Dali-dali kong kinuha ang card upang isama sa iba ko pang card na nakuha. Bumalik ako sa living room kung nasaan nandoon ang iba ko pang kasamahan. Iniabot ni Dylan ang kanyang hawak na card. Apat na cards ang nasa aking mga kamay. Ang sabi ni Zoe ay kinuha daw ng mga tauhan ang card ni Jessica. Tumingin ako sa pinto at saktong may card na pumasok mula sa ilalim noon. Card iyon mula sa owner dahil kasali pa rin siya sa larong ito. Gusto ko man magalit ay isinarili ko na lang ang emosyon. Ayoko magpadala sa sitwasyon dahil nasisiyahan sila kapag nakaramdam ng takot ang mga napiling manlalaro.
Binalasa ko ang Baraha. Naunang bumunot si Dylan at ng makita ang numero sa card ay isinilid sa bulsa ng kanyang short. Sina Zoe at Dylan naman ay bumunot na din. Si Amber ay matigas ang desisyon na hindi na sumali, para sa taong kayang pumatay. Bakit?! Bakit hindi ko maramdaman na makakaya nga ni Amber na pumatay para sa laro? Hindi ako naniniwala. Masama lang ang ugali nito pero hindi nito iyon kayang gawin. Hindi nga ba talaga? Hindi ko na rin alam. Sino ang nakakuha ng K Card? Sino ang susunod? Muli kong tiningnan ang card na aking hawak. Nakahinga ako ng maluwag. This time, ang nakuha ko ay mataas na numero.
Alas Sais na, Ngayon na nagsisimula ang aking sikmura na maghanap ng pagkain. Napansin ko din na gutom na rin ang mga kasama ko dahil sapo nila ang kanilang mga tiyan.
BEEP BEEP!
Tumunog ang Main Door ng unit. Pumasok ang Apat na katao, sa tingin ko ay ibang mga tauhan naman ito. Wala kaming ideya kung ano ang itsura nila dahil ngayo'y nakatago na sila sa Maskara. Maskarang may simbolo ng Hearts, Clubs, Spade and Diamond. Tipikal na makikita mong imahe sa Baraha. Ang barahang may simbolo ng Diamond ay nagtutulak sa Food Trolley. Ang Tatlong Tao sa likod nito ay may kanya-kanyang hawak na Taser Gun na naging babala sa amin upang huwag kaming gumalaw o kumilos man lang. Pinanood namin kung paano i-prepare sa mahabang lamesa ang mga pagkain na inihanda para sa amin. Is it our Last Supper? Huwag naman. Ayoko! Lalabas ako ng buhay dito't mananagot ang dapat na managot.
Nakita naman ng tao na nakasuot ng maskarang may simbolo ng Spade ang dalawang nakataob na baraha at pumili ito ng isa't ibinulsa. Ng makita nito na maayos ng inilagay ng naka-maskarang Diamond ang mga pagkain sa lamesa ay sumenyas siya sa mga kasamahan na aalis na sila. Muli na namang tumunog ang pinto, nangangahulugan na isinara na naman ito mula sa labas.
May pag alinlangan sa aming mga mukha. Paano kung ang mga pagkain ay may lason? o pampatulog? Ngunit sa gutom na nararamdaman ko ngayon ay mas mauuna yata akong mamatay sa gutom bago pa nila ako patayin. Nauna na akong umupo sa harap ng lamesang napuno ng masasarap na pagkain. Ng makita nilang nakailang subo na ako ay nagsi-upo na din sila at tahimik na kumain. Pinapakiramdaman namin ang isat-isa. Ang mga mata ko ay nagpapalipat lipat sa aking mga kasama, maging sila ay ganoon din. Ibig sabihin ay, Hindi na namin pwede pagkatiwalaan ang isat-isa sapagkat ang lahat ay pwede maging salarin. Pwedeng pumatay dahil sa dikta ng laro.
"Maigi pa ay magsama-sama na lang tayo dito sa sala upang ma-check ang sarili't mapigil ang kung sino man ang may hawak ng K Card o kung may magtangka mang bumalik ang mga naka-maskarang iyon.", Mungkahi ni Dylan.
Sinang-ayonan namin ang suhestiyon na iyon. Mas maigi kaysa sa kanya kanya kaming silid at hindi makita ang kung sino man ang aatake.
"I really hate them. If nakaalis ako dito. They will pay for this! Buhay nila ang kabayaran!.", Galit na sabi ni Zoe.
"We will survive here. An eye for an eye.", Dagdag ni Jayson.
Sina Amber at Dylan ay tahimik lang na kumain, maging ako din. What's important now is, how to survive and escape here? Paano nga ba lumabas sa impyerno? Ng matapos kumain ay nagkanya-kanya kaming pwesto sa sala. Magkakalayo ang aming mga lokasyon tanda na binabantayan namin ang isa-t isa. Nag umpisa na rin akong mag alala, mangamba at matakot sa mangyayari. Pakiramdam ko ay naghihintay kami ng oras ng kamatayan, Sa susunod na masasawi.
Kinalolooban na rin ako ng takot at panginginig na itinatago ko sa pamamagitan ng libro, sa pagbabasa. Sinipat ko pa ang aking mga kasama sa kanya-kanya nitong ginagawa. Si Amber ay nakahiga, Si Zoe naman ay gumagawa ng video tungkol sa nangyayari sa sitwasyon namin. Si Jayson ay walang imik na nakaupo. Si Dylan naman ay bagama't nakakaramdam ng antok ay mas piniling maging gising.
Tumatakbo ang oras at nakakabingi ang katahimikan. Pinilit kong i-tuon ang atensyon sa pagbabasa upang maalis ang nararamdamang agam-agam. Kung panaginip man ito'y, gisingin na sana kaming lahat.