Kabanata III

1022 Words
Hindi!, Mariin kong sabi sa aking sarili. There's no such thing as murderer among us. Walang sino man ang makakagawa ng ganoong kahindik hindik na krimen sa aming magkakaibigan. Di kaya'y kagagawan ito ng owner? Di kaya'y isa sa mga Attendant na pwedeng maglabas masok sa unit ang salarin? Bigla kong naalala ang Numero na hawak ko. Akala ko, ako na ang may pinakamababang baraha. Dinaluhan ako sa sala ni Jayson napapamura dahil sa naganap. "s**t! Anong nangyayari? Bakit ganito?! Ano 'to?! Put*ng I** naman eh!" Galit na sabi nito. "I-ito ba y-ong la-laro?" Garalgal na sabi ni Dylan na kakalabas lang sa kusina. Punas punas nito ang sariling bibig. "Hindi! This is not a game! Never magiging laro ang pagpatay ng tao!", Angil ni Amber. "Asan na ba ang owner at mga attendant?! Bakit may ganitong pangyayari?" Tanong naman ni Zoe. Nawala ako sa pag iisip ng malalim. Pinindot ko ang Intercom kung saan connected sa Front Desk. Sampung Minuto ang lumipas bago may sumagot sa kabilang linya. Dali-dali kong in-address ang nangyaring krimen. Ngunit laking pagtataka ko ng hindi ko makitaan ng takot, alinlangan o pagkabalisa ang taong nakausap ko. Tila sanay na sila sa ganitong pangyayari at hindi na bago. Pagkalipas ng Tatlumpong minuto ay may pumasok na Tatlong Ka-tao pawang nakasuot ng medical suit at naka-surgical Mask pa. "Ilabas niyo ang Owner ng resort na 'to!" Sigaw ni Jayson. Si Dylan naman ay nasa likod at inalalayan siya. Muli na naman kasi itong nagbalik sa pag inom upang malimot ang nangyari kaya hindi na nakakapagtakang lumakas ang loob upang komprontahin ang ipinatawag na tauhan ng resort. Si Zoe at Amber naman ay sinundan ang dalawang kasamahan sa kwarto kung nasaan ang walang buhay na katawan ni Jessica. Kinuwelyuhan ni Jayson ang naturang tauhan dahil hindi ito nagsasalita. Nakatingin lamang ang lalaki sa kanya na labis nitong ikinainis. Inambahan niya ito ng suntok ngunit mas mabilis ang kamay ng tauhan. Isang stun gun ang nagpawala sa malay ni Jayson. Igaganti sana ito ni Dylan ngunit tinutukan ito ng Taser, dahilan para wala itong magawa kundi buhatin ang katawan ni Jayson at dalhin sa sofa bed. Dinaluyan na naman ako ng takot sa katawan ng tumingin ang tauhang iyon sa deriksiyon ko at dahan-dahang lumakad palapit sa akin. Bumulong ito sa aking tenga na nagdagdag ng karagdagang takot. Bakas na bakas din sa aking mukha ang labis na pagkagulat sa tinurang mga salita na kitang kita ni Dylan. Humigit kumulang Kinse minuto ang inabot upang mabitbit ng mga tauhang iyon ang Bangkay ni Jessica. Inilagay nila ito sa Cadaver Bag saka binuhat gamit ang stretcher na dala. Nais mang sumama nina Zoe at Amber ay tinutukan din sila ng Electric Gun kaya hindi rin sila nakasunod. Ako naman ay, napako sa kinatatayuan. Sino bang nanaisin na sumuway sa kagustuhan nila kung buhay mo ang magiging kapalit? Inihatid lamang sila ng aming mga tingin palabas at isinara ang Main Door ng unit. "Paano na?! Ano na tayo nito?!" Balisang sabi ni Amber. "I'll contact my Tito Sergio! They will pay for this!" Ang sabi ni Zoe. Nai-bato nito sa pader ang hawak na cellphone ng mapagtantong hindi magamit dahil sa walang signal. Sa Panic ay ngayon lang namin naisipan na humingi ng tulong sa labas ngunit sa palagay ko ay mula pa kagabi ng i-disconnect ng Resort ang lahat ng signal upang walang magagamit na koneksiyon at impormasyon na manggagaling sa Resort, palabas. Siguro'y may espesyal na koneksyon ang mayroon sa Intercom kung kaya't nakatawag ako sa Front Desk "Lets stop this. We should pack up, Now. Pagnagising na si Jayson, Ay umalis na tayo." Saad ni Dylan. "Im gonna go, I can't stay anymore minute or even seconds here!" Wika ni Zoe. Halos liparin ni Zoe ang silid niya upang simulan ang pag-eempake ng sarili niyang gamit. "Thanks for this wonderful vacation, Nics. You made it hell." Ang turan ni Amber. Matalim ang mga mata nitong nakapukol sa'kin. "I.. di-didn't know! Hindi ko alam na ganito ang mangyayari!", Pagpapaliwanag ko. Palagi naman siyang ganito. Kapag nagkakaroon ng kapalpakan sa pangyayari ay ako palagi ang ginagawang tagasalo at tapunan ng sisi. "Really? Tingin mo maniniwala ako? You recommended it! Ikaw ang nagpapunta sa amin dito! Kasalanan mo lahat 'to!", Panggi-giit pa niya. "Stop it!" Sigaw ni Dylan. Natigilan kaming dalawa sa pagpapalitan ng mga salita sa sinabi niyang 'yon. Bihira lang kung magtaas ng boses ang Dylan. Ngayon lang. Siguro ay dahil sa sitwasyon na kinahaharap namin. "Hindi natin mare-resolve 'to kung ganyan kayong nagsusumbatan.", Paliwanag niya. Natahimik kaming dalawa. Isang irap ang ibinigay sakin ni Amber bago tuluyang magpunta sa kanyang silid tingin ko'y mag-eempake na rin ito. "Dylan, Thanks but i assure you na hindi ko gusto ang mga nangyayari. Hindi ko alam na ganito dito." Wika ko. "I know Nics, That's why pinatigil ko na kayo sa pagpapalitan ng mga salita." Saad niya. "Thanks Dy, Sana ay makauwi na tayo upang mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Jessica." Sabi kong sinamahan ng pilit na ngiti. "Sana nga Nics, pero gusto ko lang malaman kung ano ang ibinulong ng Tauhan na 'yon sa iyo.", Tanong niya. Lumunok muna ako bago nagsalita at sagutin ang tanong niya. "Walang makakaalis ng buhay sa resort na 'to kung ititigil ang laro. Dylan, Iyon ang habilin ng tauhan na 'yon.", Mapait kong sabi. "s**t! 'Yan din ang nasa isip ko na hindi tayo papaalisin ng buhay dito." Turan niya. Medyo naguluhan ako sa sinabi niya at napaka-kunot ang noo. "What do you mean Dylan? Naguguluhan ako.", Tanong ko. "Kwento lang ito ng naging kaibigan kong Journalist. Mayroon raw Resort kung saan ginagawang laro ang buhay ng tao. Hindi ko alam na totoo pala iyon. Ngayon, unti-unti ko ng naalala ang pangalan na sinabi niya, Paraiso De Hotel, Nics ... Misteryosong namatay ang kaibigan kong iyon. Ngunit ang balita ay, pinatay ito dahil sa kanyang nalaman tungkol sa resort", Mahabang sabi nito. Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Dylan. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na maliban sa akin ay may ibang tao pang nakakaalam ng lihim ng Paraiso De Hotel Resort.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD