Nakarinig ako ng munting ingay. Ingay ng alon. Sa wakas ay malapit na ako sa Dalampasigan. Binilisan ko pa ang ginawa kong lakad takbo at ng makalabas sa gubat ay natanawan ko ang dagat sa ibaba. Nasa Talampas pala ako't Bangin na pala ang dulo ng gubat.
Kung babalik ako'y hindi ko makakasiguro na ako ay mabubuhay ngunit kung tatangkain kong tumalon sa Talampas na ito'y magiging lasug lasug ang aking katawan dahil naglalakihang bato sa paanan ng bangin.
Nakita ko ang paglabas ni Dylan sa gubat. Hawak nito ang Pocket knife. Nagkalat na ang umagos na dugo sa kanyang suot na tshirt.
"Wag mo tatangkaing tumalon diyan dahil alam mong hindi ka mabubuhay ngunit kung sasama ka sa akin ay tiyak na mabubuhay ka sa sarap at ligaya." Ngumis ito at bahagyang tumawa.
Nababaliw na yata ang demonyong ito. Mas nanaisin ko pang mamatay sa pagtalon kaysa piliin ang impyerno kasama siya.
Habang lumalapit siya ay, Lalo ko din inihahakbang paatras ang aking mga paa. Akma na niya akong hahablutin ay saka ako nagpasyang tumalon. Kitang kita ko ang gulat at galit sa kanyang mukha. Ang pagtagis ng kanyang mga bagang. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata upang tanggapin ang piniling desiyon. Salamat... Nakaalis at Nakatakas na rin ako sa Paraisong Impyerno na ito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
**Nics, Gising! Hoy Nics!** Sino ba 'tong tumatawag sa aking pangalan. Idinilat ko ang mga mata't tumambad ang mukha ni Zoe.
"Ano ba? Kanina ka pa natutulog diyan. Malapit na tayong tawagin.", Ang sabi nito.
Gulat na gulat ako ng makita ko si Zoe sa aking harapan. Inilibot ko ang mga mata sa Paligid. Pawang naka-togang itim ang aking nakikita. Maging ako ay nakasuot din. Anong nagyari? Panaginip lang ba ang lahat ng iyon? Ngunit masyadong makakatotohanan ang bawat pangyayari't detalye.
"Anong meron?", Tanong ni Jessica na may hawak na pagkain.
"Ewan ko ba dito sa babaeng 'to at mukhang hindi nakatulog dahil sa excitement." Dagdag ni Zoe.
"Me too, Late na kaya ako nakatulog kanina." Singit naman ni Amber.
"Kahit magpuyat ka pa Babe, Maganda ka pa din." Ngiting sabi ni Jayson.
"Ewwww! Doon nga kayo magsarili ng mundo.", Pantataboy ni Jasmin.
"Congrats Guys! Lahat tayo naka-graduate!", Wika ni Dylan na nasa likod ko pala.
Nakaramdam ako ng kaunting takot ng makita ko ito gawa ng nangyari sa aking panaginip. Is it really a dream o a warning? Ito ba 'yong tinatawag na 6th sense? 'Yung Clairvoyant?
"Oh! Matunaw si Dylan niyan ah." Tukso ni Zoe.
"Ikaw talaga, Di ka pa rin natigil sa pag-iissue mong iyan.", Sabi ni Dylan.
"Syempre! Favorite ship ko kayo eh!" Ang sabi ni Zoe.
"Oyyy tawag na tayo! Halika na kayo!" Pagyaya ni Jessica.
Isa-isa kaming pumuwesto sa Photo Booth na nasa gilid lamang ng stage para mayroon kaming photo na naka-toga.
"Say cheeese!" Anang sabi ni Manong photographer.
Bakas sa aming mga mukha ang labis na kagalakan. Sana nga'y maging isang bangungot na lamang ang bagay na 'yon. Nawa'y ito ay parte lamang ng panaginip sapagkat ayokong mawala ang totoong ngiti sa aming mga labi.
THE END.