Sumagi sa'king isip ang naging huling pag uusap namin ni Jasmin bago maganap ang Insidente. Ibinahagi niya sa'kin ang mga hinaing ng iba pa naming kaibigan lalo na ang pangungulit sa kanya na utangin ang funds. Ngunit nagbiro lang naman ako ng panahon na 'yon. Nagbiro ako at nasabi ang ideya tungkol sa Resort kung saan magiging huling hantungan ng mga taong nais mong gantihan. Hindi ko alam na mauuwi sa tangkang pagpaslang at pagsabuhay sa nasabi kong ideya ang lahat.
"Nics?! Totoo ba?", Ang tanong ni Dylan.
Umiling ako.
"Pero, Totoo na ideya ko 'to. Nagbiro lang naman ako noon.", Pagpapaliwanag ko.
"Kung alam ko lang ay dapat hindi ko na pinigil ang galit ko sayo. Gusto kitang sakalin!", Galit na singhal ni Jayson.
Ang kaninang umiiyak na si Amber ay nagbago ang ekspresyon. Napalitan ito ng Poot marahil ay dahil tama ito. Tama nga na ako ang nagdala sa kanila sa huli nilang hantungan. Si Jessica naman ay hindi nagtapon ng tingin sa akin.
Isang malakas na halakhak ang aming narinig. Halakhak na nagmumula kay Jasmin. Matalim ang mga mata nito na tila ay nanlilisik. Nilukuban kami ng takot ng makita namin siyang may kinukuhang bagay sa cabinet, Ba-BARIL!
"I feel bored. Na-bored ako sa drama na ipinakita niyo sa akin kaya we will play. Madali lang.. To survived, reach the shore and hahayaan ko kayong mabuhay. The game will start kapag lumabas kayo sa pintuan ng kwartong ito and I will be your Hunter." Nagagalak nitong sabi.
Mukha lang madali pero paano ba kami makakatakas sa lugar na ito na tila ay Maze. Kailangan kong makaalis dito. Gusto ko pang mabuhay. Gusto kong damhin ang buhay kasama ang mga taong mahal ko. Napalunok ako ng laway at bumuntong hininga.
Nagsimulang ipadyak ni Jasmin ang mga paa na tila gumagawa ng tunog. May kung anong ibinubulong ito at ng makuha ang tamang himig ay ikinakanta.
"Isa... Dalawa.. Tatlo.. Maglalaro tayo.
Apat.. Lima.. Anim.. Magtago ka sa dilim.
Pito.. Walo.. Siyam.. Walang makakaalam.
At pagbilang kong sampo, dapat nakatago na kayo... "
Paulit ulit niya itong kinakanta habang tinatanggal ang pagkakatali sa aming mga kamay. Tila ay naging musika sa kanyang pandinig ang mga salitang iyon. Ng makalagan kaming lahat ay tumigil ito sa pagkanta. Pakiramdam ko ay napako ako sa aking kinauupuan ngunit wala akong pagpipilian dahil mamamatay rin ako kung hindi ako kikilos at lalabas sa silid na ito.
"R-U-N, RUUUUUN!!" Sigaw ni Jasmin.
Ito ang naging hudyat na nagbigay motibo sa amin upang lumabas ng silid at hanapin ang Dalampasigan. Sa dilim ng gabi, Sa mga nagtatasang puno ay halos wala akong maaninag sa kagubatang tumambad sa amin. Makulimlim ang kalangitan kaya't ang liwanag ng buwan ay hindi nakatulong. Patuloy lamang akong tumatakbo, Nadadapa ma'y bumabangon upang magpatuloy. Nakadagdag sa takot ko ang alingawngaw ng boses ni Jasmin na ikinakanta na naman muli ang isa, dalawa, tatlo.
AAAAAAAHHHHHHHHH!
Boses ni Amber 'yon. Hindi ko alam kung nasaan ang eksaktong lokasyon niya ngunit alam kong hindi maganda ang pangyayaring kanyang kinakaharap. Narinig ko din ang pagputok ng mga baril. Sa pakiwari'y ko ay hindi lamang si Jasmin ang Hunter. Siguro ay isinali niya din ang iba pang mga tauhan, Mga tauhang nagkukubli sa Maskara.
IHHHHHHHHHHHHHHH!
Tili naman ni Jessica. Ito pala ang sumunod na biktima. Nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo upang mas makalayo pa. Hindi ko makita ang Dalampasigan, Malayo pa ba? Nasaan ba ito?! Tumigil ako sa punong malaki at mayabong ang itsura. Naisip kong akyatin ito upang makita kung nasaan ang dalampasigan.
Ngunit sa dilim ng gabi ay hindi ko maaninag kung saan ito naroroon. Natigil ako sa ginagawa ng mapansin ang tila mga taong may bitbit na Sulo. Hinawakan ko ang aking bibig ng tumigil ang isa sa mga 'yon sa Puno kung saan ako nagtatago. Pinigilan kung sumigaw sa nakita ko. Bitbit nila ang patay na katawan ni Jessica na may mga nakabaon pang Kutsilyo sa katawan!
Pinalipas ko pa ang ilang oras at pinaramdaman ang paligid. Tahimik, dapat na ba akong magpatuloy? Bababa na ba ako sa punong ito o aantayin ko na lang mag umaga ng sa gayon ay mas madali kung makita ang aking kapaligiran.
Akma na sana akong bababa ng makarinig ako ng mga yabag na papalapit sa puno kung nasaan ako nagtatago. Si Jayson pala 'yon, Ngunit hindi pa ito nakakalapit ay pinaulanan na ito ng bala. Nagkikisay ito bago bumagsak. Tila'y naging Shooting board ito na walang pakundangan kung paputukan. Nagtawanan pa ang mga Naka-Maskara at nagbibidahan sa gaano sila kagaling sa pag asinta at kung ilang bala ang kanilang nagamit. Mga demonyo! Walang mga puso!
Idinikit ko ng maigi ang aking katawan sa puno upang hindi nila maaninag ang aking pigura. Lumapit ang mga ito sa walang buhay na katawan ni Jayson at kinaladkad iyon papalayo. Narinig ko pa ang kanilang pag uusap. Kung gayon ay dadalawa na lang pala kami ni Dylan na nagtatago't nabubuhay.
Hindi ko na mahihintay ang pag uumaga baka mas lalo lang akong hindi makaalis at mamatay din sa lugar na ito. Dahan dahan akong bumaba ng puno, patigil tigil ako upang i-check kung may mga tao bang paparating. Pinapakinggan ko ng maigi ang katahimikan ng gabi, ang tunog at mga huni. Nakababa na ako't buong ingat na binabagtas ang sa tingin ko'y tamang daan. Naramdaman kong may humigit sa akin, Tinakpan niya agad ang aking bibig upang hindi ako makalikha ng ingay at ng malaman na ako ay kumalma na ay mabilis din naman nitong tinanggal ang kamay.
"D-dylan?!", Ang sabi ko.
"Shhh... Wag mo lakasan ang boses mo at baka marinig tayo." Wika nito.
"Dito ka ba nagtatago?" Ang tanong ko.
"Hindi, Nakita kita mula sa itaas ng punong inakyatan ko. Nakita kitang papalapit kaya bumaba ako at hinigit kita." Sabi nito.
"Nakita mo na ba ang dalampasigan?", Sunod kong tanong.
"Oo, Dito ang tamang daan. Sundan mo lang ako." Wika nito.
Sinundan ko si Dylan at habang tumatagal ang aming paglalakad ay nakakaramdam ako na parang kabisado na niya ang kanyang nilalakaran. Tumigil ako, Lumayo ng bahagya sa kanya at dumistansya.
"Anong nangyayari sayo Nics?" Tanong nito.
May kutob ako na hindi maganda. Pakiramdam ko ay mapapahamak ako kung patuloy akong susunod sa lalaking ito. Akma na akong tatakbo palayo ngunit mabilis nitong nahablot ang aking buhok, Ang sakit! Mahigpit ang pagkakapit niya doon kaya napahiyaw ako ngunit agad naman niyang natakip ang aking bibig.
"Shhh... Sh... Wag kang maingay.", Ang sabi nito.
Nagpupumiglas ako. Pinagsasampal ko siya at nakalmot ang mukha dahilan upang magtangis ang bagang nito at binigyan ako ng suntok sa sikmura na sa sobrang sakit ay ikinaluhod ko't kalaunan ay napabuloktot sa pagkakahiga. Ngayon naiintindihan ko na ang kaninang pagkatakot na nakita sa mukha ni Zoe, Maging ito pala ay Traydor din!
"Bago kita dalhin kay Jasmin ay hayaan mo munang akong sumaya." Sabi nito na may pagngisi.
Pinagtatdyakan ko siya ngunit nasampal naman niya ako sa mukha. Sa lakas ay muntik na akong panawan ng ulirat. Pumuwesto siya sa harapan ko at hinubad nito ang suot na Tshirt. Nahihilo pa ako sa kanyang ginawang pagsampal. Naalala ko ang pocket knife, Kinapa ko ito sa bulsa ng short na suot ko, at ng mahubad ni Dylan ang Tshirt ay agad ko 'tong sinaksak sa kanyang mukha! Sa Mata tumama ang aking ginawa, nakita ko ang pagsirit at pagdanak ng dugo na umagos doon. Wala na kong pakialam kung pati damit ko ay napapaliguan na ng dugo nito. Ang mahalaga ay makaalis ako sa demonyong nasa aking harapan! Napahiyaw ito sa sakit.
"I will Kill you, b***h!", Sigaw nito.
Napaatras ako ng bahagya sa kanya datapwat ay hindi naging sapat iyon upang tuluyan akong makatakas. I crawled. Gumapang ako papalayo. Wala na kong pakialam kung magkanda-sugat sugat ang aking tuhod. Ngunit Mabilis pa rin siya! Mabilis niyang nahila ang aking mga paa dahilan para muli akong matumba at mapailalim sa kanya. Hinugot niya din ang pocket knife na itinarak ko sa kanyang mata lalo akong pinandigan ng balahibo ng makita ang Imahe niya, Sumilip na ang liwanag ng buwan kaya't kitang kita ng dalawa kong Mata ang Itsura ni Dylan, Tunay ngang ito'y isang demonyo.