Kabanata VII

1345 Words
Mahabang oras ang nilipad ng aking isip bumalik na lang ito ng marinig ko ang tunog ng pinto ng Main door at pumasok muli ang mga tauhan ng resort tangan tangan ang Trolley na may lamang mga pagkain. Inihanda iyon at ng matapos ay umalis din. Isa-isa kaming dumulog sa lamesa maliban kay Dylan sapagkat ito'y nakatulog dahil sa kalasingan. Mas lalong tumahimik ang Agahan namin dahil sa mga pangyayare. Siguro ay katulad ko na din sila mag isip sa sandaling ito, sa pagkakaroon ng kaisipan na hindi na namin magawang pagkataliwalaan ang isat-isa. Apat na lang kaming natitira, Si Jayson, Si Zoe, Si Dylan at Ako. Talaga bang iisa lang ang maaaring mag-survived sa larong ito? Talaga bang buhay ng tao ang nagbibigay ng aliw sa kung sinomang Demonyo ang nakaisip sa larong ito. Oo nga pala, Bakit ko nga ba naitatanong ang bagay na 'to? Talaga namang ganito ang kalakaran sa Resort na ito, na akala mo'y paraiso ngunit may nagkukubling sekreto. Alas otso na pala ng umaga. Bagong umaga ngunit nagiging senyales upang maging Huling umaga para sa aming apat. Matapos kong kumain ay nagpunta ako sa aking silid, Sinundan naman ako ni Zoe. Si Jayson ay naiwan sa Lamesa. "Anong hinahanap mo Nics?", Usisa nito. "Hindi ko alam pero baka may makita ako dito sa silid. Gawin mo rin sa kwarto mo at baka may makita ka rin." Ang turan ko sa kanya. Agad namang umalis si Zoe at tinungo ang kanyang silid upang maghanap din gaya ng ginagawa ko. Hinalungkat ko ang lahat ng sulok, Pinagpag ang mga libro. Likod ng cabinets, Ilalim ng sink, maging sa Tangke ng inidoro ay di ko pinaligtas. Nagbabakasali na baka may makita akong bagay na pwedeng makatulong sa akin, sa amin. Nagbalik gunita sa akin sa kung paano kami nabuong magkakasama. Nangyari ito noong college pa kami, mga second year college dahil noong panahon na 'yon, required sumali ng club, wala kaming nagustuhan sa mga suggested clubs kaya nagpasya kaming Pito na bumuo na lang, at mula noon tinawag na kaming grupo ng mga Sira ang Ulo, dahil sa pagkahilig namin sa mga Dark Stuffs, 6 na buwan ang itinagal ng club na ginawa namin ngunit kung susumahin ay lagpas Sampung Taon na ang aming pagkakaibigan kaya hindi ko ma-imagine na magpapatayan o kikitlin namin ang isa't isa. Do we have personal grudges? Hindi ko maalala. Sabagay, Madalas kasi akong wala sa mga Reunions dahil naging abala sa sariling buhay. Kung tutuusin ay sila-sila lang din ang nagkakasama dahil flexible ang mga oras samantalang sa nature of work ko ay need ng approval of higher ups. Swerte kung papalarin. Ng malaman kong namatay ang itinalaga naming leader ng Grupo ay akala ko makikita ko din sila ngunit walang nagpakita sa kanila maliban sa akin. Ang pinagtataka ko din ay, Matapos ang libing ay hindi na nagkaroon pa ng mga reunions. Ngayong taon na lang ulit, Sa ika-sampung anibersaryo. Wala akong naging balita sa mga kasamahan ko maliban sa palagi silang abala at walang extrang oras para magkitaan at magkasama-sama. Muntik ko pa ngang maisip na baka may alam sila sa nangyari kay Leader dahil palagi nila itong kasa-kasama noon. Itinaas ko ang Kama at nakitang may kung anong bagay na naka-tape doon. Hindi ko muna ito kinuha dahil bumalik ako sa pintuan ng aking silid upang ipinid ito at ng ma-lock ay saka ako bumalik upang i-angat muli ang Kama at kinuha ang box na naka-tape doon. Mabilis ko 'yon binuksan. A folding knife and a Flashlight! Isinilid ko ang folding knife sa bulsa ng aking pants bago pagbuksan ang kumakatok na si Zoe. "Nics! Nics! May nakita ako!", Sabi nito habang hawak ang isang box katulad ng box na nakita ko. Ipinakita sa akin ni Zoe ang laman non. Flashlight din, at wait Mapa?! Mapa ba ito ng resort?! Maigi kong sinipat ang Tila mapa at napagtanto ko nga na Mapa nga ito ng resort pero bakit? Para saan 'tong mga Box na naglalaman ng kagamitan? Nakaramdam ako ng galit ng iisang sagot lang ang rumihistro sa aking isip... For entertainment?! Mga demonyo sila! Mabilis akong naglakad palabas tangan ang mapa at ipinakita iyon kay Dylan at Jayson. Nagtataka sila kung saan ko nahagilap iyon. "Bilis! Kalkalin niyo ang inyong mga kwato baka may box din kayong makukuha at makatulong sa atin para lumabas sa impyernong ito!" Ang sabi ko. Aligaga ang dalawang lalaki after ko sabihin iyon. Bente minutos ang lumipas ng bumalik sila sa akin na may bitbit na gamit. Flashlight at Susi ang kay Jayson, Flashlight din kay Dylan at Ano yun? Ba-baril?! "Ba-baril ba iyan Dylan?" Tanong ni Zoe. "Oo eh. Pistol, ito ang nakita ko na nakatago sa libro ng pagpagin ko." Wika nito. "Pwede bang ako na ang humawak niyan?" Mungkahi ni Jayson ngunit sinamaan ito ng tingin ni Dylan. "At para saan kaya iyang susi?" Tanong ko. "Susi sa sasakyan?" Sagot ni Zoe. "Palagay ko ay hindi baka iba pa 'yang paggagamitan. Pwedeng susi ng kwarto O Susi ng pinto." Ang sabi ni Dylan. Ng marinig ni Jayson ang sinabing iyon ni Dylan ay Dali-dali itong humakbang papunta sa Pintuan ng Main Door at isinalpak doon ang Susi, Ipinihit pakaliwa at tama nga ang sinabi ni Dylan. Susi nga ito ng unit 6! Sa Wakas! Makakalabas na kami at makakaalis! Akma na kaming lalabas ay pinigilan kami ni Dylan. Sa kadahilanang masyado pang maaga ang binabalak namin. Hintayin daw namin ang pagdilim upang matiyak na walang mga bantay na makakakita na sinang ayunan naming tatlo. Hindi na ko makapaghintay na umalis dito at bumalik sa normal at payapa kong mundo. Habang ang lahat ay naghihintay ng oras, sinimulan na ni Dylan na pagsama-samahin ang mga natitirang baraha. Naipon na niya ang apat na baraha at ang isa'y nakuha niya sa tapat ng Main Door, ng dinadampot niya ang barahang iyon ay di ko maiwasang lihim na masuya. I smirked in my mind. Hindi talaga titigil ang owner ng resort na 'to hanggang walang natitirang isa sa aming apat. Isa-isa na kaming pinapili at pinabunot ni Dylan ng tig-iisang baraha. Ang ngiti ko kanina sa pag iisip na makakaalis na kami sa lugar na ito ay napalitan ng Pagkabigla at Takot ng mapagtanto ko ang nilalaman ng aking nabunot... K CARD! I..I am a Killer?! I-i... need to Kill?! Tanong ko sa aking sarili. Tinignan ko ang ekspresyon ng aking mga kasama. Walang pagkabalisa o ano mang ekspresyon na pagkagulat ang makikita sa kanilang mga mukha. Ibig sabihin ay, hindi nga ito panaginip. Totoo ngang na sa'kin at hawak ko ang card, ang card kung saan kailangan mong kumitil ng buhay! Hindi! Hindi ko gagawin ang gusto nila! Hindi ako papatay ng tao, ng Kaibigan para sa ikakatuwa nila! Tatakas kami! Aalis na kami sa lugar na ito! Ikinuyom ko ang aking kamay na dahilan para malukot ang card, isinuksok ko ito sa likurang bulsa ng suot kong pants pagkatapos ay isinalampak ko ang katawan sa Sofa Bed. Uubusin ko ang oras sa pag iisip sa kung anu-ano ang hakbang kung sakaling magkaroon ng aberya ang gagawin naming pagtakas. Lumipas pa ang maraming oras... alas sais na ng gabi, Alas siyete.. Alas Otso ng magsimula na kami mag-impake. Ang dinala lang namin ay ang mahahalagang gamit. Ibinigay sa akin ni Zoe ang kanyang selpon at tinanggal ang password nun. Just in case na may mangyari sa kanyang masama ay nasa selpon niyang iyon ang ebidensya. Ngunit paano naman ako? Paano kung may mangyari pala sa aking masama? Itinigil ko ang pag-iisip ng negatibo at nilakasan ang loob. "Lets go.." Hudyat ni Jayson. Muli niyang isinuksok ang susi sa doorknob at dahan dahan itong binubuksan. Tahimik kaming lumabas, Pinakiramdaman ko ang malakas na t***k ng aking puso na tingin ko ay ang tanging ingay na naririnig ko. Sinabayan pa kasi 'to ng labis na pagkabog. Minamasid ang kapaligiran kung may mga tao ba. Kung may mga bantay bang nakatalaga. Ngunit wala kaming nakita. Tahimik ang pasilyo, nakakabinging katahimikan na lalong nakakadagdag sa nararamdaman kong kaba at takot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD