Ang loob ng Unit 6 ay binubuo ng 2 palapag. 3 Kwarto sa ibaba't tatlong kwarto din sa itaas. May Living room, Dining Room, Kitchen Area, Bar counter at veranda na konektado sa living room. Napasalampak ako sa Sofa bed, ang iba'y kanya-kanya ring pwesto. Sina Dylan at Jayson ay nasa Bar Counter, Sini-sipat ang mga alak doon. Si Jessica ay nasa couch sa tabi ko. Si Amber ay pumasok sa sarili nitong room. Si Zoe naman ay sa kabilang couch, Busy sa harap ng phone at tinitignan ang mga kuhang litrato.
"By 12AM. Pupunta tayo sa function room. May inihanda ang owner ng hotel na Thank you party para sa lahat ng guests! 'Lam nyo na? awrahan na!" Masiglang wika ni Amber.
Lumabas na pala ito sa kwarto at masayang ibinahagi ang bilin ng Room Attendant na binanggit sa kanya.
"Ayan umandar na nman ang radar mo. Di ka pa sawa?" Pang aasar ni Jayson.
"Bitter!" Ganti ni Amber.
"Ayan nagsimula na naman kayo bakit di kasi kayong dalawa na lang ulit?" Singit ni Jessica.
"Her/Him? Yak!" Sabay na turan ng dalawa.
Kumukulubot ang sistema namin sa dalawang 'to. Nagkwentuhan pa kami ng bahagya bago nagsi-pasok sa aming mga silid at hinayaan na magtalo ang dalawa sa labas. Inayos ko muna ang mga gamit ko saka ako nagpasyang magshower. Hindi na ako nagulat sa ganda ng kwarto dahil maganda na sa exterior nito. Ang bawat silid ay may sariling cr at bath tub.
Pagsapit ng alas dose ay lumabas na kaming anim. Hindi naman kami naligaw sa paghahanap ng function room dahil sa mga attendant na umaalalay sa amin.
Marami na ring tao ang nandito kasama namin. Mga mayayaman, May ilang artista din at syempre meron ding gaya namin na pinalad lang. Espesyal daw ang anibersaryo na ito dahil naghanda ang owner ng isang palaro at ako ang itinulak ng mga kasama ko para maging representative ng aming unit.
Kabado akong umakyat sa stage, ang daming taong nakatingin at nag aabang sa aking gagawin na simple lang naman. Papaikutin ko lang ang roleta na pagbabasehan kung ano ang lalaruin naming mga guest ng Unit 6.
Isang malakas na tulak ang ibinigay ko upang mapaikot ang roleta. Mabilis din ang pag-ikot sa umpisa hanggang sa pabagal ng pabagal nahinto ito sa wikang "Al Escondite o Hide and Seek sa Ingles." Hindi naman kami nahirapan na intindihin yun dahil ipinaliwanag din sa amin. Bumunot ako ng anim na cards, equivalent sa bilang namin sa grupo at yung isang card ay participation ng owner. Ibig sabihin kasali din siya sa palarong ito.
"Exciting! Ano kayang prize noh?"
Tanong ni Amber.
"Im sure naman na malaki. Mayaman may ari eh"
Ang sabi naman ni Zoe.
"What time pala start ng game?" Tanong ni Dylan.
"3AM daw eh." Sambit ni Jessica.
"Ah teka, pumili muna kayo sa cards na hawak ko. Ire-reshuffle ko then facedown para hindi natin makita." Ang sabi ko.
Pinaikutan nila ako habang matamang nakatingin sa aking pagbabalasa. Tahimik lang silang nakatingin.
"Kung sino daw ang lowest card eh, eliminate na agad." Dagdag ko pang sabi.
"Need ba ipakita sa lahat kung anong card ang hawak?" Tanong ni Jayson.
"Kung ipapakita mo edi, wala ng thrill syempre hindi noh!" Pang aasar ni Amber
"Harsh naman, nagtatanong lang eh." Bwelta ni Jayson.
"Bumunot na kayo't hindi tayo makakapagsimula sa ginagawa niyong bangayan.", Pagpigil ni Jessica.
"Hayaan mo na sila't malalaki na iyan. Mauna na tayong kumuha ng sa'tin.", Mungkahi ni Zoe.
Si Dylan naman'y tahimik lang na ngumunguya sa kanyang kinakain.
"eto kasi yung nasa instructions na sinabi kanina. Bawal ipakita kung anong cards ang hawak, Kapag may na-eliminate after 30mins kailangan na magbalasa para i-continue ang laro then who ever received the "K" card was the hunter tapos prey na ang lahat." Mahaba kong pagpapaliwanag.
"Sana ako yung hunter para lagot kayong lahat sa akin! Hahaha." Sambit ni Jessica.
"You wish, as if kaya mo." Ang sabi ni Zoe.
"Parang survival of the fittest pala 'to. Kung sino ang hindi ma-eeliminate. Sa kanya ang premyo." Segunda ni Jayson.
"Syempre ako na yun! Alam niyo nman na palagi akong swerte!" Singit ni Dylan.
"Pero malas sa lovelife?" Kantiyaw ni Amber.
Nagtawanan kaming lahat. Naisipan na din namin na bumalik sa Unit 6 upang makapagpahinga sa aming mga silid. Muli ko pang sinulyapan ang aking baraha bago humiga sa kama. **Numero Tres** Hindi kaya ako ang mauuna mai-eliminate dahil ang baba ng baraha ko? Marami kasi akong mga bayarin kaya gusto ko din na manalo. Nakatulog na lang ako sa pag iisip.
8AM tumunog na ang aking alarm. Pagbaba ko sa Dining area ay may nakahanda ng agahan. Ngumiti pa ang attendant bago isara ang pintuan ng Unit. Isa-isa kong kinatok ang mga pintuan ng aking kasama para yayaing kumain.
"Lalabas na!" Wika ni Amber.
"Istorbo!" Inis na sabi ni Jayson.
"5 minutes pa please!" Hirit ni Zoe.
"In a minute." Sambit ni Dylan.
Nang kinatok ko ang pinto ng kwarto ni Jessica ay hindi ito nagrespond. Mukhang malalim pa ang pagtulog.
"Lalamig ang pagkain." Mahina kong sabi at bumalik na sa Dining Area. Naghanap ng magandang pwesto. Isa-isa kong nakita ang pagbaba ng aking mga kasama.
"Oh, asan si Jessica?" Tanong ni Zoe.
"Alam mo naman yun! Palaging puyat kaya madalas tanghalian na ang kinakain." Sagot ni Jayson.
"Ano pa nga ba? Mauna na tayo. Gutom na ako eh, lalabas din yun paggising niya." Ang sabi ni Amber.
Sinimulan na naming kumain. Puring puri kami sa sarap ng pagkain na nakahain. Matapos ang agahan ay mabilis din lumipas ang oras. Pumuwesto sina Amber at Zoe sa veranda. Sina Dylan at Jayson naman ay nasa Bar Counter ulit, nag-uumpisa ng magpalitan ng alak na iniinom. Ako naman ay nandito sa couch, binabasa ang libro na nabili ko last month at balak ko ng umpisahan ngayon. Alas dose na ng tanghali ay wala pa rin si Jessica.
"Di pa rin ba lumalabas si Jessica?" Tanong muli ni Zoe.
"Oo eh, magtatanghalian na pala." Ang sagot ko na nagtataka na rin. Usually, ay hindi naman gumigising ng ganoon katagal si Jessica.
"Grabeng pagpuyat naman kahit aircon ang kwarto eh, umiinit kapag ganitong summer." Sabi ni Dylan na narinig ang aming usapan.
"Teka kukunin ko ang master card sa cabinet kapag yan tulog pa talaga. Sampal de gulat siya sakin." Suhestiyon ni Amber.
"Huwag mo ng sampalin, Gisingin mo na lang." Ang wika ni Jayson bago lagukin ang alak sa basong hawak.
Hinayaan namin si Amber sa pagkuha ng Master Card at bumalik ulit sa kanya-kanyang gawain.
IIIHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!
Malakas na tili na galing sa kwarto ni Jessica at boses iyon ni Amber, mabilis kaming napatakbo sa kwartong iyon upang tingnan ang dahilan. Napasalampak ito sa sahig, takot na takot at nanginginig. Gulat, Nginig At walang paglagyang takot ang idinulot samin ng makita ang kalagayan ni Jessica. Patay na ito. Napatakip ako sa aking bibig. Nagsimulang mag-iyakan sina Zoe at Amber dahil sa kalunos-lunos na sinapit ng walang buhay na katawan ng aming kaibigan. Si Dylan na di nakayanan ang nasaksihan ay napatakbo pa ibaba hawak hawak ang bibig upang pigilan ang naka-ambang pagsuka. Si Jayson naman ay tila nanigas sa kinatatayuan, nawala ang tama ng alak sa katawan sa nakita't hindi agad nakakilos. Nakita ko ang card na nakataob sa bedside table, dahan-dahan akong naglakad upang tignan ang card na 'yon. Pagkagulat ang rumihistro sa aking mukha ng makita ko ang numero, maging ako ay hindi na pinigil ang luhang gusto ng kumawala. Ipinakita ko din sa iba ko pang kasama na pati sila ay nanlaki ang mga mata... Numero Dos.
Pinunasan ko ang aking basang mga mata at dali-daling umalis sa kwartong iyon at nagpunta sa Sala. Malakas na kabog, Sobrang takot na may kasamang pagnginig. Kung nakuha ko ang card na 'yon ay siguradong katawan ko ang nakahandusay sa sarili kong silid.
WHERE'S THE K CARD?! WHO'S THE HUNTER AMONG US?! SINO SA KANILA ANG MURDERER?!