"Tsk!" Ang siyang tanging sagot ni Ares sa akin. Kulang nalang sabihin niyang in my dreams. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. Tumakbo palapit sa aming gawi si Perla. "Narito na po ang susi niyo, ma'am." Inabot ni Perla ang susi ng aking kotse. Tinanggap ko naman. Pagdakay narating na rin namin ang kotse ni Ares. Bago ako pumasok sa front seat tinulungan ko muna si Ares na makahiga ng maayos si Adam sa may backseat. "Perla, pumasok ka sa loob," utos ko kay Perla at agad naman siyang tumalima. Hanggang sa mailagay namin ng tama ang natutulog na si Adam sa kandungan ni Perla. Pagkatapos ay isinara ko ang pinto ng kotse ni Ares. Naglakad na ako patungo sa lugar kung saan naroon ang aking kotse. "Lavinia, hayaan mo na muna ulit iyang kotse mo at dito ka na sumakay," ani Ar

