"M—May dumi ba ako sa mukha?" nauutal kong tanong. "Why are you asking?" tanong ni Ares sa akin. "Kanina ka pa kasi nakatitig sa akin." "Am I?" Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko nang marinig ang sagot ni Ares. "Ay hindi, nakanganga ka lang," inis kong sagot. Ngunit nagulat ako nang magpakawala ng isang malutong na halakhak si Ares. First time kong makita siyang tumawa, and it was like endless. Hindi ko na rin tuloy napigilan ang sarili saka sumilay ang tipid na ngiti sa aking mga labi sabay iling. Mas gwapo pala siya kapag nakatawa. Tila ba parang nag-slow motion siya sa aking paningin. Dàmn, I hate this kind of feeling. Natatakot akong mahulog sa isang Ares Walton na ang puso ay para lamang sa asawang si Lavinia kahit pa nga sabihing pinagtaksilan siya. Hindi maipagkakaila a

