanggang sa kanyang dibdib. Dinilaan at sinupsop nito ang kanyang n*****s. Doon ito nagtagal. Halos mabaliw naman si Earl sa labis na sarap sa ginagawa ni Liam sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung saan siya hahawak ng sandaling iyon.
Tumayo si Liam at hinila siya nito. Itinulak siya nito sa kama at inalis ang natitira nilang mga saplot. Nang pumatong ulit ito sa kanya ay kapwa na sila hubo’t hubad. Muli, naglapat ang kanilang mga labi at sa pagkakataon na iyon ay malumanay na ang galaw nito. May kasamang pagmamahal ang bawat hagod ng dila nito sa kanya.
Hindi na niya namalayan ang mga nangyari. Basta naramdaman na lamang niya na isinusubo na ni Liam ang matigas niyang p*********i. Panay ang ungol niya at sambit ng pangalan ni Liam. Swabe ang pagsubo nito. Masarap. Nakakabaliw. Nakakawala sa sarili!
At hindi naman siya makakapayag na hindi makaganti. Nagpalit sila ng pwesto ni Liam. Siya naman ang nasa ibabaw at ito naman ang nasa ilalim. Ginaya niya ang ginawa nito sa kanya kanila. Hinalikan niya ang buong katawan nito at nagtapos siya sa p*********i nito. Isinubo niya rin ito kahit hindi siya marunong. Pinilit niyang hindi sumayad ang ngipin niya doon upang hindi ito masaktan.
Maya maya ay huminto siya. Bumaba siya ng kama at kinuha sa drawer ang condom at lubricant.
“Anong gagawin mo diyan?” namumungay ang mga mata na tanong ni Liam.
Hindi niya ito sinagot. Bumalik siya sa tabi nito at isinuot sa p*********i nito ang condom at nilagyan iyon ng lubricant.
“Hey--”
Inilagay niya ang isang hintuturo sa tapat ng labi nito. “Sshhh… ready na ako. Gawin na natin ito…” aniya.
“Pero baka masaktan ka.”
“Ayos lang na masaktan kung ang dahilan naman niyon ay ikaw.”
“Bumabanat ka pa, ha! Sige… Babanatan na kita!” At pilyong ngumiti si Liam sa kanya.
Humiga na siya at pumwesto na si Liam sa pagitan ng mga hita niya. Ibinuka nito ang kanyang hita at nilagyan ng unan ang bandang likod niya. Kinakabahan siya, sa totoo lang dahil first time niya. Pero dahil mahal naman niya si Liam, gagawin niya.
Napalunok si Earl nang maramdaman niya ang ulo ng p*********i ni Liam sa b****a ng kanyang butas. 'Eto na… 'Eto na talaga. Wala na itong urungan.
“Sigurado ka ba, Earl?” paanas na tanong ni Liam.
Nakapikit na tumango siya.
Muntik nang mapamura si Earl sa sakit nang ipasok na ni Liam ang ulo ng p*********i nito sa butas ng kanyang pwet. Parang may napunit na laman o balat siyang naramdaman sa parteng iyon ng kanyang katawan. Napadiin tuloy ang mga kuko niya sa likod nito. Huminto si Liam nang makita nito ang nakapaskil na sakit sa kanyang mukha. Lumipat ang mga kamay niya sa balakang nito at siya na mismo ang nagtulak niyon upang makapasok na ito nang buo sa loob niya.
Pinigilan niya ang mapamura. Masakit talaga. Sobrang sakit!
Dumukwang si Liam upang halikan siya. Nag-umpisa na ang paggalaw nito. Puno ng pag-iingat ang ulos nito sa kanya. Hanggang sa masanay na ang kanyang katawan. Ang sakit ay napalitan na ng sarap. Napapaungol na siya sa paglalabas-masok nito sa kanya. Na-e-enjoy na niya ang ginagawa ni Liam.
Nang mapansin ni Liam na hindi na siya nasasaktan ay saka nito medyo binilisan ang paggalaw habang binabayo ng kamay nito ang kanyang p*********i.
“Mahal na mahal kita…” sabi niya sa pagitan ng mga ungol.
“Mahal na mahal din kita!” sagot ni Liam sa kanya.
Maya maya ay napangiwi siya nang maramdaman niya na parang lalabasan na siya.
Napahawak siya sa braso nito. “M-malapit na ako…” aniya sabay ungol.
“Sige lang! Sabay na tayo… Aaahhh…”
“Liam… 'Ayan na ako!”
“Ako din! 'Ayan na ako, Earl!”
At magkasabay silang napaungol nang malakas nang sumabog ang katas ng pagmamahal nila para sa isa’t isa. Pagod na pagod na humiga si Liam sa tabi niya habang kapwa sila nakatingin sa kisame at nakangiti.