COLYN's POV
Ito ako nakaupo ngayon sa conference room habang hawak ang ulo ko. Sumasakit ang ulo ko kay Prince. Daig pa ang batang nagwawala. Tsk! Ang daming hanash sa life nya. Naku! Kung hindi ko lang talaga mahal malamang matagal ko ng iniwanan yun.
Kailangan ko muna kumalma bago ako humarap kay Prince, dahil sa malamang mauuwi kami sa away at bangayan nito. Grabe talaga ang lalaking iyon! Nakakapanggigil din pagka minsan dahil sa ugali.
Ramdam ko yung pagod ko all the way from the airport just to see him tapos imbis na makitaan mo ng pagkamiss sa mukha sasabihan ako ng flirt. Duh?!! Sarap hampasin ng heels sa pagmumukha eh. Subukan ko kaya at baka sakaling matauhan ang mokong.
"Colyn..." napatingin ako sa pinto ng pumasok ulit si Allen. Ika-limang balik na ata nya sa akin. " Wala ka pa ba balak awatin si Prince?"
"Naku Allen! Hayaan mo siya hanggang mapagod siya kakasuntok at kakabasag ng gamit nya sa opisina nya" pagmamatigas ko.
"Hindi makakatrabaho ng maayos yung mga tao sa labas sa ginagawa nya. Kanina pa sigaw ng sigaw doon."
"Eh kasi naman Allen, nakakainis naman siya" nagtatampong sabi ko sa bestfriend nya." Pagod ako tapos ganun lang maririnig ko sa kanya. Ewan ko ba dyan sa kaibigan mo bakit walang katamis tamis sa katawan. Gwapo nga, mayaman hindi naman napagkaitan ng pagiging sweet!"
"Hahaha! Para naman bago ka kay Prince. All of the people tayo lang na malalapit sa kanya ang makakaintindi sa kanya"
"Ewan ko Allen. Minsan nakakaramdam na din ako ng pagod, parang gusto ko magpahinga at lumayo" napabuntong hininga ako.
Totoo naman kasi, 5 years na akong umuunawa sa kanya. Kapag ganyan siya hindi ko siya pwedeng sabayan kasi lalo lang siya magwawala. Akala ko ng una madali lang parang bata lang na kailangan mo amuhin at lambingin. Yung kailangan mo lang iparamdam sa kanya na naiintindihan mo siya at handa mo siyang intindihin.
Yung hindi mo na naiisip yung pagod mo kasi ayaw mo na makitang ganun siya. Na mas lalo lang lalaki yung gulo kong papatulan mo kaya in the end ikaw yung kailangang magbaba ng pride. ALWAYS.
Hindi ko na maenjoy yung relationship na meron kami kasi lagi na lang ako yung nagbibigay. Ako yung laging umiiwas sa mga sa mga bagay na makaka-trigger ng temper nya,hindi dahil sa natatakot ako sa kanya kundi natatakot ako na madamay ibang tao. Parang laging bilang lang mga kilos ko, dapat may mag Do's and Dont's ako.
Minsan nararamdaman ko nakakulong ako. Nakakaramdam ako ng pagkasakal sa sitwasyon namin. Nalulungkot ako. Feeling ko hindi pwedeng i-enjoy yung mga gusto kong gawin kasi iniisip ko si Prince. Hindi ko na iniisip yung sarili ko puro na lang si Prince. Bawat kilos at galaw ko kailangan lagi ko muna iisipin si Prince.
Minsan napapaisip ako, naiisip din kaya ako ni Prince at yung nararamdaman ko?
Napailing na lang ako bago tumayo. " Ako na bahala kay Prince, sige na Allen bumalik ka na sa trabaho mo."
Tinapik ako ni Allen sa balikat " Thank you Colyn. Prince needs you."
Malungkot na nginitian ko lang si Allen. Prince needs you. I love him but he only needs me.