Kabanata VI

1368 Words
Madilim na ang labas ng ako ay magising. Naaninag ko ang kadilimang iyon dahil sa veranda. Hindi ko namalayan na ako'y nakatulog. Tiningnan ko ang relo sa aking braso. Alas Kwatro na ng madaling araw. Ibig sabihin ay.. AAAAAAAAAAAAHHHHHH! Dali-dali akong napatayo ng marinig ang sigaw na 'yon. Nagising rin sina Zoe at Dylan. Asan sina Amber at Jayson?! Boses ba ni Jayson iyon?! Agad kaming tumakbo sa Kitchen Area ng Unit at nakita ang walang buhay na katawan ni Amber. Punong puno ito ng dugo. Sa di kalayuan nito ay makikita si Jayson, hawak hawak ang kutsilyo na punong puno rin ng dugo! Nahintakutan kami sa pangyayari! Si Zoe ay nagtago sa likod ni Dylan at ganun din ang ginawa ko. Si.. Si Jayson ang Killer! "Hi-hindi! Hindi ako ang pumatay!", Ang sabi ni Jayson. Puno din ng dugo ang suot nitong damit habang hawak ang kutsilyo. Itinapon niya ito na tila takot na takot din sa hawak na gamit. Sabunot ang sarili ay paulit ulit nitong sinasabi na hindi siya ang pumatay, na hindi niya alam ang nangyari. Ngunit dahil sa sitwasyong ito ay hindi namin siya lubos na mapaniwalaan. Nanginginig ako na nagtatago sa likuran ni Dylan. Si Zoe naman ay nakapikit, at ng di makayanan ang nakita ay tumakbo sa sala. Naiwan kaming dalawa ni Dylan sa sitwasyong iyon. Hindi pa rin ito kumikilos at tila tinitimbang ang sitwasyon. "Hindi kita kayang pagkatiwalan, Jay kaya kung totoo man na hindi ikaw ang pumatay kay Amber. Hahayaan mong itali kita sa upuan.", Wika nito. "Ano?! Sira ka ba? Sinasabi ko sayo na hindi ako ang pumatay kay Amber! Nagising na lang ako na nasa ganito ng sitwasyon at hawak hawak na ang kutsilyong iyon!", Paliwanag ni Jayson. Ngunit hindi pa rin nakumbinsi si Dylan sa kanyang sinabi. Kumuha ito ng Tali na nakita niya sa likod ng pinto ng Kitchen Door at dahan dahan na lumapit kay Jayson pero hindi ganoon kadali ang gustong mangyari nito sapagkat nanlalaban ang Jayson. Nagbuno sila at humantong sa pagsuntok ni Dylan sa lalake. Napatumba si Jayson at agad namang sinampahan ni Dylan upang itali ang mga kamay pero nanatiling nagpupumiglas si Jayson. Nasipa niya si Dylan na dahilan para ma-out of balance ito at nagkapalit sila ng deriksyon at dahil sa mas malaking tao ito ay hindi ito kinaya ni Dylan. Sa takot ko na maiwan kami ni Zoe sa kamay ng kriminal ay nakakuha ako ng Botelya at inihampas iyon sa ulo ni Jayson. "Sh*t Nics!" Asik nito. Tumayo ito sapo ang ulo at ng may makitang tumulong dugo ay galit na galit na tinungo ang aking deriksyon. Bago pa man niya ako malapitan ay sinipa ito ni Dylan. Sinampahan at suntok sa panga ang naging dahilan upang ito ay mawalan ng malay. "Salamat Nics!", Ang sabi ni Dylan. Nagpatulong ito upang mahila ng maayos ang katawan ni Jayson papuntang sala. Pinaupo ito sa Upuan, doon itinali ang dalawang kamay at paa. Naabutan ko si Zoe na tumatawag sa Intercom at ibalita na may naganap na naman. Nagpapanic ito at umiiyak. Sino bang hindi? After mo makita ang sitwasyon na 'yon. Ang walang buhay na katawan ng kaibigan mo na pinatay ng taong kaibigan mo din. Tumunog ang Pintuan ng Main Door. Ngayon ay naging mabilis sila sa kanilang aksiyon. Kung kahapon ay apat sila. Ngayon naman ay anim. May mga dala rin silang cleaning supplies. After malinis at madala ang bangkay ni Amber ay kinuha rin nito ang nakataob na Card. Card na hindi man lang naisipang buksan ng babae. Ngunit imbis na itago agad ang card na 'yon ay ipinakita muna ito sa amin bago tuluyang lumabas. It made us shocked, Confused and doubt. The card that supposed to be in Amber's hand is the K CARD! What could this be mean?! Jayson, murdered Amber with personal agenda?! But Why?! Ang daming tanong sa isip ko. Ang hirap mag isip ng mga sagot sa tanong na hindi ko alam kung paano sasagutin. "We have a real killer here!" Sigaw ni Zoe na takot na takot. "No, I think we should hear Jayson's Explanation before we judged.", Ang sabi ko. "Naguguluhan na ako sa nangyayari. