Kabanata VIII

1326 Words
Hawak ang Mapa'y nilakbay namin ang palabas ng Unit 6. Dumaan sa pasilyo sa likod ng resort. Nanatili ang katahimikan ng paligid. Mga maliliit na yabag namin ang tanging pinagmumulan ng ingay. Sa dulo ng Pasilyo ay may isang kwartong nakasarado. Nag iisang kwarto lang ito, tila sinadya na doon ilagay at wala ka ng ibang choice na pipiliin kundi ang pasukin iyon. Ginamit muli ni Jayson ang susi na hawak at himalang maging iyon ay nabuksan din. Madilim ang kwartong iyon kaya binuksan namin ang dala naming flashlight. Hinanap ko ang switch ng ilaw ngunit hindi naman ito nabuksan ng pindutin ko. Nakuntento na lang kami sa liwanag na hatid ng flashlight. "Guuys! Lo-look!" Ang sabi ni Zoe. Itinuro niya sa amin ang bahagi kung saan nakatutok ang kanyang flashlight. Mga Pictures iyon, Pictures namin noong kami ay nasa kolehiyo! Mga ibat-ibang aktibidad na ginawa naming magkakasama pero bakit?! Bakit naroon ang mga larawan at nakapaskil sa pader! Lalo akong nahintakutan ng may maalala...! hindi maaari! Dahil ang may ari ng mga larawan na 'yon ay sampong taon ng Patay! Ang aming Leader! Ngunit Bakit nga ba naririto ang mga larawan? Sino ang may gawa nito?! Nilapitan ko ang pader at matamang tinignan ang mga larawa't nasindak ng maaninag ko ang tunay na itsura noon. Ang lahat kasi ng larawan ay may ekis na marka sa kanilang mga mukha! Maging ang pigura ko din sa larawang iyon ay mayroong ekis na nakasulat. Who the hell did this?! Tanong ko sa aking isip. Iginiya ko pa ang hawak na flashlight sa ibang bahagi ng kwartong iyon. Nabitawan ko ang pagkakahawak dito ng may makita pa ako.. Takot na takot akong napapaatras sa aking kinatatayuan. Nakita naman ito ng aking mga kasama at maging sila ay sabay sabay na itinutok ang hawak na flashlight. Sila din ay kinalooban ng takot sa nakita. Isang bangkay na nakasabit sa kisame na sinuotan ng Hooded Robe na kulay itim! Ang ganap na pagkaagnas nun ang dumadagdag sa nararamdaman naming takot! Sino ang bangkay na 'to?! Napatakip ako sa aking bibig ng makita ko ang naka-burdang pangalan sa Robe... JASMIN SUAREZ. Hindi ako maaaring magkamali sa iniisip ko! Bangkay iyon ng Leader ng aming Grupo! IHHHHHH-!!! Ingay na nilikha ni Zoe at mabilis na natakip ang sariling bibig. Kung magpapakawala pa siya ng sigaw ay maaaring dito sa kwartong ito magtatapos ang aming mga buhay. Dinampot ko muli ang aking flashlight at naghanap pa ng ibang bagay. Sa lamesa, sa ibaba ng bangkay ay nandoon ang mga school records namin, Mga academic awards, recognitions at ibat-ibang bagay patungkol sa buhay namin noong nag aaral pa kami sa Kolehiyo. Naghalungkat pa ako sa mga papeles doon.. May nawawala... Ginulo gulo ko ang mga papel hanggang sa kumalat ito at nahulog sa sahig. Wala! Wala! Bakit wala ang record ni Zoe?! At ano 'tong kakaibang amoy na nalalanghap ko? Tinakpan ko ang aking ilong dahil nararamdaman ko na ang pagkapos ng hininga. Nagsimula ko rin marinig ang pag-ubo nina Jayson at Dylan. Ng iginiya ko ang ilaw ng Flashlight sa taas ng pinto ay naaninag ko ang tila usok. Usok na pumapasok sa kwarto kung saan kami naroroon. Nailawan ko pa ang pagbagsak ni Dylan at maging si Jayson. Hindi nila batid na may kung anong usok ang naging dahilan upang mawalan sila ng malay at makatulog. Si Zoe naman ang tinutukan ko ng aking dalang flashlight. Bakit? Paano mo sa amin nagawa ito? Napaupo ako sa aking kinatatayuan, nanghihina dahil sa pagkapos ng hininga. Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata't nakatuon lamang sa gawi ni Zoe na may suot na Gas Mask. Madilim. Kadiliman ang aking naaaninag. Asan na ba ako? Te-teka! Hindi ako makakilos! Iginalaw ko ang aking ulo. Pakiwari ko ay may nakasaklob sakin dahilan upang wala akong maaninag! Iginalaw ko pa ng iginalaw ang aking ulo kaya't natanggal at nahulog ang sako ngunit labis ko 'tong pinagsisihan dahil nasindak ako sa aking nakita! Si.. Si.. Zoe! ay wala ng buhay! pero bakit?! Paano?! Ang akala ko ay trinaydor kami ni Zoe ngunit bakit nakahandusay ang kanyang katawan sa sahig at dilat pa ang mga mata. Nagsimula na ring kumilos ang iba na gaya ko ay nakatali din sa upuan at may saklob ng sako sa ulo. Ngunit, tama ba ang aking bilang? Bakit lima kaming lahat na nakagapos at kung isasama sa bilang si Zoe ay anim kaming lahat. May iba bang tao na isinama sa aming grupo? Ang kaninang nakaupo na tila natutulog ay tumayo. May suot itong maskara, Maskara ng Joker sa Baraha. Ito ba ang leader?! Isa-isa niyang tinanggal ang sako sa mga ulo. Una kong nasilayan si Dylan, Ang sumunod ay si Jayson na nagpupuyos sa Galit.. Ngunit labis namin ikinagimbal ng makita ang dalawa pa.. Sina Amber at Jessica! Ang akala ko ba ay patay na ang mga ito?! Hulas na ang make up sa kanilang mga mukha dahil sa kakaiyak. Sa labis na pagkatakot ay wala na silang pakialam sa kung ano man ang itsura nila sa sandaling ito. Kung nagimbal kami ng mapagtanto na buhay pa sina Amber at Jessica ay mas lalo kaming nagulat ng tinanggal ng taong Joker suot nito sa kanyang mukha. Lahat kami ay pagkagulat ang naging ekspresyon. Pagkagulat na may kasamang takot. J..Jasmin?! L-eader?! Ang taong akala namin na sampong taon ng namayapa ay buhay na buhay sa aming harapan! Mas lalo akong naguluhan sa mga nagyayari! Puro bakit na walang kasagutan ngunit iisa lang ang totoo, Si Jasmin ang salarin ng lahat ng ito. Lumapit ito sa akin at tinanggal ang busal sa aking bibig. Gayon din ang ginawa niya sa iba ko pang kasama. "Please .. Patawarin mo na ako Jas ...", Pagsusumamo ni Amber. "Patawarin mo ako sa nagawa ko.." Segunda ni Jessica na humihikbi pa rin. Sina Dylan at Jayson ay tahimik. Nakayuko sila parehas na tila hiyang hiya kay Jasmin. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Tila ba'y may itinatago sila na kailangan kong malaman. Litong lito pa rin ako. Nalilito sa kung bakit nasa harap ko si Jasmin at buhay na buhay. Kung paano ang akala kong patay ng sina Amber at Jessica ay nasa upuan at pawang nakatali din, Kung bakit sila humihingi ng tawad at higit sa lahat ay bakit kami nalagay sa sitwasyon na ito. Ngingiti ngiti si Jasmin ng makita ang mga ekspresyon namin. Ngiti nga ba? Hindi yata kundi ngisi. Malapad na ngiting may ikinikubli lalo na ng mapadako ang tingin niya sa akin. Ramdam niyang ako ay naguguluhan sa mga nangyayari. "My ... My... Dear Nics, I will give it to you briefly, Alam ko naman na gulong gulo ka sa naging sitwasyon kaya upang maintindihan mo ay iku-kwento ko ang pangyari, Sampung taon na ang nakakaraan." Mahaba nitong sabi. Ikinuwento nito ang insidente. Ang naging huling reunion ng CCBAW. Kung paano siya iniwan ng Limang katao na kasa-kasama ko upang mamatay. Pinalabas nilang aksidente ang nangyari ngunit hindi naman pala. Binalak siyang patayin ng mga taong tinuring na niyang pamilya. Nadama ko ang pait sa bawat kwento, ang galit sa bawat salita. Punong puno ng galit at paghihiganti. At ang dahilan ay... PERA, baon pala sa samu't saring utang ang lima kaya't nagpasya nilang patayin si Jasmin upang makuha dito ang funds. Funds, ang tawag namin sa inipon naming pera upang masuportahan ang mga activities, Occasions, and Get away ng grupo. At si Jasmin lamang ang nakakaalam ng Password upang ma-access ang funds na 'yon. Ng matapos ang pagku-kwento niya ay hinanap ko ang dahilan kung bakit ako nasama sa sitwasyon na 'to ngunit hindi ko ito matagpuan. "Alam ko na alam mo ang lihim ng Resort, Nics." Ang sabi nito. Maang ng bahagya ang aking bibig sa sinabi niyang iyon. Ramdam ko ang tingin ng lahat sa akin. "Dahil ang totoo ay ideya mo ang lahat ng ito. Isinama kita dahil ikaw ang kukumpleto sa magaganap ngayong gabi." Dugtong niyang sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD