Hindi ko binigo si Adam at niluto ang paborito niyang ulam pati na rin ang ulam na paborito ni Ares. Wala akong magagawa kundi ang paunlakan ang nais ng bata kung saan siya masaya. "Ano na namang drama ito, Lavinia?" Nagulat ako nang walang-sabing hinila ni Ares ang aking kabilang-braso saka napaharap sa kanya. Sinalubong ko ang seryoso nitong titig na tila ba halatang nalilito sa mga nangyayari. "Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikitang nagluluto ako ng dinner gaya ng request ni Adam?" inis kong sagot saka marahas na itinulak sa malapad na dibdib si Ares. Nakita ko kung paano umigting ang magkabila niyang mga panga. Hindi maipagkakailang napaka-gwapo ni Ares sa suot niyang white plain shirt with his black sweat pants. Hulma ang matipuno niyang dibdib na kahit sinong babae ay maaakit na ma