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip! ", Ang wika ni Dylan. Nahilamos nito ang sariling mukha. Nagpunta ito sa Bar counter upang uminom ng alak. "Nics, Paano na ito?", Ang tanong ni Zoe. Lumapit ito sa kinauupuan ko at bumulong. Hindi 'yon nakikita ni Dylan sapagkat nakatalikod ito sa amin. "Paano kung... Kung si Dylan ay maging Killer din?", Mahina nitong sabi na bakas sa boses ang pagkatakot. Nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Wala ako o kaming sapat na lakas kung magkataon man na ang susunod na makakauha ng K Card ay si Dylan. Nakaramdam na naman ako ulit ng pangamba pagkat nalalaman ng lalaki ang lihim ng Resort. "Wag mo na alalahanin iyan Zoe, Kilala naman natin si Dylan. Kung makukuha niya ang K Card ay naniniwala ako na hindi siya papatalo sa laro.", Pangungumbinsi ko sa kanya. Ito na lang ang tangi kong nasabi upang mapaglabanan ang takot sa sitwasyon na naisip niya. Ngumiti ito ng bahagya't kumalma dahil sa aking tinuran. Gumalaw ang katawan ni Jayson, Senyales na ito ay magigising na. "Dylan, Magigising na ang Jayson.", Ang sabi ko. Agad namang lumapit muli ang lalake sa kinaroroonan namin upang hintayin ang pagbabalik ng ulirat ni Jayson at ng magising nga ito at nakita ang estado ay nagwawala ito. "Fvck! Alisin niyo nga ko dito! Kapag ako nakawala dito ay may paglalagyan kayo!", Galit na banta nito. "Kalma lang Jay, Ginawa namin 'yan dahil sa naaktuhan namin ang pagpaslang mo kay Amber. We just securing our safety.", Ang sabi ni Dylan. "Gag* ka ba?! Hindi ba't sinabi ko na hindi ko alam ang nangyari? Na nagising na lang ako sa ganoong estado!", Giit nito. "So, You mean hindi mo pinatay si Amber?", Ang tanong ni Zoe. "Oo, Ganun na nga! Kaya kalagan niyo na ako dito! Sige na!" Wika nito. "And what's your proof? Its just your verbal explanation Jayson." Wika ko. "Aba't...! Bahala nga kayo! Ayoko ng mag-explain kung inaakusahan niyo pa rin ako! Hindi ko 'yon magagawa dahil alam niyo naman kung anong meron sa amin ni Amber. Hindi ko 'yon magagawa sa kanya dahil may pinagsamahan kami at kahit papaano ay, special pa rin siya sakin.", Mahaba nitong sabi. Kung hindi si Jayson? Sino? Si Dylan nga ba? Pero hindi niya ito magagawa pero pwede din,; ngunit bakit? Napatingin ako kay Zoe, Wala itong kakayanan dahil mahihirapan itong buhatin ang lalake dahil sa malaki ngang bulas ang Jayson. "Oshaaa .. Papakawalan na kita but don't do things na magpapabalik sayo sa pagkakatali sa upuan." Ang sabi ni Dylan. "Yeah Yeah . Just Hurry! Masakit na ang aking mga kamay!" Utos nito. "Are we be okay Nics?" Bulong ni Zoe sa aking tenga. Tumango na lang ako upang sagutin ang kanyang tanong. Pagtango na alam kung hindi ako sigurado. BOGSS! Nagulat ako at Si Zoe naman ay napatili sa ginawa ni Jayson. "Now... We're even.", Ang sabi nito. Sinuntok nito si Dylan sa sikmura kaya't napaupo ang lalake. Hawak ang tiyan ay idinadaing ang dinulot na sakit sa pagkakasuntok sa parteng 'yon. Pagkagapos nun ay tumingin ito sa deriksyon ko. Nakaramdam ako ng takot pero wala naman itong ginawa. Ang akala ko ay babalakin nitong gumanti dahil sa ginawa kong pagpukpok sa kanyang ulo. Umupo na lang ito sa bakanteng upuan na nasa sala malapit sa Pinto. Si Dylan naman ay nakatayo na, hawak pa din ang sikmura't iniinda pa rin ang pananakit ay nagpasya na lang na mahiga sa couch. Pinikit pikit nito ang mga mata. Si Zoe ay nasa tabi ko, Takot na takot na nahawak sa aking manggas. Ngunit ang labis kong pinagtataka ay ng tingnan ko kung saan ito nakatingin. Bakas sa mukha ang takot nito sa mukha, Takot na kay Dylan nakatuon. Bakit?! Pakiramdam ko ay para akong bumubuo ng Puzzles na kulang kulang pa ang mga piraso. May kinalaman kaya si Dylan kaya't nabigkas ni Zoe ang ganoong bagay? Ahh... Hindi ko na talaga alam. Hindi ko na alam kung kanino at sino ang paniniwalaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD