Kabanata IV

749 Words
Ngunit hindi ko pwede sabihin na maging ako ay may alam din sa lihim ng resort na 'to. Hindi pa ngayon. Ngunit paano kaya nakalabas ang impormasyong 'yon. Classified ang naturang impormasyon maging ako ay hirap makahanap ng data. Vacation Tourist Spot ang tingin ng mga turista sa resort na 'to mula sa labas na pananaw ngunit may nakatagong ibang layunin ang resort na ito. 'Yun ay kumitil para sa kasiyahan. BLAG! Tunog ng pintong kay lakas kung isara. Napatingin kami sa gawi ng kwarto ni Amber upang makita siya doon na kakalabas lang. Tangan ang mga gamit. Agad itong binilisan ang paglalakad upang mapuntahan ang main door, ang pintuan ng Unit kung saan kami tumutuloy. "Fvck! Why its locked?!", Sigaw nito. Sinisipa-sipa pa niya ang pinto at pinihit pihit ang doorknob. Nagbabakasaling may magyari't magbukas. "Its locked outside, Amber." Ang sabi ko. "Shut up! Hinihingi ko ba ang opinyon mo?" Asik nito sa akin. Bumuntong hininga na lang ako. Si Dylan naman ay tumahimik lang at nagkibit balikat sa ginagawa ni Amber sa pinto. "What's wrong? Bakit di mo pa binubuksan ang pinto?" Tanong ni Zoe. Nasa likuran na ito ni Amber at inip na rin. Nakapameywang ito. "You, Open it B*tch! Kanina ko pa binubuksan pero mukhang nakasara sa labas.", Reklamo nito. "Mind your tone. Don't boss me around, May paglalagyan ka sakin. Once na nakaalis tayo sa Impyernong lugar na 'to." Babala ni Zoe. "Whatever! That matters if makalabas pa tayo.", Bwelta ni Amber. Umalis ito sa harap ng pinto at naghanap na lang ng pinakamalapit na upuan upang doon magpalipas ng init ng ulo. Si Zoe naman ang nagpumilit buksan ang pinto maging siya ay sinipa rin ito't dahil sa frustrations ay inihagis ang binitbit na mga maleta sa pinto't umaasa na masira ito at mabuksan. "Dylan! Don't just stood there! Sirain mo ang pinto!" Sigaw ni Amber. "I wont. Cant you not see? The door is made of steel. Kinulayan lang just to make look like a wooden door." Depensa ni Dylan. "Haaa.. You, useless freak.", Wika ni Amber. "Lets just wait jayson to wake, Two is better than one." Ang sabi ni Zoe. Sumuko na ito sa ginawang pagbubukas ng pinto at naghanap na rin ng mauupuan. Sinipat ko ang suot na relo. Alas dos y medya na ng hapon. Nagsimula ang laro ng Alas Tres ng madaling araw kaya ang susunod na laro ay magaganap sa oras na Alas Tres ng hapon. Napansin ni Dylan ang ginawa kong pagtingin sa oras kaya napatango ito. Kinse minuto pa ang lumipas bago tuluyang nagising si Jayson. Sapo nito ang ulo dahil sa nangyaring pagkawala ng malay at ang ulo'y tumama sa sahig. Wala rin namang sinayang na oras si Zoe kaya't kinuwento nito ang nangyari. Kung paanong binitbit ng dalawang tauhan ang walang buhay na katawan ni Jessica, Kung paano tinutukan ng Electric Gun si Dylan, at iba pa. Ng matapos itong magkwento ay si Amber naman ang nagsalita na panay bintang at sisi sa akin pero dahi ganoon naman talaga ang ugali nito ay hindi nakuha ang simpatya ng lalaki. Sinabi rin ni Dylan ang kanyang nalalaman mula sa kwento ng kanyang kaibigang Journalist. Pagka-dismaya ang binigay na reaksyon ng tatlo ngunit ng kalaunan ay wala rin naman silang nagawa. Hindi rin naman kasi nila masisisi si Dylan pagka't ang Journalist na kaibigan nito ay Tatlong taon ng namayapa. "So, Ano ng gagawin natin nito? Hindi pwedeng dito lang tayo at aantayin na lang ang ating kamatayan!", Ang sabi ni Amber. "Lets resume the Game.", Ang sabi ni Dylan. "Siraulo ka ba?! Dahil sa laro na 'yon ay nawalan tayo ng kaibigan!" Asik ni Jayson. "Me? Ayoko. I decline. Kayo na lang." Saad ni Zoe. "Lets play or We all die here.", Sabi ko. Lahat sila tumingin sa akin at natahimik. "At least if one of us win, We can get a rescue at mapanagot ang owner ng resort." Dagdag ko pa. Sumang ayon si Dylan sa sinabi ko. Ngunit ang iba pa ay hindi pa rin kumbinsido. Napatingin muli ako sa relo, Alas Dos singkwenta singko na. Hindi na ko nagdalawang isip at isa-isa kong pinasok ang kwarto ng aking mga kasama upang hanapin ang mga cards. Hindi nga ko nagkamali, Iniwan lang nila ito doon at dahil sa takot ay hindi na muli pang hinawakan. Huli kong pinasok ang kwarto ni Amber. Nanindig ang aking balahibo ng makita ang nakasulat sa nakataob na Card. "K" Card. Si.. Si... Amber ang Killer?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD