"Really?" "Come on, hindi ang katulad ni Mr. Walton ang tipo kong lalaki, Ms. Tan," naiirita kong sagot. "Posibleng magustuhan mo siya. Alam mo bang kailanman ay hindi siya minahal ng kaibigan kong si Lavinia? Kung hindi ako nagkakamali, there was only one man na totoong minahal ni Lav, at iyon ay si Richard Han," ani Micah sa akin. Napansin kong tila nawalan ng kulay ang kanina lang ay matingkad niyang ngiti. "Hmmm... sa tingin ko may something din ba sa inyo ni Mr. Han?" "Ayoko na lamang pag-usapan pa ang tungkol sa amin ni Richard. As long na masaya siya sa piling ni Lavinia ngayon ay malugod ko na lamang na tinatanggap," sagot ni Micah, pero hindi maipagkakaila ang tila paglungkot ng kanyang anyo. "Base sa pagkasabi mo halatang may relasyon kayo niyang si Richard Han." "Actua

